PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tipid kuryente tips gamit ang aircon, ref, at electric fan

Tips sa tamang paggamit ng aircon unit, refrigerator, at electric fan?
by Bernie V. Franco
Published Mar 26, 2025
aircon repair man
Tiyak ang pagtaas ng kuryente ngayong summer. Pero huwag mangamba. Narito ang ilang tips mula sa energy experts para ma-maximize ang paggamit ng cooling appliances at makatipid sa kuryente.
PHOTO/S: Canva

Paano makatitipid sa kuryente ngayong panahon ng tag-init?

Kung nais mong bumaba ang singil sa kuryente, alamin ang practical at helpful tips mula mismo sa isang energy experts.

Malaki kasi ang kahalagahan ng pagtitipid sa kuryente dahil pangkalahatan ang makikinabang.

“Kapag energy efficient na ang lahat magkakaroon tayo ng reserved na power para maiwasan ang mga brownout, siyempre gusto ni Meralco na suportahan ang ating sustainable way of living,” ani John Pochollo Pabillona, manager ng Meralco Power Lab sa ulat ng Philippine Information Agency.

Ang Meralco Power Lab ay facility ng Meralco at isa sa isinasagawa rito ay ang pag-test ng consumption ng energy-consuming devices at appliances.

Humarap si Pabillona sa information officers ng Association of Information Officers in Metro Manila (AIMM) sa Meralco Head Office noong March 22, 2025.

Isa sa mga agenda ay ang pag-i-inform at matulungan ang kanilang mga nasasakupan sa wastong paggamit ng kuryente at para mas makatipid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: No aircon at home? Try these 5 cooling tips

TIPID KURYENTE TIPS AYON SA EXPERTS

Tuwing summer, ang cooling appliances ang madalas gamitin at pinagmumulan din ng mataas na konsumo ng kuryente. Kabilang dito ang aircon, refrigerator, at electric fan.

Alam niyo ba na maaaring makatipid ng hanggang 71% sa konsumo ng aircon?

Ito ay kung ang temperature ng aircon ay ilalagay sa 18-degree hanggang 25-degree Celsius, ani Pabillona.

"Kapag mayroon tayong aircon na naka-25°C, puwede siyang itandem sa electric fan para mas mapabilis ang pag-circulate ng hangin,” ani Pabillona.

Sunod na ibinigay ni Pabillona ang guide kung ilang “horsepower” (HP) ng aircon unit ang dapat bilhin batay sa laki ng area kung saan ito ilalagay.

Sa ganitong paraan, makatitipid sa kuryente at mas magiging effective ang aircon unit.

  • 1 HP para sa 18-22 square meters na kuwarto. Katamtaman lamang ang laki ng area at kasya ang dalawang tao. Magkakasya rito ang upuan, isang lamesa, at isang kama.
  • 1.5 HP naman para sa 23-37 sqm na kuwarto. Ang espasyo ay sinlaki ng studio apartment at kakasya rito ang dalawang lamesa at isang malaking kama.
  • 2 HP para sa 28-40 sqm na kuwarto. Ang area ay sinlaki ng isang apartment at kakasya rito ang malaking kama, malaking lamesa, at upuan.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
aircon
Kailangan ay akma ang horsepower ang aircon unit sa laki ng kuwarto kung saan ito ipoposisyon.
Photo/s: Canva

Read: How often should you wash your towel?

Ani Pabillona, kung susundin ang guide na ito, mas mapapabilis ang paglamig ng kuwarto ng 12%, batay na rin sa ginawa nilang test.

Pagdating naman sa refrigerator, sinabi ni Pabillona na mas malakas ang kuryente kapag puno o siksikan ang laman ng refrigerator dahil mas hirap ang pag-ikot ng malamig na hangin. Ito raw ay base sa isinagawa nilang simulation.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi rin ipinapayo ni Pabillona ang pagtotodo sa setting ng refrigerator upang sa gayon ay maaaring makatipid ng hanggang 49% sa energy consumption.

Dagdag pa niya, tiyakin na walang leak ang refrigerator dahil magiging dahilan ito ng pagtaas ng kuryente.

Sabi niya, “Kapag ang refrigerator mo ay may leak, ay maaari kang makadanas ng karagdagang 497-500 pesos kada buwan, kasi ang nangyayari ay iyong mainit na hangin sa kwarto ay pumapasok sa loob ng refrigerator doon sa mga leaks [ng rubber gasket].”

Isang tip para malaman kung may leak ang refrigerator ay ipitin lamang ang bond paper sa rubber gasket saka isara ang pinto ng refrigerator. Kapag nalaglag ang papel, nangangahulugang may leak ang iyong ref.

woman looking inside refrigerator
Kailangan tiyakin lagi na walang leak ang refrigerator dahil kung meron ay tiyak na tataas ang iyong kuryente.
Photo/s: Canva
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May gabay ang Meralco sa kanilang website para maging energy efficient ang paggamit ng electric fans.

Importante raw ang pagpili ng tamang electric fan batay sa lugar kung saan ito gagamitin at kung ilang tao ang ookupa sa area.

  • Puwede na ang desk fan sa isang small area;
  • Stand fan naman ang recommended sa medium-sized areas dahil may flexibility ang stand fan sa pag-a-adjust ng taas; at
  • Recommended naan ang ceiling fans sa malalaking lugar.

Lagi ring ikonsidera kung gaano kalakas dapat ang electric fan para matiyak na komportable ang mga tao sa lugar.

Ipinapayo rin ang regular na paglinis at paglalagay ng oil sa mga motor nito depende sa rekomendasyon ng manufacturers.

Ang mga electric fans kasi na hindi nami-maintain tulad ng maruruming fan blades ay nakakaapekto sa energy consumption.

desk fan
Alamin ang tamang uri ng electric fan na gagamitin sa kuwarto para effective at efficient.
Photo/s: Canva
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓



Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tiyak ang pagtaas ng kuryente ngayong summer. Pero huwag mangamba. Narito ang ilang tips mula sa energy experts para ma-maximize ang paggamit ng cooling appliances at makatipid sa kuryente.
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results