Sa Pilipinas, ang nakagawian ng mga nagpapatayo ng bahay ay hindi sumasangguni sa mga eksperto gaya ng architect at engineer.
Sa halip, binibigay ang trabaho sa foreman.
Ang commnon mindset kasi ng mga Pinoy, imbes na magbayad sa serbisyo, i-allocate na lamang ang pera sa pagbili ng iba pang materyales.
Ito ang punto ng licensed architect na si Edel Ramos sa panayam niya with PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
“Number one, gastos lang po siya na hindi kailangan. Iniisip nila, ‘Kaya ko naman mag-design ng sarili kong bahay.’
"O kaya, kokopya na lang sila sa ano, di ba, sa mga magazine, sa internet.
“Number two, na ang architect ay engineer din. Minsan tinatawag nila akong engineer. Akala nila, parehas lang. Pero magkaibang field of expertise.
“Maaaring iisa pong mundo: construction. Pero magkaiba po yung expertise nila.”
Read: How architect Ed Ramos converts content into clients
ADDITIONAL EXPENSES is main consideration
Karaniwang magkatuwang ang architect at civil engineer sa construction.
Kapag magtatayo ng isang structure para sa human habitation, ang architect ang siyang gagawa ng plano ng disenyo, layout, aesthetics, samantalang ang engineer naman ang bahala sa pundasyon, mechanical, electrical, at plumbing aspects.
At kapag nagdesisyon ang owner na siya mismo ang magdisenyo ng bahay, kadalasan—base sa obserbasyon ni Ed—nagkakaroon ng aberya.
Lalo sa ngayon, marami ang nagdedesisyong mag-“Do It Yourself.”
“Ang tawag ko doon, DIY, 'Destroy It Yourself,'” hirit ni Ed.
“Marami pong ganyan. Akala nila sasaluhin ko yung mali ng iba o kaya yung mali nila.
“Kasi ang iniwasan po nila yung ano, yung mapapagastos daw sila kapag kumukuha pa sila ng mga architects and engineers. O kaya naman, hindi sila kukuha ng permit.
“Iyan po yung iniisip nila: mga gastos na hindi kailangan.
“Parang kukuha lang sila ng architect or engineer kapag nabulilyaso na sila."
Kapag nagkaganito, hindi rin sila nakakatipid.
“Matinding pagkakamali yun kasi lalong madodoble yung gastos nila. Bayad na sila ng penalty sa city hall or sa munisipyo. Ipapahinto yung trabaho, so delay iyon..."
Saka raw maiisipan ng owner na kumuha ng serbisyo ng architect o engineer.
Ani Ed, suwerte raw kung may tatanggap ng trabaho dahil sa kaso raw niya, hindi siya papayag.
“Dahil may problema na po iyon. Unang-una, halimbawa, nakatayo na po yung structure, may liability na agad kami na hindi naman kami yung nagsimula,” rason niya.
Read: Three regrets of homeowners after construction
THE PROCESS OF CONSULTING AN ARCHITECT
Nagpaliwanag si Ed kung paano ang proseso kapag kumuha ng serbisyo ng arkitekto.
“Number one po, ini-interview po namin ang client kung ano ang mga needs niya, yung design requirements niya.
“Mas maganda kung hawak na niya yung titulo para makita namin yung shape at saka yung sukat ng property.”
Sa interview makukuha ang “wish list” ng owner sa ipapatayong bahay.
“The next step po is pupunta sa site para makita yung actual na condition nung property.
“’Tapos, kung makapunta sa site, malalaman din kung ano yung slope; nasaan ang location, at drainage. Lahat po na iyon ay makaka-effect sa design saka sa cost.”
Isusunod daw ang initial design draft ng architect at kung mayroon pang modifications ang owner.
Dito raw matutukoy ang “space programming"—o saan ang puwesto ng mga kuwarto, living room, kitchen, at iba pa.
“Pagkatapos, siyempre, magbabalik-balik pa po iyan. May mga comments pa, may mga revisions.”
Kapag napagkasunduan na ang semi-final layout ng house plan ay saka papasok ang costing.
“So ipapakita na po ng architect kung magkano yung magagastos o yung estimated cost nung project.”
Kapag nagkasundo na sa gastos ay isusunod ang “detailed architecture and engineering design documents.”
Sabi ni Ed: “So nandiyan na yung floor plans, perspectives, lahat po ng drawings. And yung engineering aspect kasama na rin po yun. Yung architect, meron na rin siyang mga kasamang engineers.”
Sa tulong ng engineer, ididisenyo ang foundation, framing, roofing, electrical, sanitary, electronics at iba pang related aspects.
Isusunod daw ang pagbi-bid out ng contractors. O kaya ay puwedeng i-hire ang architect para siya na ang mag-supervise ng suppliers at contractors.

HOW MUCH IS THE FEE OF AN ARCHITECT?
Ang main consideration ay kung magkano ang bayad sa serbisyo ng architect.
Sagot ni Ed: “Ang fee po ng architect, iba-iba po. Pero meron pong sina-suggest, yung aming standard practice. Ang sina-suggest is 10 percent ng cost ng building. So pag sinabi kong building cost—labor and materials.
“Pino-project kung magkano ang ballpark cost based sa sukat. Kaya naririnig po niyo yung per square meter.”
Pagpapatuloy niya: “Pag nakuha ang total assumed floor area, imu-multiply po iyon sa iba't ibang ano… Meron po kasing ginagamit na iba't ibang mga cost, range per square meter.
“So karaniwan po ngayon kapag basic finish, nagsisimula ngayon, PHP30,000 per square meter hanggang PHP40,000. Kapag mga semi-elegant na, lumalabas na sa PHP40,000 to PHP50,000. Kapag elegant na, PHP60,000 pataas.
"So doon po kinukuha yung magiging fee ng architect. Yung total nun, times 10 percent. Yun po yung suggestion.
“Pero, siyempre, depende po sa architect kung susundin niya ba yun or may iba pa siyang method ng compensation sa services niya.”
Punto ni Ed, sa pagtatayo ng bahay, ang pinakamahalaga ay ang pagpaplano para maiwasan ang anumang aberya.
“[K]ung tutuusin, yung pinakamahalagang bagay po yung inalis nila sa project nila, kasi everything starts with a plan.”
Giit niya, “Kung walang plan, walang direction yung project. Kaya disaster yung gagawin nila. Hindi sila kukuha ng permit.”
Isang investment ang pagpatayo ng bahay, at sino ba naman ang ayaw sa matibay, okay ang aesthetic, at, hight sa lahat, smooth-sailing ang construction, di ba?
Kaya giit ni Ed, dapat pag-ipunan at pagplanuhang maigi.
