PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

This tiny house in Zambales fulfills a mom's wish

Guess how much it costs!
by Bernie V. Franco
Published Oct 3, 2025
House
"Kahit maliit basta sama-sama kami, at hindi naman kami congested, ‘tapos maaliwalas," says Angel Zapanta about her tiny house in Zambales.
PHOTO/S: OG on YouTube

Maliit na tahanan pero puno ng pagmamahal.

Ito ang nasa isip ni Aldrin “Angel” Zapanta, isang event stylist, noong nagpatayo siya ng tiny house sa San Antonio, Zambales.

Si Angel ay isinilang at lumaki sa Santa Rosa, Laguna, pero, tinupad niya ang pangarap ng kanyang ina na magkaroon ng rest house sa kanyang hometown.

Dati kasi ay nakikituloy lamang sila sa mga kamag-anak tuwing Mahal na Araw, pero ngayon, may resthouse na silang matutuluyan tuwing magbabakasyon doon.

In fact, sa tiny house na rin nakatira si Angel at hindi na sa Laguna.

“Kasi mas na-feel ko na magiging successful ang business ko dahil congested at mahigpit ang competition sa Laguna,” kuwento ni Angel sa OG.

Read: TIPS: How to prevent colored clothes from fading

TINY HOUSE OVER A BIG HOUSE

Dati ay malaking bahay raw ang nais ipagawa ni Angel.

“Pero habang tumatagal nari-realize ko na minsan, merong mga bagay na hindi naman natin kailangan sa loob ng bahay, o hindi naman natin kailangan nang sobrang laki kasi, minsan, hindi naman nati nayu-utilize.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Na-realize daw ito Angel at ng kanyang pamilya nung pumanaw ang kanilang ama.

May tatlong kuwarto ang bahay nila sa Laguna.

Nang mamatay ang ama, nagsama-sama sila sa isang lugar at nagkaroon ng pakiramdam na ligtas sila sa piling ng isa’t isa.

“Sabi ko, kung sakaling gagawa ako ng bahay, hindi naman malaki. Kahit maliit basta sama-sama kami, at hindi naman kami congested, ‘tapos maaliwalas. Siguro okay na sa akin iyon.”

Ayaw rin daw niyang maglagay ng maraming partition sa bahay.

“Kasi mas napi-feel ko na mas safe tayo, at the same time, mas malaki yung magiging space natin," katuwiran ni Angel.

Ganito ang ginawa ni Angel sa kanyang loft-style tiny house.

Naipatayo niya ang kanyang rest house na may 42 square meters na floor area sa kanilang 48-square-meter lot sa Zambales.

Read: Why natural eco pool is better than traditional pool

SIMPLE BUT BEAUTiful HOUSE

Nag-visualize raw si Angel sa magiging itsura ng kanyang tiny house. Wala siyang kinunsultang architect. Wala siyang ginawang floor plan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kung ano yung nasa isip ko, siya kong gagawin. Parang nag-experiment lang,” sabi niya.

Nakakuha raw siya ng inspirasyon mula sa Facebook community na Home Buddies at pagtingin-tingin online.

Naging maganda naman ang kinalabasan ng kanyang tiny house.

Sa labas ng bahay, mayroong maliit na dining area.

Pagpasok ay makikita ang living area na may center table na galing IKEA, at isang customized sofa na gawa sa rattan.

Kita ang maraming French-style windows para makapasok ang natural lights.

Mayroon din ditong full-sized bed na gawa sa abaca para sa kanyang nanay, upang hindi na kailangang umakyat ng loft para magpahinga.

Katabi ng indoor dining area ang maaliwalas at maliwanag na kitchen.

bed and kitchen
Partitions weren't utilized so the house appears spacious.
Photo/s: OG on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
kitchen
The kitchen is painted bright to easily spot and clean any dirt.
Photo/s: OG on YouTube

May wall accent sa loob na gawa sa kawayan, at may wall frame na gawa sa synthetic rattan. Ang wall frame na ito ay may four-dimensional plants.

May walk-in closet din na may full-sized mirror. Nagsisilbi itong bihisan. Katapat nito ay pinto papunta sa toilet and bath.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
sink area
The sink area inside the toilet and bath
Photo/s: OG on YouTube
toilet and bath
A wider view of the toilet and bath
Photo/s: OG on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
walk-in closet
Walk-in closet adjacent to the toilet and bath.
Photo/s: OG on YouTube

Ang loft bed sa taas ay kayang mag-accommodate ng apat hanggang limang tao.

Sa wall ng loft ay gumamit ng synthetic rattan.

Gumamit naman ng rattan rope bilang harang sa loft.

May boho (bamboo) at abaca rope (nature) rin para sa nature feel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Angel, inabot ng PHP1.4 million ang ginastos sa rest house.

“I believe the uniqueness of my property lies in its personalized approach, built with a rigid plan, but through combination of vision creativity and adaptability ko,” sabi niya.

loft
The loft can accommodate around 4-5 people.
Photo/s: OG on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
living room
A view of the first floor and the loft inside the tiny house.
Photo/s: OG on YouTube

CHALLENGES, LESSONS, AND ADVICE

Naging hamon daw para kay Angel ang paghahanap ng materyales sa lugar dahil hindi naman siya taga-roon.

Humingi siya ng tulong mula sa mga pinsan at kamag-anak para mag-canvass ng presyo at klase ng materyales.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagdating sa pinansiyal, payo ni Angel, “Pag nagpagawa ka ng bahay, huwag mong titipirin kasi mas mapapamahal ka, mas mapapagastos ka kung bibili ka ng mumurahin ‘tapos madali din naman siyang masira...

“Gagastos ka ng labor cost, gagastos ka ng materyales, at the same time yung time mo ilalaan mo na lang sa ibang bagay, do’n na lang din napunta. So, costly pa rin siya.”

Dagdag niya, “Minsan din kasi yung iba, iniisip din siguro nila yung budget na gagamitn nila. Pero ang pera, kaya pa rin namang kitain.

“Pero yung makita yung resulta ng ginawa mo, yung bahay na pinangarap mo, parang worth it.”

Sa pagpapagawa ng kanyang tiny house nahasa raw ni Angel ng kanyang creativity at nagkaroon siya ng patience at flexibility.

Ang hinangad daw niya ay gumawa ng simpleng bahay pero maganda.

Sa mga nais magpagawa ng bahay, payo niya, “Follow their instinct. Be resourceful and don’t be afraid to improvise, and adjust because the result will always be worth the journey.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

DREAM FOR HER MOTHER

Ang naipatayong bahay ay katuparan ng pangarap ni Angel para sa nanay at yumaong ama.

Gusto raw niyang ipadama sa ina na, “Hindi man gano’n kalaki, pero masasabi kong maganda para sa kanya.

“So, may experience siya na matutulog na malambot ang higaan, maliwanag ang loob ng bahay, malamig…”

Dinisenyo rin daw ang bahay para hindi na mahirapang kumilos ang ina.

“Sabi ko kung halimbawa na magkaroon ako ng magandang kita, ipaparamdam at ipaparamdam ko sa mother ko yung pagmamahal, at yung bagay na hindi niya na-experience before.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kahit maliit basta sama-sama kami, at hindi naman kami congested, ‘tapos maaliwalas," says Angel Zapanta about her tiny house in Zambales.
PHOTO/S: OG on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results