Ang refrigerator magnets, o ref magnets, ay kilala bilang souvenir items.
Ayon sa artikulong nalathala sa website na cmu.fr last August 17, 2025, isa rin itong clever invention na ginagamit pang-hold sa resibo, notes, shopping lists, lotto tickets, at kung anu-ano pa.

Bibihira ang bahay na walang magnet na nakadikit sa door ng ref.
Pero sa kabila ng kasikatan, sinasabing nagpapataas daw ito sa konsumo ng kuryente.
Totoo ba ito o tsika lang?
Read: Why is there a pink refrigerator in the middle of Namib Desert?
WORRY NOT, REF MAGNETS DO NOT SPIKE ELECTRIC CONSUMPTION
Batay sa artikulo, ipinaliwanag ng refrigerator manufacturer na Whirlpool na ang real concern ay hindi ang epekto ng ref magnets sa electric bill.
Sa halip, dapat mabahala ang ref owner sa potential wear and tear nito sa pintuan ng appliance.
Kapag sobrang daming ref magnets, nakakadagdag daw ito sa bigat at nagkakaroon ng strain sa hinges nito.

Dahil dito, madaling nasisira ang ref.
Paalala ng ref manufacturer: “If you only use a few magnets, you shouldn’t expect the refrigerator to operate poorly.
“The only downside might be some scratches on the surface.
“But if the magnets pile up, the risks of mechanical damage increase.”
Read: Buying a refrigerator? Here’s what you need to know
Other tech companies' take on ref magnets' effect on power consumption
Susog ng energy company na Endesa, “completely false” ang anumang epekto ng ref magnets sa konsumo ng kuryente.
In fact, hindi raw nakaka-penetrate ang magnetic fields ng mga ito sa pintuan ng ref.
Dagdag na paliwanag ng Organization of Consumers and Users (OCU), kahit pa tadtarin ng ref magnets ang buong pinto, napakahina ng magnetic fields para magkaroon ng epekto sa energy consumption.
Ganito rin ang sinabi ng tech company na LG.
“Magnets on the outside of a refrigerator have no impact on energy use, lifespan, or food preservation.
“This is simply a myth.”
Read: Tips para makatipid sa kuryente gamit ang aircon, ref, electric fan
Energy-Saving Tips for Using Your Refrigerator
Kung gusto mong makasiguro na mababa ang konsumo ng ref sa kuryente, narito ang ilang paraan.
- Panatilihing laging nakasarado ang pintuan nito. Kapag nakabukas ang ref door, lumalabas ang malamig na hangin kaya napupuwersa ang compressor na kumonsumo ng karagdagang electric power.
- Iwasang i-set ang temperature nang sobrang baba. Bagama’t importanteng nare-refrigerate ang mga pagkain, makonsumo sa kuryente ang excessively cold settings ng ref. Alamin sa refrigerator's user manual ang specific instructions sa pag-a-adjust ng temperature,
- Isalansan nang maayos ang mga pagkain sa specific drawers. Ilagay ang mga gulay, dairy, at mga inumin sa kani-kanilang designated sections para mapanatili ang freshness ng mga ito, gayundin ang efficiency ng ref.
- Regular na linisin ang refrigerator. Tanggalin ang dumi sa coils at door seals.
- Tingnan ang kondisyon ng door gaskets. Kapag may leak ang seals, nakakapasok sa ref ang warm air kaya napupuwersa itong magkonsumo ng enerhiya. Nagiging sanhi rin ito ng food spoilage.
- Palamigin muna ang hot food bago ipasok sa ref. Kapag mainit pa kasi, napupuwersa rin ang ref na palamigin ito at kumukonsumo ito ng malaking enerhiya.
- Mag-defrost kapag mayelo na ang freezer, Ang frost ay nagiging insulating barrier at nakakaapekto sa efficient temperature regulation ng inyong ref.
- Gumamit ng inirerekomendang food containers. Ang glass containers with vacuum seals or thermal bags ay napapanatiling sariwa ang mga pagkain nang hindi napupuwersa ang compressor ng ref.
