Kung gusto mong pumasok ang suwerte sa iyong bahay, maglagay ka ng lucky plants.
Bukod kasi sa maganda sa paningin, may hatid din daw silang suwerte at positive energy.
Heto ang ilan sa mga best choices na puwede mong subukan, ayon sa feng shui:
MONEY TREE (PACHIRA AQUATICA)
Ang money tree ay isa sa pinakasikat na lucky plants sa feng shui.
Sinasabing nagdadala ito ng financial prosperity at harmony sa bahay.
Ilagay ito sa sala o sa isang lugar kung saan madalas magtipon ang pamilya para ma-maximize ang good energy.
Kayang rin nitong mabuhay kahit hindi araw-araw didiligan.

LUCKY BAMBOO
Ang lucky bamboo ay simbolo ng flexibility at strength.
Ayon sa mga feng shui experts, ang bilang ng stalks nito ay may iba't ibang kahulugan:
3 stalks – Happiness
5 stalks – Wealth
7 stalks – Good health
Madali itong alagaan, basta’t siguraduhing laging malinis ang tubig sa vase nito.
Perfect ito para sa mga working Pinoys na laging busy.

JADE PLANT (CRASSULA OVATA)
Kilala rin bilang money plant, ang jade plant ay may bilog at makintab na dahon na parang coins—kaya sinasabing nagdadala ito ng financial blessings.
Ilagay ito malapit sa entrance ng bahay o office para sa continuous flow ng wealth energy.

SNAKE PLANT
Ang snake plant ay may kakayahang maglinis ng hangin sa loob ng bahay, kaya doble ang benefits nito.
Ilagay ito sa living room o kuwarto para sa positive energy at fresh air.

CITRUS TREES
Ang mga citrus plants, tulad ng calamansi, lemon, o orange trees, ay sinasabing nagdadala ng abundance at happiness.
Ang bunga ng citrus trees ay sumisimbolo ng good fortune, kaya maganda itong ilagay malapit sa bintana o sa garden.
Bukod pa rito, magagamit din ang bunga sa pagluluto o paggawa ng fresh juices.
Read: Year of the Wood Snake: Will luck be on your side?

PEACE LILY
Ang peace lily ay hindi lang maganda sa interior design kundi nagbibigay rin daw ng balance at harmony at nagtatanggal ng negative energy sa paligid.
Swak ito sa mga small apartments dahil hindi ito masyadong nangangailangan ng sunlight.

GOLDEN POTHOS (DEVIL’S IVY)
Ang golden pothos ay isa sa pinakamadaling alagaan na halaman.
Bukod sa pagiging low-maintenance, sinasabi ring nagdadala ito ng wealth at good luck.
Maaari itong ilagay sa office o workspace para makatulong sa pagkamit ng financial goals.

Read: Architect shares views on feng shui and house design
HOW TO MAXIMIZE THE LUCK BROUGHT BY PLANTS
Place the plants in the right spot
Ayon sa feng shui, ang southeast corner ng isang bahay ang tinatawag na “wealth corner,” kaya magandang ilagay dito ang money tree o jade plant.
Take care of your plants
Ang dead or neglected plants ay nagdadala ng stagnant energy, kaya siguraduhing inaalagaan ang mga ito.
Set your intentions
Habang nagtatanim o nag-aalaga ng halaman, mag-focus sa iyong goals at affirmations para mas mag-sync ang energy mo sa halaman.
At huwag kalimutan, hindi lahat ng bagay ang nadadaan sa suwerte.
Maaaring makatulong ang feng shui, pero nasa kamay mo pa rin ang iyong tagumpay sa buhay.