Ang weekend ang pinakamainam na pagkakataon para maglinis at mag-disinfect ng tirahan.
Yun nga lang, hangga’t maaari ay ayaw nating makalanghap tayo at ang ating mga kasama sa bahay ng chemicals mula sa disinfectant na ating gagamitin.

Ang good news: Hindi kailangang gumamit ng commercial disinfectants na may harsh chemicals para mapanatiling malinis ang bahay at ligtas sa mga mikrobro.
May mga natural products na mas mura pa kumpara sa household cleaners na nabibili sa mga tindahan at grocery stores.
Naririto ang limang produkto na magagamit para sa ligtas at epektibong pagdi-disinfect ng inyong tirahan.
Paalala: laging gumamit ng gloves sa pagdi-disinfect.
VINEGAR
Ang sinumang nakagamit na ng suka o vinegar bilang cleaning solution ay tiyak na magsasabing epektibo ito.
Kahit matapang ang amoy ng vinegar, isa itong all-natural disinfectant.
Nagtataglay ito ng acetic acid, na nagbibigay ng antimicrobial properties para maging epektibong mold killer.

Maraming benefits ang vinegar, at ideal ito para sa paglilinis ng mga salamin at stainless steel nang hindi magkakaroon ng mga gasgas.
Kaya rin nitong tanggalin ang mga mantsa sa banyo at lababo.
Effective din ang vinegar bilang panghugas ng mga prutas at gulay, at pangbanlaw sa labahan katuwang ang maligamgam na tubig.
May mga dumi sa bahay na kailangang pure vinegar ang gamitin para matanggal.
Pero as a disinfectant, ihalo ang isang tablespoon ng vinegar sa isang cup o 29 milliliters ng tubig.
Ilagay ito sa spray bottle, at gamitin sa paglilinis.
HYDROGEN PEROXIDE
Ang hydrogen peroxide ay ginagamit bilang panlinis sa sugat bago ito lagyan ng bandage.
Pero, alam mo bang epektibo rin itong gamitin para sa household cleaning.
Mahusay itong pantanggal ng mga mantsa sa mga damit at carpets.
Kung ihahalo sa vinegar, napakabisang pantanggal nito ng mga dumi sa tubs at tiles.
And unlike vinegar, hindi matapang ang amoy ng hydrogen peroxide.
Kung gagamiting disinfectant o panlinis, hindi na ito kailangang haluan pa ng tubig.
LEMON JUICE
Kung ang inyong bahay ay maraming alkaline stains, gaya ng mga libag na sanhi ng mga tumalsik na bula ng sabon, linisin iyon gamit ang katas ng lemon juice.
Ang citric acid na taglay ng lemons ay nakakatulong para matanggal ang mga libag at anumang dumi sa iyong bahay lalo na sa bathroom.
Magagamit din ito para mapakintab at magmukhang bago ulit ang mga metal pots and pans.
Higit sa lahat, kaya rin ng lemons na i-sanitize at i-disinfect ang non-porous surfaces, gaya ng glass, plastic, ceramics, quartz, metal, and stainless steel.
Natatanggal din nito ang bacteria sa hard surfaces.
At siyempre pa, mas mabango ang lemon kumpara sa vinegar.
Hiwain lang ang lemon, at direktang ikuskos iyon sa dumi na gustong matanggal.
TEA TREE OIL
Ang tea tree oil ay isang all-natural essential oil mula sa mga dahon ng Australian Melaleuca tree.
Dahil ito ay naturally antibacterial, anti-fungal, and antiseptic, karaniwang ginagamit ito sa cosmetics and skin care.
Gayunpaman, ginagamit din itong household cleaner kapag inihalo sa tubig.
Paghalu-haluin ang 20 drops of tea tree oil, 3/4 cup water, and 1/2 cup apple cider vinegar sa isang spray bottle.
Puwede rin ang kumbinasyon ng 10 drops of tea tree oil, 2 cups of hot water, and a half-cup of white vinegar.
Tiyaking malamig na ang solution bago ilagay sa spray bottle.
Aluging mabuti at direktang i-spray sa surfaces bago pahiran ng tuyong basahan.
Magagamit itong pang-disinfect ng countertops and tiles.
Mainam din ito sa mga kuwartong tinuluyan ng nagkasakit na miyembro ng pamilya.
SOAP AND WATER
Kung simpleng linis lang naman ang kailangan, sapat nang gamitin ang original eco-friendly cleaner na soap and water.
Ang bula ng sabon at tubig ay may kakayahang magtanggal ng mga dumi.
Para makagawa ng soapy water solution, ihalo ang small amount of soap (powdered or liquid) sa tubig sa isang malinis na water container.
I-apply ang soapy water sa surface na gustong linisin, i-scrub, at saka banlawan gamit ang malinis na tubig.
Epektibo ito sa paglilinis ng mga sahig, countertops, at iba pang household surfaces.
Source: Cleanipedia
