Kapag may mga pulbos na nalalaglag mula sa bahagi ng inyong bahay o muwebles na yari sa kahoy o tabla, tiyak na kinakain na ito ng mga bukbok o wood-boring beetles.
Nangingitlog ang adult wood-boring beetles sa mga bitak o butas ng kahoy.

Ang larvae o woodworms kapag fully developed na ay kinakain ang kahoy para makalabas sila mula rito.
Nagreresulta ito sa mga butas at tunnels sa wood structures, outdoor decks, hardwood floors, furniture, at maging sa support beams.
Ang bukbok ay beneficial kung sa mga kagubatan naninirahan dahil kinakain nila ang mga punongkahoy na nabubulok na.
Pero kapag nasa bahay o gusali, nagiging peste sila at nakapamiminsala.
Read: Tips kung paano linisin ang molds sa tiles
PAANO MA-DETECT ANG BUKBOK SA BAHAY
Kapag may senyales na ng bukbok sa inyong bahay, huwag balewalain.
Ayon sa website na Housing, kapag napansing may mga pulbos ng kahoy sa sahig, ibig sabihin ay aktibo ang mga bukbok.
Posible ring namamahay pa ang mga bukbok sa kahoy.

Kung ang makikitang pulbos ay kulay puti, namamahay pa rito ang bukbok.
Kung manilaw-nilaw naman ang pulbos at marami ng uka, butas, o bitak ang kahoy, nag-mature na ang mga bukbok at umalis na sila sa kahoy para maghanap ng panibagong pamumugaran at pangingitlugan.
Kapag hindi sila napuksa, mas maraming bahagi ng bahay na yari sa kahoy ang mapipinsala.
Read: Tips kung paano linisin ang thermos
ANG EPEKTO NG BUKBOK SA KAHOY
Obserbahan ang kahoy na pinanahanan ng mga bukbok kung matibay pa.
Kapag kakaunti lang ang damage, maaaring patsehan ang mga butas.
Pero ang payo ng website na Tomahawk, kung malala ang damage, kailangang palitan na ang kahoy.
Kung aktibo pa ang infestation, kailangang i-treat ang mga kahoy para mapatay ang larvae o mga itlog ng bukbok.
Read: Tips kung paano iwasan ang sobrang init sa loob ng kuwarto
ANG PRODUKTONG PAMUKSA SA BUKBOK
Ayon sa website na DoMyOwn, madaling i-treat ang kahoy kung wala itong pintura.
Kung pinturado naman, kailangang lihahin muna.
Borate-based products ang gamit sa treatment.
Ang Disodium Octaborate Tetrahydrate, o borate, ay kumbinasyon ng oxygen at boron , na mabisang proteksiyon laban sa mga pesteng kumakain ng kahoy.
Paano ito gamitin?
Ang borate ay malagkit at kailangang tunawin sa maligamgam na tubig.
Sundan ang nakasaad na dami ng tubig sa label.
Kalimitang ang mixture ng water at borate-based product ay depende sa klase ng treatment:
- One is to one part kung ang iti-treat ay non-flooring wood gaya ng mga balustre at pamakuan.
- Two is to para sa hardwood floors o sahig
- One is to five kung para sa preventive applications para hindi makapamahay ang mga bukbok.
Haluing mabuti sa timba.
Gamit ang sprayer, paint brush o paint roller, i-apply ang mixture sa kahoy.

Tiyaking napahiran ang buong bahagi ng kahoy para makatiyak na hindi na muling makapamamahay ang mga bukbok.
Para mas makasiguro, ulitin ang pag-i-spray o pagpapahaid ng mixture sa mga bahagi ng kahoy na may butas, bitak, o kaya ay pinagdugtungan (joints).
Ang mixture ay hindi makakaapekto sa kulay ng kahoy kung tama ang pagkaka-apply.
Kung napasobra ang application, magkukulay puti ito.
Gumamit ng pinong liha para matanggal ang kulay puting residue ng borate-based product.
Mainam ding pahiran ng varnish o pintura ang kahoy bilang dagdag na proteksiyon matapos ang treatment.
