PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Save or spend? Top 10 smart considerations when building a home

...according to a licensed architect.
by Bernie V. Franco
Published Jan 21, 2025
house construction
A registered architect outlines 10 key considerations for building a house.
PHOTO/S: Canva

Hindi bago sa mga Pilipino ang konsepto ng pagtitipid.

Tama lang na piliin ang maging praktikal kung may mas magandang option.

Pero mali kung isasantabi ang quality ng binili o serbisyo.

Paano sa pagpapagawa ng bahay?

Inisa-isa ng licensed architect na si Ed Ramos ang mga dapat ikunsidera.

PRESYO NG MATERYALES

“Maraming Pilipino ang naniniwala na mas mahal na materyales o serbisyo ay palaging mas maganda ang kalidad,” sabi ni Architect Ed sa kanyang YouTube video na in-upload nitong January 16, 2025.

Dagdag ng arkitekto, “Ang tamang pag-iisip: hindi lahat ng mahal ay matibay o sulit."

Ibinahagi niya ang kanyang payo para maging mas cost-efficient pagdating sa pagpili at pagbili ng mga materyales na gagamitin sa pagpapatayo ng bahay.

Aniya, "Ang tamang kombinasyon ng kalidad at affordability ay mas praktikal. Kaya magsaliksik, mag-research at ihambing ang mga materyales, bago ito bilhin.”

Read: Lessons from house that survived L.A. wildfires

SUKAT NG BAHAY

Kinontra ni Architect Ed ang paniniwalang mas maraming advantages ang pagkakaroon ng malaking bahay para sa pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, "Ang tamang laki ng bahay ay batay sa pangangailangan, sa need, at kakayahang pinansiyal.”

Mas dapat pagtuunan ng pansin ang "functionality kaysa laki ng bahay."

Remember na hindi biro ang mag-maintain ng house kaya dapat sakto lang para walang unnecessary expenses.

house architecture
To be cost-efficient in buying materials for the house you will build, Architect Ed Ramos advises checking out the materials and comparing the prices.
Photo/s: Canva
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BUILDING PERMITS

Isa raw itong major no-no sa mga nagpapatayo ng bahay. May iba raw na nilalaktawan ang prosesong ito sa pagnanais na makatipid.

Subalit ang pagkuha ng permit ay hindi lang para makapagpatayo ng bahay sa isang location.

“Ang mga permits ay mahalaga para masiguro ang kaligtasan at legalidad ng proyekto,” sabi ni Ed. “Kung wala kang permit, hindi ka dapat magtatayo.”

Inihayag niya ang isang consequence sakaling madiskubreng wala kang building permit.

“Kung magtatayo ka ng walang permit, papahintuin ka ‘tapos babalik ka rin sa proseso na iyon. Kaya ang hindi pagsunod dito ay maaaring magdulot ng multa at ilegal na problema. I mean, illegal na problema. May kulong iyan.”

TIBAY NG BAHAY

Hindi raw assurance na matibay ang isang structure na gawa sa semento at bakal.

“Ang tibay ng bahay ay hindi lang nakabase sa paggamit ng konktreto at paggamit ng bakal kung wala namang plano,” sabi ng professional architect.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Ang tamang sukat at tamang dami ng bakal, at tamang sukat at volume ng konkreto ay dinidisenyo ng civil engineer, at hindi hula-hula lang.

“Kaya hindi komo nilagyan ng bakal at nilagyan na niya ng konkreto ng manggagawa mo, e, matibay na iyan sa lindol.”

house building
Consulting a licensed engineer and architect to build your house is essential to make sure your building your house right.
Photo/s: Canva
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NEED FOR ARCHITECT OR ENGINEER

Isa pang mga maling practice ng mga nagpapatayo ng bahay ay ang hindi na pagkuha ng professionals, tulad ng architect o engineer, para sa plano.

Paliwanag ni Ed, “Ang mga arkitekto at engineer ay mahalaga para matiyak [na] maayos ang disenyo, matibay ang istraktura ng bahay mo.”

Dagdag pa niya, “Yung pagkuha ng arkitekto and engineers ay isang long-term investment. Hindi ka magkakamali.”

CONTRACTOR AT WORKERS

Madalas ay nagpi-fail ang plano kapag mali ang piniling contractor at workers.

“Ang sobrang pagtitipid sa labor ay maaaring magdulot ng mababang quality, mababang kalidad ng trabaho,” sabi ni Ed.

“At dagdag na gastos sa pagsasaayos ng mga maling ginawa in the future. Marami kang ire-repair.

"Kaya piliin yung mahusay, may magandang track record. Hindi yung basta-basta na lang na kukuha tayo ng manggagawa...”

Read: Susan Enriquez gives tips for those building a house

SKILLED VERSUS LICENSED

Pagdating sa workers, hindi lang dapat na kaya niya o alam niya kaya ipagkakatiwala sa kanya ang investment mong bahay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Ed, “Sabi nila, yun daw skilled na pero hindi naman lisensiyado manggagawa o propesyunal ay sapat na para sa mga komplikado na proyekto.”

Aminado naman si Ed na may mga nagiging skilled dahil sa experience.

“Bagama’t magaling ang ilan, matagal na sa construction, mas mabuting sa lisensiyado at propesyunal na mga manggagawa, para sa ganon maiwasan mo ang mga hindi ligtas na mga gawa, lalo na sa mga elektrikal.”

Ang wiring at plumbing ay malaking problema kapag hindi maayos ang pagkakagawa.

DIY: MAS MAKAKATIPID BA TALAGA?

Usong-uso ngayon ang Do-It-Yourself o DIY sa mga bagay-bagay.

Totoo namang isa itong epektibong paraan para makatipid. Pero ang tanong: sapat na ba ang skill at knowhow mo?

Paliwanag ni Ed, “Ang DIY ay hindi laging praktikal, lalo na kung hindi ka naman marunong.

"Kung kulang ang kaalaman mo at skills mo...kulang ka sa tamang kagamitan, maaari itong magresulta sa maling gawa. Mas magastos ayusin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PROPER TURNOVER

MInsan, sa kamamadali, basta may bubong na ang bahay, iniisip na dapat nang tirhan.

“Mali. Unsafe,” saad ni Ed.

“Ang tamang pag-iisip ay magplano para sa durability at efficiency, tulad ng tamang ventilation, tamang lighting, at future expansions.”

Paalala niya pa, “’Wag mong madaliin. Kung hindi pa puwedeng tirahan, wag mo munang tirhan. Maglaan ng panahon para sa kalidad o quality ng bahay.”

HOUSE MAINTENANCE

Oras na natapos na ang pagpapatayo ng bahay, kailangan ang regular maintenance.

Paliwanag niya, “Ang tamang maintenance ay mahalaga upang mapanatili ang tibay ng bahay at maiwasan ang mga malaking gastos sa hinaharap.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A registered architect outlines 10 key considerations for building a house.
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results