Para sa home experts at homemakers, baking soda ang epektibong pantanggal ng amoy ng mga gamit sa loob at labas ng bahay.
Nangangamoy na damit, containers, refrigerator, cabinet, closet, sapatos, carpet, kutson, at marami pang iba—baking soda.
Bukod sa deodorizer, effective din itong cleaner.
Pero paano ba natatanggal ng baking soda ang mga di kanais-nais na amoy na dumikit sa mga gamit?
Ang alkaline substance ang pangunahing katangian ng baking soda na nagnu-neutralize ng mga amoy kapag nahalo sa acidic compounds.
May paliwanag ang isang eksperto: “Many unwanted smells are the result of acidic compounds," ani Audrey Pariés ng detergent brand na Aspen Clean, ulat ng marthastewart.com.
Read: Kitchen hacks that fix dishes that turn too sour

HOW TO USE BAKING SODA TO DEODORIZE
Ang sabi ni Kathy Cohoon, director of franchise operations ng Two Maids, isang housing-cleaning services company, tinatayang 24 oras ang kailangan para matanggal ang amoy.
Iba-iba ang tagal para mag-alis ng amoy sa mga gamit.
Nakadepende rin ito sa bagay na gusto mong tanggalan ng amoy.
"For instance, on vaccumable surfaces like carpets, rugs, and mattresses, you can sprinkle baking soda and let sit for up to an hour then simply vacuum it up,” ani Cohoon.
Sa mga enclosed spaces naman tulad ng closet o refrigerator, puwedeng maglagay ng baking soda sa vented container o yung pasingawan at hayaan ito sa loob.
Palitan lamang daw ang baking soda once a month.
Bukod sa mabisang pantanggal ng maasim na amoy dulot ng acid compounds, mabisa rin ito sa pag-absorb ng oil at grease.
“The molecules in the air react to the baking soda to grasp those odors," sabi ni Trisha Lake, owner and CEO of TLC Cleaning, para sa marthastewart.com.
Read: Tips: 3 easy ways to get rid of kitchen sink odors
WAYS TO USE BAKING SODA
Isa sa most-watched TikTok videos ng American/Danish content creator na si Armen Adamjan, a.k.a. Creative Explained, ay may 1.7 million views. Tungkol ito sa mga hacks sa paggamit ng baking soda.
Sa isang maliliit na lalagyan, pinaghalo niya ang baking soda at kaunting tubig para makagawa ng paste.
Ipinahid niya ang paste sa plastic containers at iniwan nang magdamag. Ang containers ay kadalasang nangangamoy at mahirap linisin kahit na hinugasan.
Mainam din daw itong pantanggal ng anumang mabahong amoy na dumikit sa mga kamay at ayaw matanggal kahit maraming beses nang naghugas.
Sa mga nangangamoy na punda o kutson, nagbudbod siya ng baking soda at saka gumamit ng vacuum para sumama ang amoy.
Para naman sa mga shower curtains,para maalis ang amoy, maaaring lagyan ng baking soda ang tubig na paglalabhan o ang washing machine.
Ang maganda rin sa baking soda, hindi lang ito epektibo kundi mura pa at readily available sa groceries at supermarket.
