PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

How often should you clean your water bottle?

Are you even cleaning it properly?
by Allyanah Marielle T. Calinao
Published Feb 13, 2025
water bottle
You may not see it but your water bottle may be full of germs, especially if you don't regularly clean it. Here are tips on how to properly clean your bottle and how often should you do it.
PHOTO/S: Canva

Ang reusable water bottles ay naging essential na sa pang-araw-araw na buhay.

Mapa-opisina, school, workout sa gym, o kahit may lakad lang for the day, maraming gumagamit nito para manatiling hydrated.

Ang tanong: Gaano kayo kadalas maglinis ng waster bottle?

Madalas iniisip na dahil tubig lang naman ang laman ng bote, mananatili itong malinis.

Ngunit tandaan, kahit ang tubig mula sa gripo ay hindi sterile.

Sa loob ng ilang araw, maaaring dumami ang bacteria, lalo na kung iniwan sa room temperature.

MGA PANGANIB NG MARUMING WATER BOTTLE

Ayon sa BBC Science Focus, isang pag-aaral ng WaterFilterGuru ang nagpakita na ang maruming water bottle ay may parehong level ng bacteria gaya ng nasa isang toilet seat?

Ang bacteria tulad ng Staphylococcus at Streptococcus, na natural na matatagpuan sa katawan, ay maaaring magdulot ng skin at respiratory infections.

Dagdag pa rito, kung hindi madalas naghuhugas ng kamay, maaaring makapasok sa bote ang Escherichia coli (E. coli), isang bacteria na karaniwang matatagpuan sa banyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa sobrang dami nating hinahawakan, hindi maiiwasang nalilipat ang bacteria at germs sa water bottle.

Read: CHECK THIS OUT: PVC, good wood alternative resistant to anay, water, heat

TAMANG PARAAN NG PAGLILINIS NG WATER BOTTLE

Ang sunod na tanong: paano linisin ang water bottle?

Narito ang mga dapat gawin:

Gamitin ang tamang temperatura ng tubig

Banlawan gamit ang mainit na tubig na hindi bababa sa 60°C upang mapatay ang karamihan sa bacteria.

Magdagdag ng dishwashing liquid

Gumamit ng sapat na sabon, i-shake o i-scrub ang loob gamit ang bottle brush, at hayaan itong mababad ng 10 minutes.

Banlawan nang mabuti

Siguraduhing walang natitirang sabon sa loob upang maiwasan ang hindi kanais-nais na lasa o after-taste.

Patuyuin nang maayos

Iwanang nakabaligtad upang matuyo nang husto—mas mainam kung overnight drying upang maiwasan ang moisture na maaaring pamahayan ng bacteria.

Read: Feng shui-approved plants for prosperity and luck

PAANO LINISIN ANG MATAGAL NANG HINDI NAHUGASANG BOTTLE

Kung matagal nang hindi nalilinis ang bote at may napansin nang kakaibang amoy o lasa, mas extensive dapat ang paglilinis:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gumamit ng suka at tubig

Haluin ang equal amounts ng suka at tubig at ibabad ang bote sa loob ng ilang oras o magdamag.

Banlawan gamit ang mainit na tubig at sabon

Sundan ang regular cleaning method pagkatapos ibabad sa suka.

Paalala: Huwag kalimutang linisin din ang takip, straw, at iba pang accessories dahil maaaring magtaglay rin ang mga ito ng bacteria.

water bottles
Here are the proper ways to clean your water bottle to make sure it is not contaminated.
Photo/s: Canva
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

GAANO KADALAS DAPAT LINISIN ANG WATER BOTTLE?

Upang maiwasan ang bacteria build-up, pinakamainam na linisin ang water bottle pagkatapos ng bawat gamit.

Kung hindi ito posible, siguraduhing huhugasan ito ng ilang beses sa isang linggo dahil ang tamang paglilinis ay hindi lamang makakapagpanatili ng hygiene and good health kundi makakatulong din sa mas matagal na paggamit ng bottle.

Overall, ang paggamit ng reusable water bottle ay isang hakbang patungo sa mas malusog at eco-friendly na pamumuhay.

Ngunit hindi sapat ang simpleng pagre-refill—kailangang tiyakin na ito ay malinis at ligtas gamitin.

Ang simpleng habit ng tamang paglilinis ay matinding panlaban sa maraming sakit.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
You may not see it but your water bottle may be full of germs, especially if you don't regularly clean it. Here are tips on how to properly clean your bottle and how often should you do it.
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results