PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tips kung paano iwasan ang sobrang init sa loob ng kuwarto

Alternatives cheaper than aircon.
by KC Cordero
Published Apr 5, 2025
Woman using electric fan
Kung hindi air-conditioned ang kuwarto, may mga praktikal na paraan para maiwasan o mawala ang sobrang init sa loob nito. (Photo: Freepik)

Malaking problema sa ating mga Pilipino ang pagsapit ng summer season.

Sobrang init na kasi ng temperatura ngayon dulot ng global warming.

At mas nakakaginhawa talaga ang lamig ng air conditioning unit.

Pero paano hindi kaya ng budget ang magpa-install ng air conditioning unit?

O kung afford man, nagdadalawang-isip dahil sobrang taas din ng singil sa kuryente.

Ayon sa news website na Efficiency Vermont, may mga paraan para mapanatiling presko ang kuwarto kahit mainit ang temperatura sa labas.

Read: Tips kung paano linisin ang toilet tank

Window Solutions to Beat the Sun

Kung walang takip ang mga bintana sa kuwarto lalo na kung katingkaran ng sikat ng araw, pumapasok ang init sa loob.

Mainam na may awning o shutter ang mga bintana para maharangan ang init.

Window with awning
Isa epektibong paraan para hindi uminit ang loob ng kuwarto ay harangan ang direktang sikat ng araw mula sa bintana. Photo: Freepik
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa loob naman ng kuwarto, panatilihing nakasara ang blinds at mga kurtina.

Ang mga indoor window covering options ay maaaring shades, insulated curtains, o kaya ay tinted o frosting windows.

Ang mga protective barriers na ito ay nakakatulong sa pagpasok ng init.

Read: Tips para malinis at mapakintab muli ang gold jewelry

USE ELECTRIC FANS

Malaking tulong ang electric fans para matanggal ang init sa kuwarto, pero kailangang malapit ito sa nakabukas na bintana.

Electric fan in front of window
Importanteng alam kung paano ipoposisyon ang electric fan para mabawasan ang init sa loob ng kuwarto. Photo: Freepik
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung ang ginagamit ay box fan, italikod ito sa bintana sa oras na malamig ang temperatura sa labas.

Kung mainit naman ang temperatura sa labas, iposisyon ito paharap sa bintana para maitaboy ang init mula sa kuwarto.

Maaari ring maglagay ng bowl of ice sa harap ng electric fan para makakuha ng ekstrang lamig.

Kung may ceiling fan, i-adjust ito para makaikot nang counterclockwise, mahigop ang mainit na hangin sa kuwarto, at maitaboy ito papalabas.

Read: Tips para magkaroon ng germ-free home using safe disinfectants

EXHAUST FANS CAN ALSO HELP

Ang pag-i-install ng exhaust fan sa kuwarto ay isa ring option para mawala ang init sa loob.

Makakatulong ito kung kulang ang hangin na mula sa electric fan.

Read: Tips kung ano ang dapat at di dapat kainin, inumin sa tag-init

TURN OFF THE LIGHTS

Dahil maliwanag naman araw during daytime, hangga’t maaari ay i-off muna ang mga ilaw sa kuwarto.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Iwasang gumamit ng incandescent bulb dahil hindi ito energy efficient.

Ang incandescent bulb ay gumagamit lang 10 percent ng power nito para paliwanagin ang paligid, at ang 90 percent ay para mag-emit ng heat, ayon sa Stouch Lighting.

Kung hindi sanay na walang ilaw sa kuwarto kahit araw, gumamit ng Light-Emitting Diode (LED) bulb.

Bukod sa hindi mainit ang singaw ng LED, mababa rin ang konsumo nito sa kuryente kaya mas praktikal gamitin kahit laging naka-on.

Kung walang tao sa kuwarto, tiyaking naka-switch off ang lahat ng ilaw.

Read: Should you use separate towel on your face after bathing?

IWASANG MAGLAGAY NG HEAT-PRODUCING APPLIANCES SA KUWARTO

Hangga’t maaari ay gawin ang pagluluto sa kusina at huwag sa kuwarto.

Ang oven, toaster, rice cooker. at microwave ay nag-iiwan ng init sa paligid.

Iwasan din ang magplantsa sa kuwarto.

Kung mayroong space consideration, tiyaking nakabukas ang bintana at exhaust fan para hindi ma-trap ang init sa loob.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Does metal roof have to be painted?

PANATILIHING BUKAS ANG MGA BINTANA SA GABI

Pagsapit ng gabi, panatilihing bukas ang mga bintana at hayaang pumasok ang malamig-lamig na hangin.

Tiyakin na may screen ang mga bintana para hindi makapasok ang mga lamok at iba pang insekto.

For security reasons, bago matulog ay isarang muli ang mga bintana.

Read: Why extension cords and power strips are considered fire hazards

ADDITIONAL TIPS

Maaari ring maglagay ng mga halaman sa bintana para mabawasan ang init sa kuwarto.

Plants in front of window
Isa sa pinakapraktikal na paraan para maging presko ang kuwarto ay ang paglalagay ng halaman sa bintana. Photo: Freepik
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naa-absorb ng mga halaman ang init at moisture.

Kung ayaw ninyong nasa loob ng kuwarto ang mga halaman, maaaring maglagay ng hanging plants kung may grills ang mga bintana.

Kung humidity ang problema, maglagay ng dehumidifier para matanggal ang excess moisture, at magmukhang malamig ang room.

Read: Here are energy-saving hacks to reduce electricity bills

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kung hindi air-conditioned ang kuwarto, may mga praktikal na paraan para maiwasan o mawala ang sobrang init sa loob nito. (Photo: Freepik)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results