Mas okay para sa pamilya, may tulong pa sa kalikasan.
Ito ang kagandahan ng “natural ecosystem pool” kung ikukumpara sa traditional swimming pool.
Ina-advocate ito ng organic farmer na si Denison Tan, isa sa mga owners ng Den & Jean’s Natural Farm sa Calaca, Batangas.
Ang farm cabin na ito ay para sa mga nais ma-reconnect sa nature.
Nag-o-offer ito ng farm-to-table organic food.
And as an Airbnb property, isa sa mga amenities na hina-highlight nito ay ang chlorine-free “natural eco pool.”
Bakit ganito ang naisip ni Denison sa halip na traditional swimming pool?
“We wanted a more natural swimming pool for our family, for our kids kasi alam naman natin ngayon ang daming mga batang may skin problems, may health problems.
"And chlorinated pool actually makes that worse,” paliwanag ni Denison sa OG Channel interview.
“So, natural swimming pool is not just clean and healthy. Actually, beneficial… we are actually depending on beneficial bacteria to clean the pool.
“Definitely you will see the difference, you will definitely feel the difference, and you will realize, it’s more healthier for the entire family.”

Ayon pa sa kanya, ang ganitong klase ng pool ay nagiging trend daw ngayon sa U.S., partikular sa California.
Sa pool ng farm cabin, ang filtration system nito ay ginagaya raw ang proseso ng ecosystem.
Ang components ng traditional pool ay sand filter, na pantanggal ng debris sa tubig; pump and piping system; chlorine, na siyang pampatay ng bacteria.
Sa natural pool, ang ginagamit daw dito ay “spring water, rainwater, o tap water, and you don’t add additives to it, it’s very natural.”
Pero dahil stagnant ang tubig, pagkalipas lamang ng ilang araw ay magiging marumi na ito dahil magsusulputan ang lumot o algae. Pamamahayan rin ito ng lamok.
“Wala siyang way to clean on its own,” ang sabi ni Denison.
So, kinakailangang i-drain ang tubig at palitan ng bago.
Ani Denison: “We call it a natural eco-pool because what we do, we try to mimic the ecosystem of how our river systems work."
Ang kanilang pool ay gumagamit ng mga plants, isda, rocks, pebbles, at volcanic rocks. Lahat ito ang nagiging “natural filters” ng tubig.
“So, tuloy-tuloy siya. It’s a continuous circulation, so it is self-cleaning…”
Mabuti raw kapag may malinis na water source dahil sumusulpot ang beneficial insects and animals tulad ng palaka, tutubi, at iba pa.
Paliwanag ni Denison, importante ang mga insects dahil kailangan sila ng organic plants.
“The more insects will give you the better balance between predator and prey.”
Dugtong niya, “very critical” sa kanilang farm ang clean water source.
Kinailangan daw nilang i-hire ang services ng isang German consultant na nasa Bali, Indonesia, noong pinagawa ang natural eco pool.
Read: Powder vs. liquid detergent: What’s best for washing machine?
HOW A NATURAL ECO POOL WORKS
May sukat na 6.5 X 4.5 meters ang pool nina Denison, habang ang filtration area nito ay nasa 2 X 4.5 meters.
Circular ang hugis ng main pool. Wala raw itong edges o corners para hindi maging stagnant ang tubig.
“Dahil round ang pool, walang naiipit na tubig, walang nabubuong lumot o walang naiiwan na organisms,” sabi ni Denison.
Mayroong dalawang klase ng filtration systems—ang waterfalls filtration at wetland filtration.
Ang pool sa farm cabin ay may waterfalls filtration na may tatlong levels—large, small, at medium.
Just imagine three steps ng stairs.
Para ma-filter ang tubig, una itong dadaan sa highest step (large), babagsak sa second step para ma-filter uli, at panghuli ang smallest step para sa third filter at saka dadaloy muli sa main pool.


Sa ilalim ng main pool ay may dalawang drainage.
Sa unang drainage hihigupin ang tubig papunta sa pump system, saka ipa-pump ang tubig paakyat sa waterfalls filtration.
Ang bawat waterfalls filtration ay naglalaman ng maraming pebbles, bato, gravel, volcanic rocks, at mga halaman, kung saan ang ugat ang siyang napi-filter ng tubig at nagko-consume ng mga nutrients mula sa tubig.
Mga halamang nabubuhay sa tubig ang gamit nila sa waterfalls filter.
“So paglabas [ng tubig] sa main swimming area, napakalinis at napakalamig na nung tubig,” paliwanag ni Denison.
Sa mismong main pool ay may mga isda, tulad ng janitor fish, Asian pleco algae eater, at guppies, ang mga isdang kumakain ng itlog ng lamok at iba pang lumulutang sa tubig.
Samantala, ang purpose naman daw ng second drainage sa ilalim ng pool ay “to create disturbance.”
Ani Denison: “Bakit natin gusto ng disturbance? Lalong naaalog yung tubig, lalong gumagalaw. So, hindi siya stagnant. Tuluy-tuloy po yung circulation.”
Tulad ng standard pools, meron ding skimmers—na nagsisilbing filter sa mga debris—ang pool sa farm cabin.
Read: Beehive house in Angono, Rizal, is truly buzz-worthy
LOW MAINTENANCE
Mas madali raw i-maintain ang natural eco-pool kumpara sa traditional pool.
Bi-weekly ang pagba-vacuum at cleaning.
Pinakuhaan niya ng video ang pagsasagawa niya ng PH-testing at Total Dissolved Solids (TDS) test para matiyak na nasa safe level ang linis ng tubig.
In both tests, pasado ang cleanliness ng tubig.
Pero nilinaw ni Denison na marami pang ibang tests para matiyak ang quality ng tubig sa pool.
Iniinspeksiyon din ang health ng mga isda at mga halaman.
Ibig sabihin, kung maganda ang kulay ng mga halaman, hindi nasisira o hindi nadudurog ang mga ugat at lumalaki ang mga ito, nangangahulugang malinis ang tubig.
Isang beses kada taon o kada dalawang taon naman daw ang paglilinis ng filtration system, kung saan kailangang tanggalin ang mga bato at halaman.
Sabi ni Denison, hindi na kailangan ng professionals para gawin ang maintenance sa ganitong paglilinis, puwera na lang kapag may major problems tulad ng damage sa pumping system.
“In terms of maintenance, it’s easier to maintain than a traditional pool,” ani Denison.
EXPENSES
Ang estimate ng gastos nila sa pool ay PHP500,00 to PHP1 million, depende sa “aesthetics.”
Dagdag ni Denison: “Maraming nagtatanong sa amin, ano, ‘Bakit po ba siya green?’ And people think na green siya, malumot, madumi when, in fact, it’s the opposite.
“The thing is it’s green because it’s reflecting the algae, there are definitely algae here, may konti sa ilalim, may konting lumulutang…
“And when the sun hits nagre-reflect po siya, so greenish siya in nature.
“But in some other days it’s a bit colorless than greenish.
“It will never be blue. Natural falls will never be blue.”
Sa mga interesadong i-convert ang kanilang traditional pool o magpagawa ng natural eco pool, nag-o-offer si Dennison ng services. Maaaring makipag-ugnayan sa kanya sa kanilang Facebook page.
