Kung may isang uri ng house pest na pinangingilagan at pinangangambahan ng maraming house owners, ito ay ang ipis.
Madumi, mahirap mamatay, at mabilis dumami.
Ang nakakainis pa sa mga ipis, pamumugaran nila ang iyong bahay nang hindi mo nalalaman.
“[C]ockroaches are very resourceful insects that can live, eat, and breed in your home without you even knowing it,” ayon sa National Pesticide Information Center (NPIC) website.
Binanggit sa website na hindi raw nangangagat ang ipis, pero puwedeng magdulot sila ng health problems, kagaya ng allergy at asthma symptoms.
Paano? Nalalanghap daw kasi ang amoy ng dumi ng ipis.
Paglilinaw pa rito, ang pagkakaroon ng ipis sa bahay ay hindi senyales na marumi ang iyong tinitirhan.
Basta kasi may pagkain, mabilis nilang mahahanap ito.
Paano napapadpad ang ipis sa isang bahay? Narito ang mga dapat mong malaman:
- Sumusuot sila sa mga maliliit na butas, sa mga sulok ng isang gusali,o o pinto;
- Puwede silang magtago sa mga bag, mga lalagyan, o kaya ay containers; at
- Lumulusot din sila sa mga pipes at iba pang butas sa dingding

Read: Tipid kuryente tips gamit ang aircon, refrigerator, electric fan ngayong summer
tips TO PREVENT INFESTATION
Kung hindi maiwasan ang pagkakaroon ng ipis, may mga paraan para mapigilan ang infestation o ang pagdami nila.
Makakatulong ang mga tips na ito:
- Tiyaking secured, natatakpan, at nakabalot mabuti ang mga pagkain sa bahay;
- Punasahang maigi ang mga stove tops, lababo, lamesa, at sahig para walang sebo at mga natapong pagkain o inumin;
- Takpan ang mga butas sa mga pinto, bintahan at iba pang bahagi ng bahay na maaaring lusutan ng ipis;
- Talasan ang mga mata para sa mga senyales ng ipis tulad ng mga itlog nila, dumi ng ipis, at skin sheddings.
May dagdag na paalala sa article na lumabas sa Raid.com:
- Linising maigi ang electric appliances, tulad ng refrigerator, oven, microwave, at oven toaster on a regular basis. Tiyakin ding nililinis ang paligid ng mga appliances para matiyak na walang naiwang dumi o nahulog na pagkain.
- Huwag pinatatagal sa lababo ang maruruming hugasan.
- Linisin ang pinagkainan ng mga alagang hayop sa bahay.
- Ugaliing regular na nilalabas ang basura at tiyaking nakataling maigi ang trash bags.
- Itapon ang mga lumang kahon o diyaryo na maaaring pamahayan ng ipis
- Tiyaking tuyo ang storage areas at ayusin ang mga water leaks dahil naa-attract sa mga basang lugar ang ipis.

Samantala, kung gagamit naman ng insecticide, piliin ang less toxic products at basahing mabuti ang label directions bago gamitin.
Kung mayroon namang infestation, ikunsidera ang pagkakaroon ng pest management plan o kumonsulta sa trusted pest-control companies para tulungan ka sa iyong problema.
Read: Which is better: Build or buy a house with your PHP1.5M
