Isang couple ang nagtayo ng isang camper van-inspired house.
Binuksan nila ito sa publiko, partikular sa mga taong naghahangad ng peace and quiet at maging malapit sa nature.
Ito ang konsepto ng The Green Camper, na matatagpuan sa Don Salvador Benedicto (DSB) sa Negros Occidental.
Pag-aari ito ng mag-asawang sina Bernardo “Berns” Bernardo at Melea Bernardo—parehong taga-Bacolod City.
Nakarating sila sa Maynila, kung saan nagkatrabaho at nanirahan.
Paminsan-minsan ay umuuwi pa rin sila sa kanilang hometown para makatakas mula sa ingay ng siyudad.
Subalit sabi ni Berns, naging urbanized na rin ang lugar nila sa Bacolod City, kaya nagdesisyon ang mag-asawang magtayo ng sarili nilang bahay-pahingahan.
Read: Tiny house on wheels: Live small, explore more
CAMPER VAN IN NEGROS OCCIDENTAL
Nakabili ng land property ang mag-asawa sa DSB Negros Occidental, ilang oras ang layo mula sa Bacolod City.
Sa interview nila with Summit OG, tinawag nilang “perfect environment” ang The Green Camper—mabundok, open space, at close to nature,
Ang orihinal nilang plano ay magtayo ng vacation home para sa kanilang mag-asawa at dalawang anak.
Pero kalaunan, nakita nila ang mga hamon sa ipinapatayong bahay.
“We realized later on that it will be challenging for us to oversee the construction of the vacation home because of the fact that we are based in Manila,” ani Melea.
Nagkaroon sila ng ibang idea dahil noong pandemic, sumikat ang mga camper vans bilang alternative sa camping. Marami ring mga tao ang nais maging close sa nature.
Naghanap sila ng mga nagbebenta ng fully-functioning camper van.
Hindi naman sila nabigo. May nakita silang local supplier na nag-import nito mula sa Europe at nagshi-ship sa Pilipinas.
Read: Susan Enriquez gives tips for those building a house
FULLY-FURNISHED CAMPER VAN
Ang fully-furnished camper van ay nakapuwesto sa 1,400- square-meter lot nina Berns.
Ang malaking bahagi ng gated property ay open space na may garden, activity, at leisure areas.
Ang van ay seven meters long at 2.5 meters wide.
Pagpasok dito, bubungad agad ang living area na may sofa na maaaring i-convert bilang higaaan.

Meron ding fully-functioning kitchenette na may mini-refrigerator, built-in stove, microwave, at coffeemaker.
Mayroon itong bedroom na may double-sized bed para sa dalawang katao.
Sa loob ay naroon din ang toilet and bath.

Sa mismong labas, mayroong outer deck kung saan nakapuwesto ang dining table at lounge chairs.
Katabi nito ay ang outdoor jacuzzi na maaaring pagliguan ng anim hanggang walong katao.
Dahil malawak ang lote, maaaring magtayo ng mga tents na puwedeng tulugan kung higit sa apat ang grupong magre-rent. Apat katao lamang kasi ang kasya sa loob ng camper van.
Sa gitna ng area ay may bonfire pit. Meron ding archery boards at badminton net na maaaring mapaglibangan.



Sa likod ng camper van ay mayroong outdoor kitchen, griller, at common toilet.
Proud sina Berns sa pagsasabing premium materials ang ginamit nilang furniture sa loob ng van.
Fully-airconditioned din ito at mayroong back-up generator for emergency.
REASON FOR THE CAMP SITE
Sa The Green Camper nag-i-stay ang pamilya kapag bakasyon.
Pero bukas din ito sa mga nais mag-staycation.
Sabi ni Berns sa konsepto: “Everything was based on what gives us joy. Everything was based on what gives our kids joy, to allow us to create memories today and in the future.
“It’s something that we wanted to share with people who are able to come over and enjoy the experiences for themselves.”
Ani Berns, balak nilang palaguin ang mga tanim na halaman, puno, at mga bulaklak sa kanilang site paging maging “sanctuary for nature” ang lugar.
Proud din siyang sabihin na baka siya lang ang mayroong nag-iisang camper van sa Negros Occidental sa ngayon.
Itinuturing ng mag-asawa na achievement ang pagpapatayo ng The Green Camper.
May mga pagsubok kasi silang pinagdaanan at inakala nilang hindi ito matatapos.
Sabi ni Melea, “ You should have to courage to take the leap of faith. It seemed at first as impossible or very challenging, but then we decided not to shoot down the idea right away.
“We agreed that we do some research if it’s viable to do it in DSB.”
Malaking tulong din daw ang pagtatanung-tanong para mahanap ang tamang suppliers.
Sa mga interesado, maaaring bumisita sa Facebook page ng The Green Camper.
