Isang “tiny house on wheels” ang for rent sa Tagaytay para sa mga nagnanais mag-outing at mag-enjoy ng outdoor escape.
Ito ang goal ni Jon Bisares, owner ng Casita Isabela.
Malinaw kay Jon at sa kanyang misis kung ano ang konsepto nila nang maisipang magpatayo ng tiny house.
Inspired ito sa interes at hilig ng kanilang pamilya sa off-roading. o pagda-drive sa rough terrain, at overlanding, na combination ng off-roading at camping.
May pagkakataon nga raw na kapag nag-o-overlanding ay inaabot sila ng apat na araw sa camping.
“When we decided to build the tiny house as a rental property, gusto naming ma-experience ng guests, it’s not just a regular staycation, but rather gusto namin ‘experience.’
“Kaya ang gusto naming ma-experience when we have our guests here in Casita Isabela, not just living in the tiny house, but experience really yung glamping, like we do experience,” paliwanag ni Jon sa Summit OG.

Read: Save or spend? Top 10 smart considerations when building a home
Tiny house trailer concept
Mayroon silang mga pegs.
“Sabi ko sa asawa ko, 'Bakit kaya hindi tayo gumawa ng tiny house on wheels similar on what we see in Australia, New Zealand, and in the U.S.? Because wala pa akong nakikitang ganyan sa Pilipinas, e.’”
Pumayag daw agad ang kanyang misis.
Nung nakahanap sila ng off-the-grid na lote sa Tagaytay, agad nila itong nagustuhan.
Ani Jon, “We’re used to medyo liblib na lugar. We immediately bought it.”
Pero sa kanilang pagtatanung-tanong, marami raw ang hindi komportable sa outdoor camping na walang amenities tulad ng restroom.
Kaya mayroon ding facilities tulad ng kitchen at toilet ang tiny house.
Pero hindi rin nila tatanggalin ang outdoor concept.
“Ang goal talaga is outdoor living,” giit ni Jon.
Kaya naman ang kanilang Airbnb tiny house ay may outdoor picnic table at outdoor tub.
Nagpalagay din sila ng fire pit para sa bonfire activities sa gabi.

Read: Susan Enriquez gives tips for those building a house
Pagpasok sa establishment, makikita agad ang living room at ang dining area na may Japanese table.
Meron ding TV at bean bags para sa komportableng panonood..
Kumpleto naman sa gamit ang maliit na kitchen para sa pagluluto. Meron din itong microwave oven at coffeemaker.
May pinuwesto ring stove sa labas para sa outdoor cooking.
Sa tabi ng kitchen ay naroon ang toilet and bath na mayroon ding sink na ipinakabit ng kanyang misis.
Meron ding shower at banyo na may bidet.
Sa taas ng kitchen ay nakapuwesto ang loft kunsaan nakalagay ang double bed.



NOT REALLY A CONTAINER VAN
Paglilinaw ni Jon, ang konsepto nila ay container van, pero hindi aktuwal na container van ang kanilang tiny house.
“We do not want to use a container van because there are pros and cons after my research sa YouTube,” paliwanag niya.
“Pero ang structure ay similar sa container van.”
Kung titingnan sa labas, mukhang container van nga ang design ng bahay. Ginamitan ito ng fiber cement na ang paint color ay wood.
“For insulation, we don’t wanna use similar to what we’re using here in the Philippines, parang aluminum lang.
“So we used what they use as doon sa Austrlia so makapal siya.
“They call it rock wall. So that it can resist the heat in the Philippines and sometimes siguro during the cold season during the Ber months.”
Meron itong lot size na 330 square meters at 10.4 square meters na floor size.
In the future, plano ni Jon na maglagay pa ng wood canopy na maaaring tambayan ng renters, at saka outdoor pantry para sa full-outdoor experience.
Payo naman niya sa mga nais magtayo ng tiny house, “Start small and simple. Hindi kayo mabibigla sa price.
“And second, don’t be afraid to ask questions. Nang pinaplano namin ito, I seek advice from experts.”
At ang pangatlo: embrace the journey.
