PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tiny House Living: Pros and Cons

Practical, doable, remarkable!
by KC Cordero
Published Feb 14, 2025
Tiny house made of sustainable materials
Cute at mukhang masayang manirahan sa tiny house, pero bago magpatayo o bumili, alamin muna ang mga pros and cons. (Photo courtesy of lunawood)

Noong dekada 1990, isa sa mga kapansin-pansing pagbabago sa housing market—lalo na sa America at iba pang European countries—ay ang pagdami ng mga nagpapatayo ng tiny houses.

Naging architectural and social movement ito na nagpapalaganap ng simpleng paraan ng pamumuhay.

In recent years, nauso na rin ito sa Pilipinas.

Read: Bali-inspired tiny house in La Union, worth PHP1 million

Photo of a tiny house
Sumigla ang pagpapatayo ng tiny house simula noong dekada '90.
Photo/s: casaejardim
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Bodega turned into a tiny house in Antipolo for PHP350,000

Ang maximum na sukat ng tiny house ay hanggang 37-square-meter floor space. Hindi kasama sa sukat ang lofts.

Para itong studio-unit condo.

Ang pinakalayunin ng paninirahan sa tiny house ay ang mamuhay nang kokonti ang mga kagamitan.

PROS OF TINY HOUSE LIVING

Maraming “pros” ang kaakibat ng pagtira rito. Ang pinakamalaking factor ay cost.

CHEAPER construction COST

Dahil maliit, ang pagpapatayo o pagbili ng tiny house ay mas abot-kaya kumpara sa traditional home.

Ayon sa website na HomeAdvisor, ang isang tiny house sa U.S. ay nagkakahalaga ng USD30,000 (PHP1,742,624.78) hanggang USD60,000 (PHP3,485,010.68).

Sa Pilipinas, ang kumpanyang Cuboid ay nagbebenta ng modelo ng tiny house na nagkakahalaga ng PHP1.8 million.

Mas mura kung meron kang effcient team of workers at ikaw mismo ang bibili ng mga consruction materials.

Read: British-inspired tiny house in Bulacan is "first of its kind"

ECO-FRIENDLY

Ang tiny homes ay energy-efficient kumpara sa malalaking bahay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makakatipid sa paggamit ng kuryente dahil hindi kailangan ang maraming ilaw at malakas na air-conditioning system.

Maaari ring gumamit ng sustainable building materials, gaya ng kawayan at coco lumber, o kaya ay nagi-install ng solar products.

Maraming environmental advocates ang iniendorso ang tiny house living dahil mas eco-friendly.

At kung may espasyo pa sa loteng pinagtayuan, maaaring magtanim ng mga gulay at iba pang namumungang halaman.

Read: Retirement haven in Davao City boasts stunning mountain views

EASY TO MAINTAIN

Kung maliit ang bahay, maiiwasan ang pagbili ng kung anu-anong gamit na hindi naman talaga kailangan at kalaunan ay magiging kalat lang.

Madali rin ang pagkukumpuni at paglilinis.

DESIGN OVER SPACE

Ilang homeowners ang piniling magkaroon ng tiny house para matupad ang disenyong gusto nila.

Imbes na gumastos sila sa materyales, in-allocate ang budget sa architect and/or interior designer.

CAN BE customizeD BASED ON PREFERENCE

Ang isa pang bentahe ng tiny house ay maaari itong i-customize.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Puwedeng baguhin ang layout nito anumang oras, at puwede mo siyang i-build with expansion plans in mind.

Example, ang newlyweds ay puwedeng manirahan muna sa isang one-level house, na puwedeng dagdagan ng floor or kuwarto kapag lumaki na ang pamilya nila.

Read: "World’s Narrowest House" built to spite neighbor

Tiny house on wheels
Bukod sa puwedeng i-customize, maaaring ilipat ng puwesto ang tiny house. Photo: House Beautiful
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CAN BE A MOBILE HOME

Sa ibang bansa, ang tiny house ay maaaring itayo sa flatbed trailer at ikabit sa sasakyan.

Maaari itong dalhin ng may-ari kung saan niya gustong mag-travel.

Pabor ito sa mga may bakanteng lote sa probinsiya.

Read: Tiny house on wheels: Live small, explore more

CONS OF TINY HOUSE LIVING

Narito naman ang mga restrictions kapag tumira sa isang tiny house.

LIMITED SPACE

Ang pinaka-obvious ay ang kawalan ng space.

Once you decide to live in it, ang mindset dapat—sakto lang lahat.

Kaya there is no room for a lot for people. Hindi posible ang mga sleepovers o ang pag-entertain ng maraming bisita.

Kaya rin there is no room for extra storage. Hindi posible ang pagkakaroon ng maraming gamit.

EXTRA costs

Hindi porke't tiny house ay magiging tiny rin ang mga biga.

Hindi rin dapat balewalain ang insulation thinking na maliit lang naman ang space.

Remember, hindi ito parang tree house o doll house.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Titirhan mo ito, so dapat masisilungan mo ito kahit pa umulan at humangin nang malakas o bumaha.

Huwag sagarin ang pagtitipid para walang unnecessary expenses sa future.

Read: Maliit na bahay, nakatayo sa gitna ng isang freeway! Paano nangyari ito?

NOT AN INVESTMENT

Ang appeal ng tiny house ay para sa mga single o may maliit na pamilya.

Hindi pa ganun kalaki ang demand nito sa Pilipinas.

So hindi siya exactly investment, unless may plano kang gawing resort ang iyong property at magsisimula ka sa isang tiny house.

MAY NOT BE PWD-FRIENDLY

Puwede namang i-disenyo ito na akma sa pangangailangan ng mga kapamilyang may disability, but generally speaking, magiging problema ang sukat.

Kung kailangan mo ng ramp o bigger bathroom o bedroom para hindi mahirapang kumilos—all these entail bigger space.

Read: Tiny house sa Cainta worth PHP650K, bulletproof at zombie-proof!

Interior of tiny house
Dahil sa limitadong space, mahirap para sa isang PWD ang manirahan sa tiny house. Photo: Atty. Kris Ablan
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Regulasyon ng local government

Kahit lumalaganap na sa Pilipinas ang tiny house trend, marami pa ring lungsod at munisipalidad ang hindi nakakapag-update ng kanilang local housing codes.

Paalala ni Atty. Kris Ablan na may tiny house sa Ilocos: “Before buying, sort things out with your homeowners’ association first.

“Make sure the tiny home is not violative of your deed restrictions.”

Read: This mini-resort has 3 tiny houses, bus house, pool: all for PHP15K

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cute at mukhang masayang manirahan sa tiny house, pero bago magpatayo o bumili, alamin muna ang mga pros and cons. (Photo courtesy of lunawood)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results