PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Problem with rats at home? Use peppermint to keep them away

Yup, it's an effective household remedy.
by KC Cordero
Published Mar 5, 2025
Photo of peppermint leaves
Ayaw na ayaw ng mga daga sa amoy ng peppermint. Alamin kung paano makatutulong ito para hindi mag-stay ang mga daga sa inyong tahanan. (Photo: Live It Up)

Nakakairita kapag may nakakapasok na daga sa loob ng bahay.

Napakadelikado ng mga ito dahil lumilikha sila ng unsanitary environment lalo na kapag nanatili nang matagal at nagparami ng populasyon.

Kapag three months old na ang male and female rats, kaya na nilang mag-breed.

Ang average na kayang ma-produce ng female rats ay eight to 18 litters.

Photo of rat
Maraming problemang hatid kapag ang isang bahay ay pinamugaran ng mga daga. Photo: Hill Country Pest Control
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Polyestrous din ang mga ito at kaya nilang mag-breed buong taon.

At dahil highly adaptable pest, kaya nilang mabuhay sa anumang kondisyon basta’t may access sila sa pagkain.

In short, hindi sila ideal housemates.

Read: CHECK THIS OUT: Binangi, a house built without nails, steel

RATS ARE EXTREMELY DANGEROUS

Bukod pa rito ang banta nila sa kalusugan dahil sa sakit na leptospirosis, na sanhi ng kanilang ihi.

Naninira rin ang mga ito ng mga gamit sa bahay.

Nginangatngat nila ang mga pagkaing nakapakete, damit, kable, libro, at marami pang iba.

Read: Why hanging overripe bananas in your garden is beneficial

EXTERMINATING RATS BY COMMERCIAL PESTECIDES

Bukod sa ihi at dumi, nag-iiwan din ang mga ito ng masansang na amoy.

Karaniwang lason ang ginagamit na pamuksa sa daga.

Ang problema, kapag inabot ito ng kamatayan sa tagong lugar, hindi basta-basta mahahanap at madi-dispose ang nade-decompose nitong katawan.

Read: Dumpster-diving couple saves PHP637K on food in one year

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PEPPERMINT DRIVES RATS AWAY

Mabuti na lang, may ibang paraan para maitaboy ang mga daga.

Ayon sa Forterra, isang supplier ng building materials sa United Kingdom, ang amoy ang isa sa “most crucial considerations" dahil meron silang keen sense of smell.

Inherently sensitive daw sila sa peppermint.

Photo of rat and peppermint oil
Iniiwasan ng mga daga ang amoy ng peppermint. Photo: Pestrol
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Paliwanag ng mga experts ng kumpanya: “Peppermint has a strong minty smell that rats dislike because it irritates their nasal cavities.

“Thus, it’s one of the most effective scents for keeping rats away forever.”

Read: K Café in Abra stays strong after the storm

HOW TO USE PEPPERMINT TO PREVENT RATS FROM ENTERING THE HOUSE

Para mapigilan ang mga daga na pumasok sa bahay, kumuha ng cotton balls at basain ng peppermint oil. Puwede ring gumamit ng peppermint leaves.

Alamin ang mga lugar na dinadaanan o pinamamahayan ng mga daga, at lagyan sila parati ng peppermint-loaded cotton balls o crushed leaves.

Photo of cayenne
Kung walang peppermint, puwede rin ang cayenne pepper na isa rin sa mga ayaw maamoy ng mga daga. Photo: Great British Chefs
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinapayo rin ng Forterra ang paggamit ng cayenne pepper dahil ayaw na ayaw rin ng mga daga sa amoy nito.

“The strong smell of cayenne pepper is enough to deter rats from entering an area.”

Read: Tiny House Living: Pros and Cons

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayaw na ayaw ng mga daga sa amoy ng peppermint. Alamin kung paano makatutulong ito para hindi mag-stay ang mga daga sa inyong tahanan. (Photo: Live It Up)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results