PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Here’s what a PHP1-M tiny house in Pangil, Laguna looks like

It is called Solana Villa, the first of its kind, according to the owner.
by Bernie V. Franco
Published 7 hours ago
Solana Villa
This is the first tiny house in Pangil, Laguna, according to Solana Villa owner JF Galvez. He says that while there are many resorts in Pangil, there were no tiny houses yet, which inspired him to build one.
PHOTO/S: OG on YouTube

Sa edad na 25, itinuturing na achievement ni Jose Franco “JF” Galvez ang kanyang tiny house.

Ito raw ang bunga ng kanyang pagsusumikap sa trabaho bilang software engineer.

Sarili niyang pera ang ginamit sa lahat ginastos na umabot sa PHP1 milyon.

Aniya sa interview ng OG Channel: “Kasi ito yung first time na parang sarili ko talagang matatawag.

“Kahit pagod ka sa trabaho o stressed na stressed ka sa trabaho, once na makita mo yung tiny house na ito o yung villa na ito, parang lahat ng pagod ko and stress is nawawala.

“Parang may bunga na pala ang paghihirap ko.”

Ipinatayo ni JF ang kanyang tiny house na may floor size na 27 square meters (sqm) sa 54-sqm lot na pagmamay-ari ng kanyang amang si Franco Galvez.

Tinawag niya itong Solana Villa, na kauna-unahang tiny house sa Pangil, Laguna, ayon kay JF.

Marami raw resorts sa lugar, subalit wala pang tiny house.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: From "Name Withheld" to Top 1: Erwin Parchaso’s 10-year journey

HOW THE TINY HOUSE CAME TO BE

Kuwento naman ng kanyang amang si Franco, na-acquire niya ang property tatlong dekada na ang nakalilipas.

Taniman daw ito ng palay, subalit ginawa niya itong taniman ng mangga at tirahan ng mga manok na panabong.

Kalaunan, pinalagyan ito ng dalawang apartment ni Franco.

Naisip naman ni JF na gawin itong family staycation area o family rest house.

Naniniwala kasi siyang investment ito na walang lugi.

Kung hindi man pumatok ang staycation o walang mag-book, mayroon pa rin siyang matatawag na sariling bahay o bahay-bakasyunan ng pamilya.

Kapag wala raw guests, sa tiny house daw sila naglalagi tuwing weekends.

Sa sukat na 27 sqm, kasama rito ang 18-sqm floor area ng tiny house at ang 9 sqm na loft area sa taas nito.

Na-maximize naman ang natitirang space sa property dahil mayroong plunge pool at al-fresco kitchen.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Living room
The living room with couches and a 55-inch TV on the wall.
Photo/s: OG on YouTube
living room 2
The main door and windows are made of glass for better indoor lighting.
Photo/s: OG on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: PRC explains “Name Withheld” in 2026 Physician Licensure Exam

THE TINY HOUSE

Pagpasok sa area, ang unang mapapansin ay ang plunge pool na may sukat na 2 x 1.5 meters

Fully functional ang kitchen area na nasa labas, kaya hindi problema ang pangangamoy ng pagkain sa loob ng tiny house.

pool
The 2-by-1.5-meter plunge pool, which can be seen upon entering the tiny house
Photo/s: OG on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
kitchen
The fully-functioning outdoor kitchen adjacent to the dining table.
Photo/s: OG on YouTube

Sa tabi ng kitchen ay mayroong pinto papuntang toilet and bath para convenient kung naligo sa pool.

Ang four-seater dining table ay mula sa scrap material.

Sa loob ng tiny house ay may living room kunsaan nakalagay ang sofa at 55-inch TV.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gawa naman sa salamin ang pinto at windows para maliwanag kahit na walang ilaw.

Dahil sa high ceiling, presko at maaliwalas sa loob.

Aakyat ng hagdan para makapunta sa loft bedroom na may dalawang bintana sa magkabilang gilid at may view ng bukid at mga puno.

Karamihan sa mga materyal na ginamit sa tiny house ay concrete, bakal, smart board, at Hardiflex para maiwasan ang anay.

bedroom
The loft bedroom
Photo/s: OG on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

LEssons IN BUILDING A TINY HOUSE

Kuwento ni JF, ang pinakamalaking hamon sa kanya nung pinapatayo ang tiny house ay ang tamang paghawak ng pera.

“Kailangan kong mas i-manage yung finances ko at umiwas munang bumili sa mga bagay na di ko kailangan para tuloy-tuloy yung pagpapatayo namin at hindi ma-delay dahil kulang ng budget,” sabi ni JF.

Dahil siya ang nag-finance, mas naging masipag at madasalin daw siya.

Ang construction naman ay ipinaubaya niya sa kanyang ama.

Aminado si JF na may mga pagkakataong nagtatalo sila pagdating sa disenyo.

Ang advice naman ni Franco, kung magpapatayo ng bahay, tiyakin sa sariling desidido ka at gustung-gusto mo ito.

“Kasi maraming nagsimula na hindi natatapos ang bahay pag nagkaproblema along the way,” paliwanag niya.

“Hangga’t maaari, kumuha kayo ng architect na tututok.”

Sabi pa niya, maaaring makakuha ng idea sa mga designs online at programs, pero kailangang kumuha ng professional para matiyak na tama ang kalalabasan nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
This is the first tiny house in Pangil, Laguna, according to Solana Villa owner JF Galvez. He says that while there are many resorts in Pangil, there were no tiny houses yet, which inspired him to build one.
PHOTO/S: OG on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results