Dahil sa pabago-bagong panahon, marami ang nagkakasakit.
Nakakabahala ang libu-libong bilang ng mga tinamaan ng flu recently.
Kaya naman marami ang pinag-iingat kapag lumalabas sa pangambang baka mahawaan ng virus.
Pero ang sakit ay hindi lang sa labas galing, at posibleng may nagbabadya ring health risk sa loob ng bahay.
Kabilang dito ang molds o amag na malapulbos ang texture at puti o abo ang kulay.
Nakikita sila sa pader at kisame, pati na rin sa mga siwang sa pagitan ng mga tiles tuwing tag-ulan.
Damay din ang furniture, appliances, at kahit pagkain.
Hindi dapat balewalain ang mga molds dahil naglalabas sila ng spores sa hangin na posibleng malanghap at pumasok sa katawan ng tao.
Iba-iba ang mga sakit na maaaring idulot nito.
Puwede itong mag-trigger ng allergy at asthma attack.
Maaari rin itong maging cause ng ubo, sipon, at iba pang mga respiratory diseases.
At kapag naidikit sa balat, puwede rin itong magdulot ng skin diseases.
Ayon pa kay Dr. Mirasol Aboga-Pacheco sa Pinoy MD interview niya noong 2023, maaari itong maging sanhi ng pangangati ng lalamunan, mata, at ilong, hirap sa paghinga, at rashes.
Higit sa lahat, prone sa malaking risk ang mga bata at matatanda, lalong-lalo na iyong mga immunocompromised o iyong may mahihinang resistensiya.
“Sila yung mga pinakadelikado dahil kapag nakalanghap sila ng mga molds or amag, lalo na yung mga pathogenic o toxigenic, maaari itong magdulot ng fungal lung infection,” ani Dr. Pacheco.

Read: A crack on wall after earthquake? Here's what you need to know.
EXPERT EXPLAINS MOLDS
Sabi ni Ace Lara, isang cleaning expert, “Wala talagang house na molds free.
“Yung mold spores, humahalo sa air whenever there’s humidity. Kumakapit iyan sa surfaces, that’s why you see parang cotton ones, the black ones kapag napabayaan…”
Ilan sa mga epektibong paraan para maiwasan ang pagkakaroon ng molds ay ang paglilinis at tamang ventilation sa mga bahay.
“If laging malinis yung bahay mo, most probably yung mold spores natatanggal mo,” ani Ace.
Mahalaga rin daw ang magkaroon ng dehumidifier sa bahay.
“You have to manage yung humidity inside your home. These are good absorbents of moisture in the air, so it prevents also molds.”
Kung walang dehumidifier, dalawang epektibong alternatives ay ang baking soda at uling.
Puwede ring maglagay ng mga halaman sa loob ng bahay para mag-absorb ng moisture tulad ng aloe vera.
Importante rin daw ang ventilation, kaya iminumungkahi ang pagbubukas ng mga bintana.
“Open your windows at least two hours a day para mag-circulate ang air from outside going in, at ang polluted inside lalabas,” sabi ng cleaning expert.
Para matanggal ang mga namuong molds, puwedeng gumamit ng molds spray.
Kung wala naman, paghaluin ang suka at warm water na puwedeng i-spray direkta sa namuong amag saka pupunasan ng basahan.
Read: Here are 3 materials that make houses more earthquake-resistant
