PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tips: How to choose the right fabric conditioner

Choose the kind that answers most of your needs.
by Bernie V. Franco
Published Mar 23, 2026
fabric conditioner
Do not just pick any fabric conditioner. If you pay attention to details, you will be able to pick the kind that suits you and you can maximize when it comes to your laundry.
PHOTO/S: Canva

Bahagi ng pang-araw-araw na pamumuhay ng maraming Pinoy ang pagtiyak na malinis ang damit na isusuot.

Maraming foreigners nga ang madalas na nagpo-post sa social media na ang mga Pilipino raw: “they always smell good.”

At sa mga nagtatanong kung ano raw ang sikreto, ang sagot ng karamihan: fabric conditioner.

Seryoso man o half-joke ito, tila karaniwan na sa maraming Pilipino ang paggamit ng fabric conditioner pagdating sa labahin.

Bukod sa pinapabango nito ang damit, pinapalambot rin niys ang tela kaya mas kumportableng suotin.

Nababawasan din ang wrinkles o lukot nito kaya mas madaling plantsahin at minsan pa nga ay hindi na kailangang ng plantsa.

May mga claims ding naaalagaan nito ang damit kaya mas tumitibay at tumatagal at tela.

Read: Meralco tips to save up to PHP2K on monthly electricity bill

HOW TO CHOOSE THE RIGHT FABRIC CONDITIONER

Sa dami ng available na fabric conditioner sa market, paano malalaman ang variant na bagay sa mga damit mo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Narito ang ilang tips:

CHECK THE FORMULATION

Maaaring sa unang tingin ay puwedeng gumamit ng kahit anong fabric conditioner, pero kung bibigyang pansin ang packaging, makikitang iba-iba ang formulation.

Halimbawa, highly recommended ang paggamit ng hypoallergenic fabric conditioner kung ang mga damit ay maninipis at sensitibo ang tela tulad ng silk o wool.

Regular fabric conditioner naman ang inirerekomenda sa everyday fabric tulad ng cotton.

Kaya huwag kalimutang basahin ang label ng damit para matukoy kung anong tela ito.

CHOOSE THE SCENT THAT APPEALS TO YOU

Ang most common consideration naman ng mga mamimili ay ang amoy ng fabric conditioner.

Hindi lahat kasi ay gusto ang amoy ng pabango. May ibang mas preferred nila ang mild scent.

Besides, hindi uubra sa mga newborn babies ang may matapang na amoy.

PICK THE KIND BASED ON YOUR NEEDS

Pangatlo, dahil sa pagiging popular ng fabric conditioner, laging may bagong features ang mga produkto.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mayroong mga fabric conditioner na hypoallergenic para sa mga sensitive ang skin, may anti-static, meron ding anti-kulob.

Busisiing mabuti ang produkto at piliin ang swak sa iyong needs.

CHOOSE WHAT IS PRACTICAL

Pang-apat, ikonsidera ang size at concentration ng produkto. Halimbawa, kung madalas maglaba, di hamak na practical choice ang bigger package size na bilhin, pati na rin ang concentration ng fabric conditioner. The more na mas concentrated ito, mas kaunting amount ang kailangan gamitin kung kaya’t mas cost-efficient ito.

READ REVIEWS

At ang panghuli ay ang pagbabasa ng reviews at ratings.

Maaaring mag-check online at sa social media para malaman ang mga mas popular na fabric conditioner brands na sulit at effective batay sa reviews ng customers.

fabric conditioner
There are countless kinds of fabric conditioners out there but if you pay more attention, you will be able to choose the kind that suits your needs.
Photo/s: Canva
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOW TO USE FABRIC CONDITIONER PROPERLY

Bukod sa pagpili ng tamang fabric conditioner, importante ring malaman ang tamang paggamit nito para ma-enjoy ang benefits.

Una, huwag direktang ibuhos o ilagay ang fabric conditioner sa damit. Gamitin ang dispenser sa washing machine o kung kinakamay ang paglalaba, ihalo ito sa panghuling pambanlaw na tubig.

Pangalawa, hindi lahat ng damit ay dapat gamitan ng fabric conditioner. Hindi ito recommended sa mga sportswear at flame-resistant na damit dahil maaapektuhan ang fabric ng mga ito.

Ang sportswear kasi ay dapat absorbent. Kapag ginamitan ng fabric conditioner, nagkakaroon ito ng waxy effect at hindi na nagiging absorbent.

Maaaring hindi na rin flame resistant ang damit kapag ginamitan ng fabric conditioner na may flammable at waxy ingredients.

Malaki rin ang naitutulong ng tamang pagpapatuyo ng damit na ginamitan ng fabric conditioner. Mas nae-enhance ang amoy nito kapag na-air dry o kaya ay pinatuyo sa sikat ng araw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sources:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Do not just pick any fabric conditioner. If you pay attention to details, you will be able to pick the kind that suits you and you can maximize when it comes to your laundry.
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results