Kalimitan, mas mabusisi tayo pagdating sa mga puting damit dahil gusto nating mapanatili ang kaputian ng mga ito.
Pero huwag kalimutang nangangailangan din ng parehong pag-aalaga ang mga de-kolor o dark clothes para hindi sila agad mangupas.
Read: How long do eggs stay fresh? Here’s what you need to know.
what causes fading of colored clothes?
Ang mga factors na nagiging dahilan ng pagkupas ay ang madalas na paglalaba, maling paraan ng pagpapatuyo ng damit, at exposure sa UV rays, ulat ng lifestyle magazine sa U.S. na Southern Living.
Dagdag pa sa report, may kinalaman din ang uri ng fabric. Mas madaling mag-fade ang mga yari sa cotton.
Sabi ng isang eksperto sa Southern Living: “Natural fabrics like cotton fade faster than materials like polyester.
"So it's a great idea to check the fabric type of your clothes before washing them to help them stay black longer."
Nakakaapekto rin sa de-kolor kung ang ginamit sa paglalaba ay mainit o malamig na tubig.
"Hot water, detergent type, and bright sunlight are the main factors that make black clothes lose color."
Dagdag ni James Joun, co-founder and chief operating officer ng isang laundry at dry-cleaning company, "Cold water reduces agitation and can better protect against color loss."

Read: Powder vs. liquid detergent: What’s best for washing machine?
TIPS TO PREVENT FADING OF COLORED CLOTHES
Ano pa ang mga puwedeng gawin para manatiling matingkad ang kulay ng mga damit?
Narito ang iba pang tips:
Baliktarin ang de-kolor kapag lalabhan, gayundin kapag patutuyuin o ilalagay sa drying machine.
Ang advantage nito, naiiwasan ang friction na puwedeng mag-contribute sa pagkupas ng damit.
Ayon pa kay Joun, gawin ang mga ito lalo na sa denim at mga printed T-shirts.
Sa mga paboritong damit, mas mainam daw ang pagha-handwash at spot-cleaning method. Ibig sabihin, kusutin lamang ang part na kailangang linisin.
Gumamit ng mas gentle na detergents, partikular ang mga may “color safe” feature, na ayon sa Good Housekeeping magazine ay gumagamit ng "oxygenated bleaches" sa halip na chlorine bleach.
May enzymes at additives ding "dye transfer inhibitors and protective agents" para mas mapangalagaan ang kulay at fabric.
Tandaan na hot water is not advisable for washing, gayundin ang sobrang init mula sa dryer.
Mas advisable daw ang air drying sa pagpapatuyo ng de-kolor na damit.
Sources:
https://www.southernliving.com/how-to-keep-black-clothes-from-fading-11811639
