Hindi lang tubig ang umaagos sa kitchen sink drain.
Sa dami ng hinuhugasan, dumaraan din dito ang mga piraso ng tirang pagkain, grease, at soap residue.
Dahil sa mga particles na ito, nagbabara ang kitchen sink kalaunan.

At nade-develop sa mga sari-saring barang ito ang bacteria—na nagiging sanhi ng masansang na amoy.
Read: TOTOO BA: Ref magnets spike electric consumption?
Ayon sa artikulong nalathala sa website na Tom’s Guide last August 18, 2025, marami sa atin ang naka-focus lang ang atensyon sa paglilinis ng visible parts ng kitchen sink, pero pinababayaan ang mismong drain.

Dahil dito, nagkakaroon ng bara at bumabagal ang pag-agos ng tubig.
May posibilidad din na maging panganib ito sa kalusugan dahil ang maruming sink ay pamamahayan ng harmful bacteria.
Sa pamamagitan ng paggamit ng mga ordinaryong household ingredients tulad ng baking soda and vinegar, mapapanatiling malinis at walang amoy ang kitchen sink nang hindi masyadong mapapagod—at hindi kinakailangang gumastos nang malaki.
Ang mga eassy steps na ito ay hindi rin nakasisira sa mga tubo ng drain kumpara sa commercial drain cleaners.
Read: Solenn Heussaff, Nico Bolzico on a mission for dengue-free home
CLEANING THE CLOGGED KITCHEN SINK DRAIN USING BAKING SODA AND DISH SOAP
Magbudbod ng kalahating tasa o hanggang isang tasang baking soda direkta sa kitchen drain.
Magdagdag ng konting patak ng liquid dish soap sa ibabaw ng baking soda para sa extra cleaning power.
Ang baking soda ay magsisilbing parang liha na kakaskas sa bara o build-up sa kitchen sink, habang ang sabon ang tutulong para madurog ang grease at food particles na naipon sa drain.
Hayaang nakababad ang mixture na ito sa loob ng limang minuto o higit pa para mabigyan ng sapat na oras na epektibong matanggal ang anumang nakadikit na residue.
Makalipas ang limang minuto, buhusan ng mainit na tubig.
Makatutulong ang mainit na tubig para ma-activate ang cleaning ingredients at ma-flush ang mga bara.
Read: Mom and daughter build house from 8,000 recycled glass bottles
FOLLOW UP WITH THE “VINEGAR TREATMENT”
Pagkatapos ng baking soda step, magbuhos ng hanggang isang tasang suka o vinegar sa drain.
Tandaan na hindi dapat sabay na pagsamahin ang baking soda at vinegar.

Bakit?
Ang nangyayari kasi ay nanu-neutralize lang nila ang isa’t isa at nababawasan ang kanilang cleaning effectiveness.
Ang vinegar ay nagsisilbing natural deodorizer at nakatutulong na matunaw ang mineral deposits na bumabara sa mga tubo.
Nagkakaloob din ito ng karagdagang antibacterial properties para ma-sanitize ang kitchen sink drain.
Hayaan ang vinegar sa drain sa loob ng ilang minuto upang magkaroon ito ng sapat na oras na mapalambot ang natitrang bara at matanggal ang masansang na amoy.
Read: Tips para ma-detect at ma-treat ang bukbok sa bahay
FINISH CLEANING THE KITCHEN SINK DRAIN WITH HOT WATER
Tapusin ang cleaning process sa pamamagitan ng pagbubuhos ng mainit na tubig sa drain sa loob ng 30 seconds.
Matatanggal nito ang ginamit na cleaning residue at mapapa-flush ang mga napalambot na bara sa drain.
Nakatutulong din ang hot water para matiyak na tuluyang napaagos ang anumang grease o libag ng sabon na napalambot habang isinasagawa ang cleaning process at hindi na makaka-settle muli sa pipes.
Kung may natitira pa ring amoy at medyo mabagal pa rin ang pagde-drain ng kitchen sink, ulitin ang proseso.
Importante ang pag-uulit agad sa proseso habang nalambot pa ang residue sa kitchen sink drain.
Kung sa tingin ninyo ay masyadong matigas na ang build-up ng bara sa drain, ikonsidera ang paggamit ng enzyme cleaner.
