PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tips kung paano linisin ang microwave oven

You can use three types of cleaning solutions.
by KC Cordero
Published Apr 25, 2025
Woman cleaning the interior of microwave oven
Importanteng laging malinis ang microwave oven para manatiling maayos ang function nito. (Photo: Freepik)

Ang microwave oven ay gamit na gamit bilang kitchen appliance dahil sa kakayanan nitong initin ang pagkain nang sobrang bilis.

Naa-absorb ng liquid, fats, at sugars na taglay ng pagkain ang electromagnetic radiation na tinatawag na microwaves, na silang nagiging sanhi para mag-generate ng heat at mag-vibrate ang ipinapainit na ulam.

Microwave oven heating food
Napakadaling magluto o mag-init ng food sa microwave oven dahil sa technology nito. Photo: Ramtons
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mas energy-efficient din ang microwave oven dahil mas mabilis ang cooking at mas direkta ang init sa pagkain.

Read: Tips para tanggalin ang amoy kulob sa sasakyan

MICROWAVE OVEN NEEDS REGULAR CLEANING

Pero, madalas man itong gamitin, aminin, hindi ito madalas na nililinis.

Minsan pa nga, naririnig itong nag-explode, at nagtalamsikan ang sabaw at mantika.

Dirty microwave oven
Dapat panatilihing malinis ang microwave oven for health and safety reasons. Photo: Clean Corp
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya, from time to time, kailangang linisin ito para mawala ang amoy at mapanatiling maayos ang function nito.

Paano palambutin ang dumikit at nanigas ng ulam?

First, maglagay sa isang microwave-safe bowl na may lamang cleaning solution—tubig at alinman sa vinegar, lemon juice, o baking soda.

I-microwave ang cleaning solution sa loob ng ilang minuto para magkaroon ng steam.

Sa pamamagitan nito, maglu-loosen ang anumang food residue na na-stuck sa loob ng microwave oven.

Kapag tapos na, hayaang lumamig nang bahagya ang loob nito at saka punasan gamit ang damp cloth or sponge.

Read: Tips para ma-detect at ma-treat ang bukbok sa bahay

Cleaning microwave oven
Linisin ang microwave oven gamit ang tubig na may vinegar o lemon juice o baking soda. . Photo: The Spruce
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kung alinman sa mga ito ang napiling cleaning solution, iinit ito sa microwave oven sa loob ng dalawa hanggang limang minuto sa high-power setting.

Kinakailangang kumulo ito at nakalikha ng steam.

Huwag munang buksan ang microwave oven sa loob ng lima hanggang sampung minuto para ma-penetrate ng steam ang mga mantsa ng pagkain sa loob.

Pagkatapos, maingat na alisin ang bowl na kinalalagyan ng cleaning solution.

Linisin ang loob ng microwave oven gamit ang basang basahan o sponge.

Kung matigas ang mantsa at hindi kayang tanggalin ng basahan o sponge, gumamit ng non-scratch pad.

Read: Tips kung paano linisin ang molds sa tiles

HOW TO PREPARE THE CLEANING SOLUTION

Para sa mas detalyadong paglilinis ng microwave oven, may tatlong paraan ng paghahanda ng cleaning solution.

Kung vinegar ang gagamitin, paghaluin ang equal parts ng water and white vinegar sa microwave-safe bowl.

Kapag baking soda, maglagay ng isang kutsara sa 230-ml water.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kapag lemon juice, pigain ang isang piraso nito sa microwave-safe bowl na may tubig. Huwag masyadong punuin.

OTHER THINGS TO CONSIDER IN CLEANING MICROWAVE OVEN

Kapag malinis na ang interior ng microwave oven, linisin ang turntable at iba pang removable parts.

Hugasan gamit ang tubig at sabon saka banlawang mabuti.

Para hindi mangamoy-ulam, mag-iwan lang ng bowl na may dry baking soda, na siyang mag-a-absorb sa anumang amoy.

Kung lilinisin naman ang exterior, punasan ito ng sponge na may mild detergent saka damp cloth.

Sa paglilinis ng exterior, iwasang gumamit ng harsh chemicals o abrasive cleaners gaya ng alcohol at mga panlinis ng sasakyan.

Read: Tips kung paano linisin ang thermos

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Importanteng laging malinis ang microwave oven para manatiling maayos ang function nito. (Photo: Freepik)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results