PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paano palamigin ang bahay nang walang aircon ngayong summer?

For those who plan to renovate or construct their houses, take note.
by Bernie V. Franco
Published Mar 13, 2025
Woman opening a window
May mga puwedeng gawin para maging presko at malamig ang bahay bukod sa pagbubukas ng aircon o bintana.
PHOTO/S: Tim Doulas for Pexels

Dahil isang tropical country ang PIlipinas, ang ventilation ay dapat na major consideration ng mga house owners.

Usually, maalinsangan buong taon. At kapag sumapit naman ang tag-init, talagang napakainit.

Paano kung walang aircon? Paano gawing presko at malamig sa loob ng bahay?

Nagbigay ng limang kontra-init tips ang licensed architect na si Ed Ramos na puwedeng gawin sa ipapatayong bahay o kahit sa existing houses na walang aircon.

Read: CHECK THIS OUT: Binangi, a house built without nails, steel

FIVE AIR-COOLING TIPS

BEST WINDOW TYPE FOR NATURAL VENTILATION

Sabi ng arkitekto, basic pero effective ang paggamit ng jalousie windows.

Aniya, 90% na papasok ang hangin gamit ang ganitong uri ng bintana.

“Maa-achieve ang natural ventilation kapag na-achieve ang tamang sukat ng openings at nasa tamang lugar ito,” ani Ed sa kanyang YouTube video noong April 2024.

May mga pagkakataon kasi na may mga bintana sa bahay pero mali ang posisyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Halimbawa raw dito ang mga bintanang nakatapat sa init ng araw.

“Kahit nandiyan naman ang hangin pero nasa south o southwest, so tutok na tutok ang araw doon. Kahit na medyo may hangin, mainit iyon.”

May ibinigay siyang remedyo kung ganito ang posisyon ng bintana. Ito ang shading.

woman by the jalousie window
Licensed architect Ed Ramos explains that jalousie windows enhance ventilation by allowing fresh air to flow freely into the house (Photo for illistration purpose only).
Photo/s: Canva
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: How to spot a scam contractor: Key warning signs to watch for

SHADING

Ginawang halimbawa ni Ed ang paghahanap ng malilim na puwesto kapag maliwanag ang sikat ng araw.

Applicable rin daw ito sa bahay: Gumamit ng canopy.

Sabi ni Ed, “Sa pamamagitan ng canopy napo-protect ang ilang portion ng bahay mo na hindi siya iinit.

“Or puwede ring pag tutok na tutok yung araw, meron pang ibang klase ng shading na iba-block ang excessive na araw na nakatutok sa bahay.

"Ang tawag doon ay brisolei o brise soleil,” na tinatawag ding sun breaker.

Paglalarawan pa ni Ed, “Vertical element o horizontal element na nakaharang sa façade o harap ng bahay na magki-create siya ng shadow, pero hindi naman isasara.

“Andoon pa rin yung hangin, papasok pa rin yung hangin, pero yung tutok ng araw dito, magki-create siya ng shadow.

“Dahil magkakaroon ng shadow, na magpapalamig doon sa mukha sa façade ng bahay.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Batay sa paliwanag na ito ng arkitekto, maaaring outdoor blinds or curtains ang pasok na halimbawa rito.

canopy
A canopy serves as an effective sun shield, reducing heat penetration into the house.
Photo/s: Canva

INSULATION

Ang pangatlong tip ni Ed ay tungkol sa insulation, na epektibo raw para pigilang pumasok ang init.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Halimbawa, ang outer surface ang source ng init dahil andiyan ang araw, mapipigilan mong pumasok yung init na iyon papasok sa kabilang surface sa pamamagitan ng pag-block sa nakuhang init o heat gain.”

Sabi ng architect, “Para mapigilan, ma-block yung init na iyon, kailangan mo siyang ma-insulate.”

Kung sa bubong, ang insulation ay puwedeng ilagay sa ilalim ng roofing, sabi ni Ed.

“Dahil nasa roofing ang init, nagra-radiate ito. Para hindi iyan pumasok, kailangan meron kang insulating material.”

Ang tawag sa materyal na ito ay reflective insulation o foil-faced insulation, ayon sa mga house-building websites. Ito ay parang foam na may foil.

Rekomendasyon pa ni Ed, magandang gamitin bilang kisame ang gypsum dahil kaya rin nitong i-block ang init.

Ang gypsum ceilings ay "highly durable materials that can withstand moisture, heat, and other elements well,” ayon sa isang house-building website sa Germany.

Matibay rin daw itong materyales na tumatagal sa kabila ng extreme natural conditions.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag pa ni Ed, may mga pintura na ngayon para sa bubong na may insulating properties.

“Kino-coat para yung init hindi na siya tumuloy. Magba-bounce back siya.”

Makakatulong din ang paggamit ng light-colored roofing materials, tulad ng kulay puti at beige.

Dagdag pa niya, may insulation materials din sa mga dingding.

insulation
Installing insulation in the roof and walls is an effective way to prevent heat from entering the house.
Photo/s: Canva
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PROPER USE OF AIR CIRCULATORS

Dapat din daw malaman ang tamang paggamit ng air circulators, katulad ng electric fans.

Sabi ni Ed, “Yung init kasi, kailangan ma-disperse iyan, e. At the same time, kailangan gumalaw yung air kasi kung hindi gagalaw yung air, hindi mag-e-evaporate yung humidity na nandiyan sa hangin.”

Ang humidity raw sa hangin ang dahilan kaya mainit ang pakiramdam ng tao.

“Iyan yung humidity. Para mag-evaporate iyon, kailangan may hangin. Kailangan gumawa tayo ng hangin, umikot yung hangin. Iyan ang nagagawa ng fan.”

Sinabi rin niyang ceiling fan ang pinakamagandang klaseng gamitin para sa purpose na ito.

“Kasi umaakyat ang hot air kapag may ceiling fan. Natutulungan niya na mabilis na umakyat ang mainit na hangin at maibato sa labas.”

Magandang combination daw ang natural ventilation (windows), perforations (tulad ng mga butas sa pader), at fans.

ceiling fan
Using air circulators such as electric fans can help to lessen the humidity inside the house.
Photo/s: Canva
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PASSIVE COOLING

Ang tinutukoy na passive cooling ni Architect Ed ay ang cooling na galing sa natural sources, tulad ng natural na hangin.

Sabi niya, “Kapag yung bahay ay maraming perforations o maraming butas, mas maraming lugar na lalangoy yung hangin.

“Kung papasok sa loob ng mga butas ang mainit na hangin, may lalabasan itong butas. Ang tawag dito ay clerestory.”

Ayon sa ilang architectural sites, ang clerestory ay matataas na bintana kung saan maaaring pumasok ang natural light at hangin.

At kapag may mga perforations sa upper parts ng pader, dumadaan dito ang hangin at nakakatulong para lumamig sa loob ng bahay, sahig man o pader.

Ito ang tinatawag na passive cooling, kunsaan napapalamig ang area dahil nama-manage ang flow ng hot air at cool air.

Pumapasok ang malamig na hangin at may nilalabasan ang mainit na hangin dahil sa wastong perforations o mga butas.

wigh windows
Perforations include windows positioned higher on the wall to allow air to come in to cool the temperature inside the house.
Photo/s: Canva
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
May mga puwedeng gawin para maging presko at malamig ang bahay bukod sa pagbubukas ng aircon o bintana.
PHOTO/S: Tim Doulas for Pexels
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results