PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

How often should you wash your towel?

In one foreign survey, some reveal washing bath towels once a year.
by Bernie V. Franco
Published Mar 6, 2025
towel
People have varying opinions on how often bath towels should be washed. Some say after a single use, others prefer daily washes, while many stick to a weekly routine. But what do the experts recommend?
PHOTO/S: ca

Gaano ba dapat kadalas magpalit ng tuwalya o bath towel?

Sa isang group discussion sa Reddit, iba-iba ang sagot ng netizens.

May sumagot na kada isang gamit, at may nagsabing araw-araw dapat.

Meron ding sumagot ng kada tatlong gamit, kada tatlong araw, at meron ding lingguhan.

Ang pinakamatagal, kada dalawang linggo.

towel comment 1
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
towel comment 2
towel comment 3
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
towel comment 4

Sa BBC report na “Why you probably aren’t washing your towels often enough” noong January 13, 2025, tinanong ang 100 katao kung kailan sila nagpapalit ng kanilang bath towel.

May mga sumagot ng "once a week"; may sumagot ng "once a month"; may iilan na umaming "once a year."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero, gaano ba dapat katagal gamitin ang bath towels bago ito labhan?

Read: Here are essential cleaning tips for most-used kitchen items

PRONE TO GERMS AND MICROBES

Hindi man visible sa naked eyes, nagiging “breeding ground for millions of microbes” ang towel.

Madaling kumapit kasi rito ang mga bacteria, germs, fungi, at virus na mula sa balat, pati na rin ang mga bacteria na matatagpuan sa guts, ayon sa BBC report.

Kahit daw bagong ligo, may mga mikrobyo pa ring nakadikit sa katawan at nalilipat sa towel kapag ginagamit ito. Posible rin daw na galing ang mikrobyo sa ginamit na tubig.

May pagkakataong airborne ang germs na maaaring dumapo sa tuwalya habang nakasampay.

Kung nakasampay ang tuwalya sa bath and toilet, maaari itong dapuan ng germs sa tuwing nagpa-flush ng toilet.

At aanhin ang paglilinis ng katawan habang naliligo kung ang pamunas namang gagamitin ay marumi?

HOW OFTEN SHOULD YOU WASH YOUR TOWEL?

Sa isang artikulo na nalatha sa Good Housekeeping UK noong July 2023, binanggit na nilalabhan dapat ang tuwalya matapos gamitin ng tatlo o apat na beses.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gayunpaman, nilinaw sa artikulo na kunsiderasyon ang dalas ng gamit at kung saan ginagamit ang towel.

Halimbawa, kung ginagamit ang tuwalya sa gym, inirerekomendang labhan ito araw-araw dahil nadidikitan ito ng pawis.

Kung hand towel naman sa bahay, inirerekomenda na labhan ito kada tatlo o dalawang araw, habang araw-araw naman ang paglalaba sa face towel.

towels
People have varying opinions on how often bath towels should be washed. Some say after a single use, others prefer daily washes, while many stick to a weekly routine. But what do the experts recommend?
Photo/s: Canva
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Helpful tips and trivia to fight dengue at home

RECOMMENDATIONS FROM EXPERTS

Dahil madalas na basa ang towel, madali itong pamahayan ng mold at mildew, ulat naman ng Consumer Reports noong March 3, 2024.

Ang Consumer Reports ay isang American non-profit organization na ang misyon ay mapangalagaan ang kapakanan ng consumers pagdating sa products.

Binanggit sa report na inirerekomenda ng American Cleaning Institute ang paglalaba sa bath towel matapos gamitin ng tatlo hanggang limang beses.

Highly recommended ding isampay ito para patuyuin kada gamit.

Dito sa Pilipinas, maganda ang practice ng mga Pilipinong ibinibilad sa ilalim ng araw ang mga tuwalya kada gamit.

Nakakatulong daw ang pagpapatuyo para puksain ang mga microbes and germs.

Sinabi rin sa report na mas prone sa bacteria ang hand towels, lalo na kung marami ang gumagamit nito, kaya ipinapayo ang madalas na paglalaba rito.

Dahil makapal ang tuwalya, madali itong mag-absorb ng moisture. Mas mahirap din ang pagtanggal ng bacteria, ani Charles P. Gerba, PhD, isang virologist, at environmental science professor sa University of Arizona.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paalala naman ni Eric Boring, isang CR scientist at may PhD in chemistry, ang mga taong may skin condition tulad ng acne at eczema ay dapat magpalit ng tuwalya nang mas madalas.

Mas maigi kung may sariling towel para hindi mailipat ang germs o hindi mahawa sa skin problem ng iba.

face towel

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Experts highly recommend washing face towels daily.
Photo/s: Canva

HOW TO WASH BATH TOWELS

May mga dapat tandaan kapag naglalaba ng mga tuwalya.

Una, huwag itong isama sa mga damit.

Makakatulong kung mainit na tubig ang gagamitin sa paglalaba para matiyak na hindi makaka-survive ang mga microbes and germs.

Gumamit ng strong-acting at deep-penetrating detergent.

Hindi naman ipinapayo ang paggamit ng fabric conditioner sa tuwalya dahil maaaring maiwan dito ang detergent residue na puwedeng makairita sa balat.

Pero kung hindi naman sensitive ang skin, mas mabango at malambot ang tuwalya kapag gumamit ng konting fabric conditioner sa pangalawa o sa huling banlaw.

Tiyakin ang lubos na pagpapatuyo sa mga towels bago gamitin.

Para sa mga Pilipino, madalas sabihin ng mga nanay na iba kapag natuyong mabuti sa araw ang mga damit, gayundin ang mga makakapal na tela tulad ng tuwalya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
People have varying opinions on how often bath towels should be washed. Some say after a single use, others prefer daily washes, while many stick to a weekly routine. But what do the experts recommend?
PHOTO/S: ca
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results