PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pilot builds house inspired by unforgettable vacation in Bali

He recreates the hotel room in Bali where he stayed.
by Bernie V. Franco
Published Jul 25, 2025
industrial house
A Unique Home: From the outside, it has a distinct industrial look—but once you step inside, it feels like you've been transported to a completely different place.
PHOTO/S: OG

Isang unforgettable family vacation sa Bali, Indonesia, ang naging inspirasyon ni Ceasar Gabriel “Ogie” Muñoz, 30, sa pagpapagawa ng kanyang bahay sa Angeles City, Pampanga.

Ni-recreate ni Ogie, isang piloto, ang hotel room kung saan sila nag-stay.

Nagmarka raw sa kanya ang kakaiba nitong itsura—na malayo sa tipikal na tropical design ng mga Balinese houses.

“Yung feeling every time na nandito kami sa bahay na ito is naaalala ko yung reactions naming lahat na family nung sabay-sabay kaming pumasok sa hotel na iyon.

"Every time na pumupunta ako dito, naaalala ko lang yung trip na iyon.

"Madalang lang kasi kaming magsama-sama, mag-outing,” kuwento ni Ogie sa OG Channel.

Namutawi ang terracotta theme—na sobrang nagustuhan ni Ogie kaya tinawagan agad niya ang mga kakilalang contractor-architects pagdating sa Pilipinas.

Positibo naman daw ang naging sagot ng tatlong architects na kinontrata niya.

THE PILOT'S DREAM HOUSE

Ang resulta? Impressive.

Sa labas ay industrial ang itsura nito, pero sa loob, very "natural" ang vibe dahil wood, sand, at bricks ang mga ginamit na materials.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang land area ay 250 square meters at ang livable area ay 160 square meters.

Mataas ang pader nito dahil gusto raw ni Ogie ng privacy.

pool
The 22-square-meter swimming pool is the first thing you see upon entering the gate.
Photo/s: OG

Read: Life story of Chris Estrella: from seminarian to aircon cleaner to owner of 16 houses in Canada

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagpasok sa mataas na gate, ang unang bubungad ay ang 22-square-meter rectangle swimming pool na may lalim na four feet.

Sa halip na tubig na may chlorine, saltwater daw ang ginamit ni Ogie.

“Very healthy siya sa skin. Hindi mabigat sa feeling, unlike pag chlorine water ang ginamit,” paliwanag niya.

Sa tabi ng pool ay may al fresco area na puwedeng tambayan kapag nagsu-swimming.

Pagpasok sa loob ng bahay ay bubungad naman ang dining area na may solid-wood table na kayang mag-accommodate ng walong katao.

Katabi lang nito ang kitchenette at coffee area.

Dining table
The dining and living areas
Photo/s: OG
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
kitchenette
The kitchenette and coffee area beside the dining table.
Photo/s: OG

Ang ginamit naman sa bintana ay black louver window sa halip na kurtina.

Open-style concept ang gusto ni Ogie kaya walang partition sa pagitan ng dining at living areas.

Ang sofa sa living room ay convertible to beds.

living room
Here's a better view of the living room.
Photo/s: OG
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
wall
The intricate deco block wall
Photo/s: OG

Agaw-pansin ang wall designs na inukit ng mga karpintero para maging deco blocks.

Dominant color ang terracotta

Mayroong bedroom for two at common toilet and bath sa first floor.

bedroom
First-floor bedroom ideal for two guests
Photo/s: OG
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
toilet and bath
Toilet and bath
Photo/s: OG

Makikita rin ang side door patungong outdoor kitchen na kumpleto sa kagamitan.

Pagdating sa second floor, may kuwartong kasya ang anim na katao.

May dalawang king-sized beds at pull-out beds.

Makikita naman sa pader at kisame ang uniform terracotta color.

Kapansin-pansin ding triangular ang structure ng high ceiling.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mula sa kuwarto ay may pinto na diretso sa balcony.

bedroom
The bedroom on the second floor with two king-sized beds.
Photo/s: OG

Samantala, mayroon ding office table at isa pang toilet and bath ang second-floor room.

At para makatipid sa kuryente sa panahon ng tag-init, mayroong solar panels ang bahay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Very proud si Ogie sa naitayong bahay dahil “very unique yung style namin, very unorthodox yung mga tina-try…”

May mga challenges ba siyang hinarap during the construction?

Binanggit ni Ogie na noong una ay nagkamali sa kulay ng interiors, subalit nagawan ito ng paraan ng mga architects.

Hindi rin nasunod ang gusto niyang mataas na fence, pero nagawan din daw ng paraan.

Read: Bulacan bus vendor turns life around; builds PHP15-million house

LESSONS

Throughout the process, ang unang lesson na natutunan ni Ogie ay dapat maging hands-on pagdating sa construction ng bahay.

“Kunwari may natapos na part ng project, magandang i-check mo rin talaga.

“Kasi, sometimes, may part na kailangang baguhin. At least sa simula pa lang, naayos na bago pa masara kesa sirain para ayusin.”

Pangalawang lesson daw ay ang budgeting.

“Naka-budget ako without compromising the quality ng bahay. Tinitignan ko lahat. Dapat pasok sa budget mo na hindi nako-compromise ang quality.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Payo pa ni Ogie, magkaroon ng good relationship sa contractor o sa architect.

Malaking tulong daw ito para maging mahimbing ang tulog at mas matiyak na hindi masasayang ang investment.

Siyempre hindi masusunod ang mga nasa wish list ni Ogie kung hundi siya kumunsulta sa experts.

Aniya, “Seek professional advice.”

Bawas-stress daw ito sa mga nagpapatayo ng bahay.

“Yung tamang layout, kung paano ang tama, and malalagay ang budget…masasabi nila sa iyo kung magkano yung cost nito talaga, ano aabutin, ano yung quantity…”

At ang panghuli: “Be positive lang. Lahat ng challenges, kailangan tandaan, lahat may solusyon.

"Kahit anong challenge pa iyan. So, positive thinking lang. Everything will fall into place.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A Unique Home: From the outside, it has a distinct industrial look—but once you step inside, it feels like you've been transported to a completely different place.
PHOTO/S: OG
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results