PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tips kung paano linisin ang molds sa tiles

The cleaning agents are readily available.
by KC Cordero
Published Apr 8, 2025
Grout with molds
Ang rule of the thumb, kapag may nakita o naamoy na amag sa grout ng tiles, o kahit saan man, tanggalin agad sila. (Photo: Freepik)

Milyun-milyong taon nang nag-e-exist ang molds o amag, ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ng America.

Kung hahayaan lang sila sa paligid, talagang dadami at kakalat sila.

Ang payo ng website na ServiceMaster Restore, kapag may nakita o naamoy na amag—tanggalin agad sila.

Bilang fungi, ang amag ay nabubuhay sa mamasa-masang espasyo.

Madalas silang makita sa bathrooms, kitchens, laundry rooms, basements, at kahit sa mga garahe.

Molds
Laging may dalang panganib sa kalusugan ang molds. (Photo: Live Science)
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Tips kung paano linisin ang thermos

BAKIT NAGKAKAROON NG MOLDS O AMAG ANG TILES?

Isa sa mga karaniwang lugar na mayroong molds ay sa pagitan ng mga tiles, a.k.a. grout.

May porous nature ito kaya nag-a-absorb ng liquid, at madaling madikitan ng molds.

Molds on grout
Dahil laging may moisture ang grout, madali itong amagin. (Photo: Houston Groutsmith)
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Tips para matanggal ang sebo sa plastic containers

MGA PANLINIS NG GROUT SA TILES

Readily available ang mga cleaning agents.

Pero bago simulan ang paglilinis, siguraduhing maayos ang bentilasyon. Buksan ang mga bintana o maglagay ng electric fan kung kinakailangan.

Magsuot ng non-porous gloves para maprotektahan ang balat.

Huwag ding kalimutang magsuot ng safety glasses para maproteksiyunan ang inyong mga mata sa tilamsik ng cleaning agent na gagamitin.

Read: Why extension cords and power strips are considered fire hazards

CHLORINE BLEACH

Ang regular na chlorine bleach ay maaaring gamitin sa white grout.

Pero hindi ito uubra sa mga may kulay dahil maaari itong kumupas.

Ang bleach ay hindi rin dapat ihalo sa iba pang panlinis.

Hands with gloves holding a brush
Importante ang safety sa paglilinis ng amag sa grout. Photo: Bob Vila
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Direktang i-scrub ang bleach gamit ang brush na may matitigas na bristles.

Kapag na-scrub na ang buong area, magpalipas ng 30 minutes bago banlawan ng maligamgam na tubig.

Kung hindi pa satisfied sa resulta, ulitin ang proseso.

Read: Problem with rats at home? Use peppermint to keep them away

DISTILLED WHITE VINEGAR

Maaari ring gumamit ng suka.

Basain muna ang moldy area, saka i-spray ang suka sa grout.

Hayaan lang muna sa loob ng 30 minutes.

Gumamit ng brush para i-scrub ang grout na binasa ng vinegar.

Mag-spray muli at hayaan muna sa loob ng 30 minutes.

Banlawan ng maligamgam na tubig.

Ulitin ang proseso until lubusang matanggal ang molds.

Read: CHECK THIS OUT: Binangi, a house built without nails, steel

BAKING SODA PASTE

Epektibo rin ang baking soda paste na nakahalo sa ilang kutsarang tubig.

Tantiyahin kung ano dapat ang consistency saka ipahid sa inaamag na grout.

Hayaan lang muna sa loob ng 10 minutes, at pagkatapos ay i-scrub gamit ang brush.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Banlawan ng tubig, at ulitin ang proseso kung kinakailangan.

Pagkatapos magtanggal ng molds sa grout, maligo agad.

Ayon sa mga health websites, ang molds ay puwedeng magdulot ng "stuffy nose, sore throat, coughing or wheezing, burning eyes, or skin rash."

Read: Why hanging overripe bananas in your garden is beneficial

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang rule of the thumb, kapag may nakita o naamoy na amag sa grout ng tiles, o kahit saan man, tanggalin agad sila. (Photo: Freepik)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results