PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tips para matanggal ang sebo sa plastic containers

Bukod sa sabon at tubig, kailangan ng isa pang item na madalas makita sa bahay.
by Bernie V. Franco
Published Mar 28, 2025
plastic food containers
In July 2020, a TikTok user shared a clever trick for removing stubborn grease stains from plastic food containers. She demonstrated that, aside from soap and water, adding one common household item can effectively do the job.
PHOTO/S: @adsadad on TikTok

Isa sa pinakamalaking hamon para sa homemakers o kahit na sinong pamilyar sa paglilinis sa kusina ay ang pagtatanggal ng grease stain o sebo sa plastic food containers.

Challenge, di ba? Hindi kasi madali.

Naglipana naman sa social media ang mga hacks para rito, tulad ng paggamit ng baking soda at vinegar.

Pero magkakaiba ang reviews kaya hindi tiyak kung epektibo ang mga ito.

So far, ang nakagawian ay ang turo ng matatanda: babaran muna ang container ng hot o warm water bago hugasan gamit ang dishwashing soap at tubig.

Pero may isang TikTok video na nag-viral ilang taon na ang nakalilipas.

Nakabibilib ang resulta ng kanyang hack, na sinubukan mismo ng writer na ito.

Tanggal ang sebo sa plastic container na ginamitan lamang ng tubig, dishwashing soap, at isa pang item na matatagpuan sa bahay.

plastic containers
Isa sa pinakamalaking hamon sa mga homemakers ay ang pagtatanggal ng sebo sa plastic food containers.
Photo/s: Canva
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Tips para makontrol ang pagkakaroon ng ipis sa bahay

EFFECTIVE REMOVING OF GREASE STAIN SHOWN IN 2020 VIRAL VIDEO

Ang video ay ipinost ng isang American make-up artist sa TikTok noong July 2020.

Umabot na ito sa 4.5 million views, at naging most viewed content sa nasabing account.

Ang inilagay niyang overlay text ay: “Stained Tupperware hack.”

Ipinakita niya ang isang reusable plastic container na may sebo.

Nilagyan niya ang food container ng ilang pumps ng dishwashing liquid at warm water mula sa faucet na wala pa sa kalahati ng container.

Ang kanyang magic item: kapirasong paper towel o paper table napkin.

Tinakpan niya ang container at inalog-alog nang maigi sa loob ng tinatayang isang minuto.

Pagkatapos, hinugasan niya sa faucet ang container, at voila, tanggal ang sebo.

In-absorb kasi ng paper towel ang oil.

tissue
Ang paper towel or paper table napkin ay effective para matanggal ang sebo sa plastic food containers.
Photo/s: @adsadad on TikTok
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinubukan ng writer na ito ang hack.

Nilagyan ng cooking oil ang isang disposable plastic container at ikinalat sa loob.

Pagkatapos ay nilagyan ng isang tablespoon ng dishwashing liquid, tubig mula sa faucet, at dalawang piraso ng paper table napkin.

Tinakpan ang container at inalog itong maigi.

Binuksan ang takip, itinapon ang laman ng container, saka itinapat sa running water.

Tanggal talaga ang sebo!

Walang oily feel ang loob ng lalagyan.

Mas epektibo ito sa nakagawian na gumamit ng mainit na tubig.

Huwag lang kalimutang itapon ang paper towel sa basurahan at baka baradong lababo naman ang kasunod na problemahin mo.

Read: Tipid kuryente tips gamit ang aircon, refrigerator, electric fan ngayong summer

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In July 2020, a TikTok user shared a clever trick for removing stubborn grease stains from plastic food containers. She demonstrated that, aside from soap and water, adding one common household item can effectively do the job.
PHOTO/S: @adsadad on TikTok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results