Kung ang hangad mo ay lugar na malapit sa dagat at malayo sa siyudad, may isang lugar sa Camarines Sur na para sa iyo.
Walang pollution at traffic. Relaxed at hindi fast-paced ang buhay.
Ilan lang ang mga ito sa offering ng Kiudkad – The Last Resort, na pagmamay-ari ni Randall Dagooc, dating backpacker na nilibot noon ang mundo.
Bakit Kiudkad?
“Actually, hindi ko alam kung anong meaning noon, e.
“So for the longest time, yung mga locals dito, every spot, may tawag sila.
“Ang tawag nila sa spot na ito ay Kiudkad, so it’s a nice-sounding name. Sabi ko, ‘Might as well respect para sa mga locals dito,” aniya sa OG noong 2024.
At ito ang ipinangalan niya sa itinayong resort.
Read: Mid-century cabin in Batangas with the view of Taal
HOW HE FOUND THE PLACE
Sa isa sa mga naging biyahe ni Randall, napadpad siya sa bayan ng Siruma at nabighani sa tabing-dagat nito.
At that time, sobrang liblib daw ito at ni wala pang trail.
Paglalarawan niya sa lokasyon, “one of the remotest in Camarines Sur.”
Nag-camp out si Randall sa loob ng apat na araw.
Nakipagkaibigan din siya sa mga locals doon. Nangisda kasama sila at naging kainuman.
“Nagustuhan ko yung place. Na-in love ako sa place. So I came back, may nakuha akong parcel of land, so dun nag-start talaga," lahad ni Randall.
Ang nakuhang lote ni Randall ay 30 hectares na may beach front.
Nabuo niya ang initial development ng resort noong panahon ng pandemya.
“Dati ay sobrang remote ng lugar. Now, ang bilis lang makapunta dito,” sabi ni Randall.
“From Naga, just two hours. But way back, six hours hours from Naga. Sobrang remote kasi dati.”
Read: Tips para makontrol ang pagkakaroon ng ipis sa bahay
HOW THE HOUSES WERE BUILT
Ang bahagi ng nabiling lote ay pinatayuan niya ng bahay para may matirhan.
Tulad ng marami, naghangad si Randall ng matutuluyan at magkaroon ng simpleng pamumuhay.
“We realized na parang we’re tired of the city life and then we wanna get more of ganitong experience,” sabi ni Randall.
“You move out of Manila and build something. Sobrang basic lang before, parang house off the grid na wala kang binabayarang kuryente, wala kang binabayarang tubig...
“Nagkaroon kami ng two years sa pandemic. Nandito lang kami. Parang fish out of water.”
Ang isang bahay ay nadagdagan ng isa pa.
Fast forward to year 2025, naging apat ito.
Binanggit ni Randall na dalawa rito ay pinaparentahan—ang Brown House at Lodge.
Ang Brown House ay nakatayo sa 120-square-meter lot.
Inilarawan ito ni Randall na “pang-tropa, pang-family, malaking group.”
Mayroon itong living area, indoor dining area, outdoor dining area, at may pugon.
May view ito ng beach pati na rin sunrise at sunset.




Ang pangalawang bahay na for rent ay ang Lodge, na nasa 40-square-meter area.
Itinayo ito para matirhan nina Randall kapag may mga nais mag-rent ng Brown House.
Mayroon itong kitchen, tulugan, at viewing deck na kayang mag-accommodate ng tatlo hanggang apat na katao.
Kalaunan, may mga nais na ring mag-rent ng Lodge kaya nagpagawa uli ng bahay si Randall.
Pero hindi na nagbigay pa ng detalye ang resort owner tungkol sa dalawa pang bahay.




Nagdesisyon si Randall na iparenta ang Brown House at Lodge para ma-experience din ng ibang tao ang “off-the-grid” living.
“Yung KiudKad ay something na parang blank space in the middle of nowhere.
“So it’s basically a blank slate… kung ano ang made-derive mo na experience from it. I guess that’s what makes it unique.
“Living here is humbling. Sa city, andami mong needs.
“But then andito ka ngayon tumira. Lumiit yun. Masaya ka na at mas na-appreciate ang sobrang maliit na bagay.”
Read: Replacing aircon unit every 5 years can save you PHP60K—Meralco
CHALLENGE IN BUILDING KIUDKAD
Aminado si Randall na malaking hamon ang pagpapatayo ng mga establishments sa lugar dahil sa lokasyon nito.
Kuwento niya, “Ang laki ng challenge. Sobra niyang remote. Ang hirap magdala ng materials at maghanap ng workforce to build.
"And the weather, sobrang hindi ka makaka-build ang feeling.”
Subalit paunti-unti ay natayuan ng mga bahay ang lugar.
May mga materyales na recycled wood mula sa mga barangay sa naturang lugar.
“May mag-a-upgrade ng bahay to concrete. Gigibain ang mga old houses, so binibili ko yung mga lumang wood and I used [them] here.”
Ang renta per night sa Brown house PHP15,000, samantalang sa Lodge ay PHP12,000 per night.
Para sa mga interesadong maranasan ang magbakasyon dito, check out Kiudad on Facebook at Instagram.
