PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bahay-kubo in Cavite offers “probinsiya feels”

A couple just started with a dream and then made it into a reality.
by Bernie V. Franco
Published May 12, 2025
bahay-kubo
“Para kang pumunta sa probinsiya mo na malayo, pero malapit lang sa Metro Manila,” says Cubo De Bernardo owner Michelle Bernardo about the bahay-kubo that she and her husband had dreamt of building.
PHOTO/S: OG on YouTube

Nangarap lang noon ang mag-asawang Arjay at Michelle Bernardo na makapagpatayo ng sarili nilang bahay-bakasyunan na “probinsiya feels.”

Noong panahon ng pandemic, unti-unti nilang itinayo ang pangarap na ito hanggang sa magkatotoo.

Nagsimula ang kanilang pangarap dahil buwan-buwan, nagpupunta sila sa iba’t ibang probinsiya dahil sa kanilang distribution business.

Hindi na rin nila pinapalampas ang magkaroon ng staycation kapag napapadako sa provinces.

Naisip ng mag-asawa, bakit hindi sila magtayo ng sariling lugar para maging bakasyunan nilang pamilya?

Nagkatotoo ito, at kalaunan, dinevelop pa nila ang bakasyunan—ang Cubo De Bernardo—at binuksan sa ibang tao na naghahanap din ng lugar para makapagpahinga.

“Para kang pumunta sa probinsiya mo na malayo, pero malapit lang sa Metro Manila,” sabi ni Michelle.

Read: Step inside the ancestral house where 1988 horror classic Tiyanak was shot

BAHAY-KUBO THAT IS "RELAXING, NATURE FEELS"

Napili nina Arjay at Michelle ang Silang, Cavite dahil accessible ito.

“Ang climate ay parang Tagaytay pero hindi crowded… relaxing, nature feels,” ani Michelle sa OG.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Napili po namin yung konsepto ng bahay-kubo since we always travel nga po sa province.

“Gusto naming mapa-experience sa mga anak namin yung simple and humble life lang… more on nature.

“They can play around… fresh air, with a modern twist…”

Sundot ni Arjay, “Swak na swak sa nature, eco-friendly, tsaka well-ventilated talaga kapag bahay-kubo.”

Sa na-acquare nilang 2,000-square-meter property itinayo ang kanilang dalawang palapag na main kubo at may sukat na 50sqm.

Naipatayo nila ito noong 2021 sa halagang PHP400,000-PHP450,000.

Bahay Kubo
A couple started to dream of building a bahay-kubo for a place to relax. Eventually they opened it to people seeking "nature feels."
Photo/s: OG on YouTube
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Basic din ang interior nito na may living room, dining room, kitchenette at toilet and bath.

Meron din itong balcony.

Bukod pa rito, mayroon ding dalawang malaking kubo na naipatayo, at may ilang dipping pools.

dining area
The dining area that is reminiscent of the probinsiya life.
Photo/s: OG on YouTube
swimming pool
The three bahay-kubos have also a small dipping pool for a place to chill.
Photo/s: OG on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang dalawang malaking kubo ay may master bedroom at dalawang solo bedrooms.

Sa malawak na open area sa labas ng mga kubo ay may bar area, at dito ginagawan ang acoustic nights mula 6:00 PM-10:00 PM.

Puwede ring magpaluto sa bar.

Meron ditong tables and chairs para sa mga nais tumambay at makinig sa music.

Mayroon ditong maliit na mini-store.

bar
An outdoor bar where the acoustic nights happen.
Photo/s: OG on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
mini-store
A small store for customer's basic needs.
Photo/s: OG on YouTube

Read: Rest and recharge at this tiny house in Talisay, Batangas

BAHAY-KUBO WITH A MODERN TWIST

Paliwanag ni Arjay, tipikal na bahay-kubo ang disenyo ng mga itinayo nila pero may modern twist.

Makikitang gawa ang mga ito sa amakan, sawali, anahaw, pero ang foundation ng mga ito ay concrete para mas matibay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kita rin na nilagyan ang mga ito ng mga glass para sa mga pinto at bintana.

Magandang puntahan ang kanilang lugar para sa mga nostalgic sa probinsiya.

Magandang factor din na mas presko ang kanilang location.

ADVICE FOR THOSE WHO WANT TO BUILD

Sa paliwanag ng mag-asawa, ang pagpapatayo nila ng kanilang pangarap na bakasyunan at pahingahan ay hindi lang pananampalataya, kundi pati gawa.

Malinaw raw sa isip nila ang gusto nilang ipatayo.

“Since pandemic times talagang nagsi-save lang kami. Unti-unti naming binuo ito, e.

“And it turned out sobrang ganda ng kinalabasan ng kubo,” sabi ni Arjay.

“Ang nasi-save sa distribution business, nilagay lang sa kubo.”

Sabi pa niya, “It’s not simple. It requires perseverance creating this one.

“Yung budgeting din importante din talaga. Tsaka meron kang matinong magtatabaho para sa iyo.

“Meron kaming nakilala na nagtutugma siya pagdating sa gusto naming design, ideas…”

Payo naman ni Michelle, “Magkaroon ng patience matinding pasensiya talaga, saka determination to really build this.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Lalo na sa amin kailangan mo talagang bigyan ng puso yung lahat ng ginagawa, attention to details…”

Sundot ng kanyang mister, “Determination para ma-build itong Cubo de Bernardo. Kailangan mo nun, saka focus to achieve your goal talaga.”

bahay kubo
Apart from the main kubo, two more big bahay-kubos have been built that can accommodate bigger groups.
Photo/s: OG on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isiningit naman ni Michelle ang paghahanap ng maayos na contractor.

Sabi ni Arjay, “Dapat yung focus mo sa detalye, kung ano yung passion mo saka kung ano yung gusto mong mangyari dapat nakabantay ka don.

“Huwag mong pababayaan malingat ka sa mga detalye na hindi mo naman gusto.”

Nagbalik-tanaw rin si Arjay na ihinambing ang mga larawan noong naitayo ang unang kubo hanggang sa na-develop na nila ang property.

Sabi niya, “Nakakatuwa palang pagmasdan yung before and after. Grabe yung grasya ng Panginoon…

Sa mga nais bisitahin ang Cubo De Bernardo, maaari silang makontak sa kanilang Facebook page.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Para kang pumunta sa probinsiya mo na malayo, pero malapit lang sa Metro Manila,” says Cubo De Bernardo owner Michelle Bernardo about the bahay-kubo that she and her husband had dreamt of building.
PHOTO/S: OG on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results