Kapupulutan ng malaking aral ang kuwento ng bahay na nanatiling nakatayo at hindi natupok ng apoy sa kabila ng malawakang wildfires sa California, U.S.A,. recently.
Ang residential house ay pagmamay-ari ni Dr. Karina Maher, isang environmentalist, at ni Michael Kovac, isang architect.
Customized ang ipinatayo nilang bahay na sila mismo ang nagdisenyo para maging sustainable at wildfire resilient.
Read: Tiny house sa Cainta worth PHP650K, bulletproof at zombie-proof!
THE HOUSE THAT SURVIVED THE FIRE
Ayon sa ulat ng Reuters, nang makuha ang abiso tungkol sa pagsalanta wildfires, nilisan agad nina Michael at Karina ang kanilang bahay.
Pero na-monitor nila ang sinapit nito dahil sa security cameras.
Nai-record ang video mula sa paglapit ng apoy, pagragasa nito sa kanilang bahay, hanggang sa pag-aapula ng sunog.

Nang lumabas na sa ulat ang kabuuang pinsala, nakita ng mag-asawa na nakatayo pa rin ang kanilang bahay.
Sabi ni Karina: “It really does look like an apocalypse or a warzone with everything, and ash, and rubble, and still-fire smoldering, and smoking, and burning, and seeing our house standing there…
“So there’s a bit, I guess, of survivor’s guilt… if you want to use that term…
“We’re proud and happy that our efforts paid off, but we never imagined a scene so stark as this.”
Inisa-isa rin sa Reuters interview ang mga dahilan kung bakit na-survive ng bahay ang wildfire.
Nariyan ang fire-resistant cladding, kung saan gumamit sila ng isang fire-resistant material para i-wrap ang "building components."
Nariyan ang planted roof o ang pagkakaroon ng mga halaman sa bubong.
May sprinkler nozzles bilang parte ng “fire retardant on demand” system ng bahay.
Naging factor din ang “defensive space” sa palibot ng bahay para hindi mabilis kumalat ang apoy.
In short, ikinonsidera ng mag-asawa ang threat ng wildfires sa pagpapatayo ng kanilang bahay.
Sabi ni Michael sa interview, “Building, designing the house so close to nature and knowing the history of southern California, we were acutely aware that at some point in the house's life, there would be serious fire nearby, at the very least.
“And so we designed the house both fire resilient and sustainable and happy those two systems are often one and the same.”
Sa sumunod na pahayag ni Michael, malinaw ang lesson na matututunan sa kuwento ng kanilang nag-survive na bahay.
Mukhang wala pa raw agarang solusyon sa global warming na sinasabing isa sa posibleng dahilan ng wildfires.
“Meantime, whether dealing with floods Southeast or hurricanes or wildfires in California, we have to be realistic about what those threats are, and design accordingly," sabi ni Michael.
Read: Bodega turned into a tiny house in Antipolo for PHP350,000

