Isa sa mga pinaka-stressful na problema sa bahay ay yung amoy kanal na biglang sumisingaw mula sa banyo.
Kahit araw-araw ka pang maglinis, minsan ay may amoy pa rin na parang galing sa mismong drainage.
At kung hindi option ang magpaayos ng plumbing dahil sa budget, kailangang mag-DIY (Do It Yourself).
Good news: Hindi ka nag-iisa!
Marami ang may ganitong issue, lalo na sa mga apartments with old drainage systems.
Ngunit bago ang lahat, hanapin muna ang pinaka-source ng foul odour—sa floor drain ba, sa ilalim ng sink, sa toilet seal, o sa mga sulok na may stagnant water?
Doon ka magsimulang maglinis para mas targeted ang solution.
Narito ang ilang tips.
TIP NO. 1: BAKING SODA + VINEGAR METHOD
Isa sa mga proven-and-tested solutions ay ang pinagsamang baking soda at vinegar.
- Ibuhos ang baking soda sa drain, sundan ng vinegar.
- Hayaan ito ng 15–30 minutes.
- Pagkatapos, banlawan ng mainit na tubig para matanggal ang build-up na nagdudulot ng foul smell.

TIP No. 2: CHECK IF THE TOILET SEAL IS INTACT
Kung toilet seal naman ang problema, tandaan na ang wax seal sa ilalim ng toilet ang nagkukonekta nito sa sewer line at humaharang sa sewer gases.
Kapag luma na, sira, o mali ang pagkakakabit ng wax ring, puwedeng magkaroon ng leaks at makapasok ang mabahong amoy sa banyo.
Sa ganitong kaso, kahit mukhang malinis ang toilet, umaakyat pa rin ang amoy kanal.

TIP NO. 3: Siguraduhing May Tubig ang Drain (Trap Seal Method)
Maraming amoy-kanal issues ay dahil tuyo ang drain trap.
Kapag dry ang trap, walang “water seal” para pigilan ang amoy galing sa sewer line.
And solusyon: Buksan ang gripo at magpatakbo ng tubig sa floor drain ilang segundo bawat araw, lalo na kung hindi ito madalas gamitin.
Kung may secondary drains na hindi gamit (sa gilid ng CR), lagyan ng konting tubig regularly.

TIP No. 4: ODOR ABSORBERS
Puwede ring maglagay ng activated charcoal o open box of baking soda sa sulok ng banyo bilang natural odor absorber.
Palitan lang ito every few weeks.
Affordable option ang activated charcoal na ito sa Shopee, priced between PHP84–PHP225.

TIP NO. 5: PROPER VENTILATION
Malaking tulong ang kahit konting ventilation para mawala ang amoy.
Buksan ang pinto o bintana kung puwede, o gumamit ng maliit na fan para gumalaw ang hangin at hindi nako-contain sa banyo ang amoy.

TIP No. 6: AIR FRESHENERS
Ang mga air freshener ay okay bilang temporary solution, pero hindi nito ina-address ang pinagmumulan ng amoy.
Mas effective pa rin ang regular maintenance, trap seal, at natural odor absorbers para sa long-term freshness.
In the meantime, for affordable scent option, itong reed diffuser na ito ay available sa Shopee for only PHP69!

READ MORE:
