Nagpatayo si Eunice Panopio ng isang "sanctuary" para sa mga napapagod sa trabaho.
Tinawag niya itong Casauary—pinagsamang “casa” at “sanctuary."
Isa itong bed and breakfast na ang "vision" ay: “to provide rest to people that are tired."
Pagbabalik-tanaw ng freelancer at marketing specialist sa interview ng OG:
"I’m always tired, but every time I go to this area, I feel rested. But there’s no house.
"And I said, ‘I think it’s time that we build a tiny house.'”
Dati na raw siyang inaaya ng isang college friend na i-check ang location sa Talisay, Batangas, pero laging tumatanggi si Eunice.
Hindi na raw kasi maasikaso ang property dahil nakatira na ang kanyang friend at ang pamilya nito sa ibang bansa.
Nung nakita ni Eunice ang lugar, naisip niyang magpatayo ng tiny house.

Read: Simple living "in the middle of nowhere" in Camarines Sur
THE TINY HOUSE FOR REST
Ginawa raw inspirasyon ni Eunice ang Thai at Bali tiny houses, “but the materials here are very Filipino.”
Aniya, “I wanna go back to when the vision of the place is a place for rest, and I think a tiny house really scales back… parang ano lang yung kailangan mo, ano lang yung talagang necessary.”
Ang tiny house ay may sukat na 36 square meters at nakatayo sa kabuuang 1,500-square-meter lot area, na bahagi ng 1.3-hectare land.
Siya raw ang nagma-manage ng buong lupaing ito.
May dining area ang tiny house na good for two.
May couch at accent chair sa living room, na may glass sliding doors para sa veranda at may magandang view ng lawn na luntian.


Sa loft ay may king-sized orthopedic bed.
“Lahat ng nari-receive kong feedback from guests is talagang nakakatulog sila," ani Eunice.
Mayroon din itong balcony na may view ng Taal Lake.
Sabi ni Eunice, ang tiny house ay good for two people.
Pero kung malaki ang grupo, puwedeng magdagdag ng mga kasama para sa camp stay.
Mayroong camping area na kayang mag-accommodate ng anim na katao.




Mayroong katiwala na aasikaso sa mga bisita pagdating sa pagkain.
Ang kusina raw kasi sa bed and breakfast ay malayo.
Pero kung preferred magluto ng mga bisita, may mapo-provide na cooking equipment.
Adjacent sa tiny house ang ipinagmamalaking toilet and bath ni Eunice.
Napakaluwag nito.
Mayroong round bath tub na kakasya ang tatlong tao. May view rin ito ng lawn dahil sa glass wall.
Aminado si Eunice na nag-effort siya sa toilet and bath dahil siya mismo ay matagal maligo.
Read: Tips para makontrol ang pagkakaroon ng ipis sa bahay

Marami ring prutas sa paligid tulad ng saging, bayabas, guyabano, chico, at langka na puwedeng pitasin at kainin ng mga bisita.
Huwag lamang daw mag-uuwi dahil may additional fee.
Seventy-five percent daw ng tiny house ay yari sa Hardiflex at ang natitira ay gawa sa salamin.
Ang foundation naman ng tiny house ay metal lahat.
Inabot ng PHP700,000 hanggang PHP750,000 ang pagpapatayo ng tiny house.
Pero kung kasama ang lahat ng gamit ay tinatayang PHP1 milyon ang kabuuang gastos.
Naipatayo raw ito ng nakuha niyang engineer sa loob ng dalawang linggo.
ADVICE ON BUILDING A HOUSE
Ang importanteng payo ni Eunice pagdating sa construction ay humanap ng taong mapagkakatiwalaan.
“Find trustworthy people to manage, to build… dapat lahat ng taong involved should have the same heart as you.
“Find the right contractor. Huwag yung basta mura lang; wag yung basta kakilala lang; wag yung basta na-recommend lang…
“I think you should interview a couple [of contractors] and kung sino yung shares the same value, shares the same heart as you, I think that’s the person you should go for.”
Para sa mga interesado, maaari silang ma-contact sa kanyang Facebook page.
