PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

TIPS: How to make clothes white again

What causes the paninilaw?
by KC Cordero
Published Sep 19, 2025
Woman holding basket of white laundry
Alamin ang mga simple at epektibong paraan para manatiling mukhang bago at fresh ang mga puting kasuotan.

Ang bagong white blouse, shorts, skirts, jeans, T-shirt, polo shirt, polo o long sleeves—or anything white—ay nakakadagdag ng glow at confidence.

Pero makalipas ang ilang buwan, asahang hindi na ito magiging kasimputi gaya ng dati.

Kung ang mga fabrics na de-kolor ay nagpi-fade at nagla-lighten, ang puti ay nagiging yellow-ish, grayish, o beige.

Isa itong common problem.

Kaya nga, maliban sa mga uniform sa school o trabaho, karamihan sa atin ay bihirang bumili ng white clothing unless kelangan para sa isang special occasion.

Read: How to remove slime and glue stains on clothes

CAUSES OF DISCOLORATION in WHITE CLOTHES

Bakit nga ba nababawasan ang katingkaran ng white clothes?

Naririto ang ilan sa mga common causes:

  1. Natural aging process ng tela
  2. Sikat ng araw
  3. Mantsa ng substances gaya ng pawis, pagkain, o inumin. Sa bandang kuwelyo at kili-kili, nagkakaroon ng yellowish stains.
  4. Maling paggamit ng bleach. Bagaman at ang bleach ay maaaring gamitin para mas mapaputi ang old white clothes, ang sobrang paggamit nito ay nagpapahina sa tela at, sa kalaunan, ay nagiging sanhi ng paninilaw.
  5. Hindi maayos na pagbabanlaw. Kung ang ginamit na sabon sa paglalaba ng white clothes ay hindi nabanlawang mabuti, magkakaroon ng residue na nagiging dahilan ng paninilaw at pangungupas.
  6. Sundin ang care instructions sa paglalaba ang white clothes. Gumamit ng tamang detergent, at iwasang ma-expose sa harsh substances, pati na rin sa sobrang init ng araw.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Young woman doing the laundry
May mga simple at epektibong paraan para mapanatili ang magandang kondisyon ng white clothes. Photo: Pexels

Read: TIPS: How to keep your bathroom always clean

TIPS: HOW TO CHOOSE THE BEST DETERGENT FOR WHITE CLOTHES

Ang maling paggamit ng laundry detergents and fabric whiteners ang isa sa pangunahing dahilan kung bakit nawawala ang tingkad ng white clothes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para mapanatiling mukhang bago at maputi, sundin ang mga sumusunod:

  1. Bawat variant ng detergent ay may specific purposes. Piliin yung may super whitening power sa formulation.
  2. Sundin ang washing instructions lalo na ang dami ng ilalagay na detergent. Kung tinitipid kasi ang paggamit nito, hindi makukuha ang gustong resulta. Kung napasobra naman, posibleng may matirang residue kung hindi nabanlawang mabuti. Makakadagdag ang residue na ito sa paninilaw ng kasuotan.

Read: TOTOO BA: Ref magnets spike electric consumption?

TIPS ON HOW TO MAINTAIN THE BRIGHTNESS OF WHITE CLOTHES

Paano nga ba mapapanatili o maibabalik ang mga puting kasuotan sa perfect white condition?

Naririto ang ilang tips:

  1. Ihiwalay ang white clothes sa mga de-kolor bago maglaba.
  2. Ibabad ang white clothes sa mainit na tubig. Ang hot water ay nakakatulong para matanggal ang mantsa at dumi.
  3. Gumamit ng whitening detergent. Ang mga ito ay specifically formulated para mapanatiling matingkad at mukhang bago ang puting tela ng damit.
  4. Magdagdag ng suka sa pagbabanlaw depende sa dami ng tubig. Para maiwasang mag-amoy suka ang damit, ilagay ang white vinegar sa unang banlaw.
  5. Iwasan ang palagiang paggamit ng bleach. Bagamat ito ay nakapagpapaputi ng damit, ang sobrang paggamit nito ay nagpapahina sa mga tela at kalaunan ay nagiging sanhi rin ng paninilaw.
  6. Ibilad ang nilabhang white clothes sa ilalim ng araw. Ang UV rays ay nakatutulong sa bagong labang white clothes para manatiling matingkad ang pagkaputi.
  7. Kapag nalagyan ng tinta o anumang dumi, agad kuskusin sa pamamagitan ng tubig at sabon para hindi maging mantsa.
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Why lettuce should be included in daily diet

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alamin ang mga simple at epektibong paraan para manatiling mukhang bago at fresh ang mga puting kasuotan.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results