PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Step inside the ancestral house where 1988 film Tiyanak was shot

It was built in 1924.
by Bernie V. Franco
Published May 3, 2025
ancestral house
Nearly a century after it was built, this ancestral house in San Pablo, Laguna still stands—and is now set for restoration. It also served as the filming location for the 1988 hit horror movie Tiyanak.
PHOTO/S: Ka-YouTubero c/o Paolo Paginado Dehan/ Regal Films

Long overdue na for restoration ang ancestral house na naging shoot location ng 1988 horror film na Tiyanak.

Ang bahay ay ipinatayo ni Don Pio Conducto sa San Pablo City, Laguna, noong 1924.

Itinampok ito sa YouTube vlog ni Ka-YouTubero noong September 2024.

Sa video, ipinakita ang exterior ng 100-year-old house na hindi na tinitirhan.

Pero ayon sa vlogger, ang mga kasalukuyang may-ari nito ay nakatira pa rin sa San Pablo.

Natuklasang ang lumang bahay ay “komunales.” Ibig sabihin, marami ang nagmamay-ari nito o naiwang tagapagmana—na sa simula ay hati raw kung bubuksan ang lumang bahay sa publiko o hindi.

Pero para raw walang maging sanhi ng anumang pag-aaway, napagdesisyunan nilang isara ito sa publiko.

Sa pagtatapos ng unang bahagi ng video, sinabi ni Ka-YouTubero na balak ipa-restore ang lumang bahay.

Pio Conducto house
The 97-year-old house in San Pablo City, Laguna owned by Don Pio Conducto.
Photo/s: Ka-YouTubero
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Rest and recharge at this tiny house in Talisay, Batangas

THE PIO CONDUCTO HOUSE

Noong April 2025, ipinakita ng content creator ang loob ng bahay sa isang follow-up vlog.

Nakakuha raw siya ng imbitasyon mula kay Rizza Reyes, na apo ni Don Pio at isa sa mga owners ng ancestral house.

Si Rizza at ang pamilya nito ay nakatira na sa U.S., pero umuuwi sila sa Pilipinas taun-taon.

Hindi masyadong nagkuwento si Rizza ukol sa kanyang lolo, pero bakas sa pagkakagawa ng bahay na may-kaya sa buhay si Don Pio.

Tubong Liliw, Laguna, si Don Pio, at napangasawa niya si Yrinea na taga-Rizal.

Matapos nilang magpakasal, sa San Pablo sila nagpatayo ng bahay.

Nagkaroon sila ng sampung anak, at isa na rito ang ina ni Rizza.

Nabanggit ng apo ni Don Pio na bago simulan ang restoration ay kailangan daw munang ipakita sa National Historical Commission of the Philippines (NHCP) ang blueprint.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nais daw tiyakin ng NHCP na magiging malapit sa orihinal na itsura at estado ang ancestral house.

Ang NHCP ay isang ahensiya ng gobyerno na nagpo-promote ng kasaysayan at kultura ng bansa, kabilang na rito ang pagpe-preserve ng mga natural treasures.

Ayon pa kay Rizza, tumira rin siya sa lumang bahay noong kabataan niya.

Mahilig daw sa kasiyahan ang kanyang Lolo Pio kaya maraming malalaking lamesa at upuan para sa mga bisita.

old house

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Antique chairs and tables inside the old house.
Photo/s: Ka-YouTubero

Read: Simple living "in the middle of nowhere" in Camarines Sur

LOCATION FOR TIYANAK

Kinumpirma rin ni Rizza na ang bahay ay ginawang location para sa pelikulang Tiyanak, na pinagbidahan nina Janice de Belen, Lotlot de Leon, Ramon Christopher, Smokey Manaloto, Carmina Villarroel, Mary Walter, at marami pang iba.

Subalit hindi na raw muling binuksan ang bahay bilang film location para hindi magalaw ang mga gamit sa loob.

Maselan na rin kasi ang kalagayan nito.

Naipakita sa video ng content creator ang ilang sulok ng bahay na naitampok sa horror film.

Mapapansing halos hindi ginalaw ang ilang gamit, tulad ng dining table, grandfather clock, at hagdanan.

scary movie
In a scene from Tiyanak, a young Carmina Villarroel is seen climbing the staircase.
Photo/s: Regal Films
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
stairs
The stairs featured in the film Tiyanak. See the old clock? That was shown in Tiyanak, too.
Photo/s: Ka-YouTubero
The dining area featured in the horror flick
The 1988 horror movie Tiyanak showcased this very dining area.
Photo/s: Regal Films
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Dining area
Thirty-seven years later, here's what the dining area looks like.
Photo/s: Ka-YouTubero

Binanggit din ni Rizza na sa kanyang pagkakaalam, ang bahay ng kanyang lolo ang kauna-unahang nagkaroon ng colored TV sa bayan ng San Pablo.

Ang ancestral house ay may tatlong palapag at meron ding basement, na may isang kuwarto kunsaan namamalagi si Don Pio tuwing inaatake siya ng asthma.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makikitang na-preserve ang mga muwebles na yari sa matibay na kahoy, subalit may mga bakas na ng sira.

Personalized din ang mga tables, chairs, at cabinets dahil nalagyan pa ang mga ito ng initials ng may-ari na “PC.”

customized chair
The chair rest, like the tables and cabinets, was custom-made and bears the initials of the original owner, Pio Conducto.
Photo/s: Ka-YouTubero
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa sa highlights ng house tour ay ang restroom para sa mga lalaki. Mayroon itong urinal at shower.

Ang sabi ni Rizza, noon pa man daw ay uso na ang hiwalay na restroom para sa mga babae at lalaki.

urinal
Rizza Reyes shows the men’s restroom, which remains in its original state. She notes that even back then, there were already separate bathrooms for men and women.
Photo/s: Ka-YouTubero
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naipakita rin na bukod sa mga nasisirang gamit, ang malaking problema ng bahay ay hindi na pantay ang structure nito sa loob at labas.

May bahagi kasi ng lupa na lumubog kaya’t tumabingi rin ilang parte ng bahay.

Sinabi ni Rizza na isinasaayos na ang restoration, na ang plano ay masimulan sa taong ito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nearly a century after it was built, this ancestral house in San Pablo, Laguna still stands—and is now set for restoration. It also served as the filming location for the 1988 hit horror movie Tiyanak.
PHOTO/S: Ka-YouTubero c/o Paolo Paginado Dehan/ Regal Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results