Ipinagbabawal sa mga bansa sa Europa, kabilang ang France, ang pagpapaalis sa mga nangungupahan ng bahay kapag winter.
Ito ay kahit na hindi sila nakakabayad ng upa sa takdang panahon.
Gayunpaman, isang landlady sa Pas-de-Calais, isang lugar sa northern France, ang lumabag sa naturang batas.
Hindi na pinangalanan ang landlady.
Read: Architect shares insights on feng shui and house design
Pero pinaalis niya ang kanyang mga tenants sa pamamagitan ng kakatwang paraan.
Technically, hindi verbal o puwersahang pinaalis ang mga ito.
Read: Private jet once owned by Pablo Escobar now available for rent on Airbnb
LANDLORD MAY INUTUSANG “MAGPALIT” NG MGA PINTO AT MGA BINTANA
Sa ulat ng franceinfo, isang French news website, last December 26, 2024, napag-alamang noong December 20, isang grupo ng mga trabahador ang dumating sa paupahang bahay.
Sinimulan ng mga itong tanggalin ang mga pinto at bintana,
Sinabi sa tenant na papalitan na ang mga iyon.
Read: Eco-friendly home upgrades you can do on a budget

Read: Modern bahay-kubo in Cavite is 70% made from scrap materials
Pero ayon sa tenant, isang nanay na may isang anak, matapos maikarga ang mga pinto at bintana sa dalang service vehicle, hindi na nagbalik ang mga trabahador,
Naiwan ang tenant at ang kanyang pamilya na nagtitiis sa sobrang lamig ng klima sa buong gabi at mga sumunod na araw.
Read: Caretaker living in mountain top invents micro hydro power machine
TENANT DUMULOG SA MEDIA
Idinulog ng tenant sa local media ang kanyang sitwasyon.
Sinabi niya sa mga mamahayag na sinubukan niyang kausapin ang kanyang landlady, pero hindi niya ito makontak sa telepono.
Ang ginawa na lang niya para malabanan ng kanyang pamilya ang lamig ay tinakpan ng cardboard ang mga bintana at mga pinto.
Read: Abandoned train car transformed into a stunning house for PHP8.8M

Read: Living inside the mall: shops converted to apartments
Sinabi rin niyang natatakot siyang iwan ang bahay kahit sobrang lamig dahil baka pag umalis silang mag-anak doon ay hindi na sila makabalik pa at tuluyan nang ibarikada iyon ng kanyang landlady.
Read: British-inspired tiny house in Bulacan is "first of its kind"
LANDLADY INAKUSAHAN ANG TENANT NA HINDI TUMUPAD SA USAPAN
Nang makapanayam naman ng media ang landlady, inamin nitong ito nga ang nagpatanggal ng mga pinto at mga bintana ng pinauupahang bahay.
Ginawa umano nito iyon dahil hindi tumupad ang tenant sa kanilang kasunduan.
Akusa ng landlord, hindi ipina-insure ng tenant ang bahay.
Ang usapan umano nila ay magbabayad ito ng insurance.
Dagdag pa nito, limang buwan na ring delayed ang bayad sa upa ng tenant.
Read: French guy falls in love with Siargao; builds a bamboo house
Nang hingan ng opinyon ang French Homeowners’ Association, sinabi ng pamunuan ng asosasyon sa media na nauunawaan nito ang naging motibo at aksiyon ng landlady.
Gayunpaman, binigyang-diin ng asosasyon na ang paraan na ginamit para mapaalis ang tenant nito ay illegal.
Nagsampa na ng reklamo ang tenant.
Pasamantala ring nanunuluyan ang pamilya nito sa isang social housing.
Read: This retirement haven in Davao City has breathtaking views of the mountains
