PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Inside Leandro Baldemor’s home on sprawling four-hectare land

The property features a swimming pool and will soon include pickleball courts.
Leandro Baldemor house
Actor Leandro Baldemor owns a sprawling property in Paete, Laguna, where his home, workshop, and gallery are all located.
PHOTO/S: Julius Babao UNPLUGGED on YT/ Leandro Baldemor on FB

Ang four-hectare land ni Leandro Baldemor, 52, sa Paete, Laguna, ay may events place, swimming pool, at handicraft workshop.

Si Leandro ay nakilala bilang leading man ng titillating films ng Seiko Films pagpasok ng mid-‘90s. Naging male lead siya sa mga 1996 movies na Sariwa, Patikim ng Pinya, at Tukso, Layuan Mo Ako 2.

Nang tumamlay ang kanyang showbiz career noong 2000s, nagtrabaho siya bilang hosto sa Japan sa loob ng tatlong taon.

Noong umuwi siya sa Pilipinas, sinimulan niya ang kanyang wood-carving business.

Ilan ito sa mga itinampok sa YouTube channel ni Julius Babao nitong July 23, 2026.

Leandro Baldemor house 1
Leandro Baldemor's spacious lawn outside his house in Paete, Laguna.
Photo/s: Julius Babao UNPLUGGED on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: ASK MERALCO: How everyday use of appliances affects monthly bill

LEANDRO’S HOME

Ang kanyang events place, kapag walang nagre-rent, ay nagsisilbing pickleball court, kung saan siya naglalaro kasama ang kanyang misis na si Venus.

Balak ni Leandro na magkaroon ng tatlong pickleball courts ang property.

Ipinakita rin sa vlog ang four-foot-deep swimming pool at ang sleeping quarters.

pool
The outdoor pool at Leandro's residence.
Photo/s: Leandro Baldemor on FB
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Pickleball
The actor's events place, which he converts into a pickleball court so he and his wife can play.
Photo/s: Julius Babao UNPLUGGED on YouTube

Kuwento ni Leandro, dito raw niya pinapatulog ang mga clients, na kinabibilangan ng mga paring nagmumula pa sa malalayong rehiyon.

Mayroon din siyang malawak na garden.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

At kahit saang sulok ng bahay, makikita ang wooden handicrafts ng aktor.

LEANDRO'S works

Sa tapat ng malaking bahay makikita ang kanyang shop na naglalaman ng mga handicrafts at wood works.

Bagamat aktibo pa rin siya sa pag-arte, kilala rin si Leandro bilang manlililok ng religious figures at images.

Hindi ito kataka-taka dahil ang hometown niya ang tinaguriang “Carving Capital of the Philippines.”

Binanggit ni Leandro na parte ng curriculum ng school sa kanilang lugar ay wood carving, na requirement maipasa ng mga estudyante para maka-graduate sa elementary.

Samantala, pagpasok sa bahay, kita ang maaliwalas na interior.

Bubungad agad ang mga obra ni Leandro.

Leandro Baldemor works
Upon entering the main house, some of his wood works can be seen on display.
Photo/s: Julius Babao UNPLUGGED on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang mga muwebles o furniture naman sa bahay ay mga antigo na gawa rin sa kahoy.

“Mahilig ako sa antique, e,” paliwanag niya.

Isa sa kanyang furniture ay ang wooden cabinet na mula pa raw sa kanyang lola.

Leandro Baldemor cabinet
As an antique lover, Leandro’s home is filled with vintage furniture, including this cabinet that once belonged to his grandmother.
Photo/s: Julius Babao UNPLUGGED on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang malaking lote ni Leandro ay mistulang compound dahil nakatayo rin dito ang bahay ng kanyang kapatid.

Maging ang mga trabahador niya sa paglililok at pagpipinta ng mga commissioned pieces ay may tinutuluyan sa property.

Samantala, ang malawak niyang lupain ay mayroon ding palayan.

Leandro Baldemor
Leandro and his workshop
Photo/s: Julius Babao UNPLUGGED on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Prefab home: pros, cons, and what you need to know

LEANDRO’S CARVING BUSINESS

Sa interview, nagkuwento si Leandro tungkol sa kanyang paglililok ng handicrafts na gawa sa kahoy at fiberglass.

Sixteen years old siya noong nagsimula.

“Nakamulatan na naming hanapbuhay na mga taga-Paete na hanapbuhay ng mga magulang ko, ng lolo ko. Nasa larangan na ng pag-ukit, wood carving…”

Dugtong niya, gumagawa sila ng mga imahe na hanggang 60 feet ang taas, at ang nagkokomisyon minsan ay mula pa sa iba-ibang lugar sa Pilipinas.

Noong nagdesisyon siyang manatili sa Laguna, nahirapan daw siyang makapagsimula muli.

Mas madali raw kasing kumita ng pera sa Japan.

Bago ang wood carving business, marami raw siyang sinubukang negosyo, tulad ng restaurant at computer shop subalit wala raw umasenso.

Nag-showbiz comeback din siya, pero marami na raw siyang hindi kilala.

“Wala nang nakakakilala sa iyong staff. Nakakakilala na lang sa akin yung mga kaedaran ko,” aniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Naranasan kong parang...hindi ko minamaliit ang extra, kumbaga naging level ka na rin noong [nag-showbiz comeback ako].”

Naranasan daw ni Leandro that time na tratuhin siya na parang baguhan.

Pero kalaunan ay nakapag-establish uli siya ng connections at nakahanap ng magaling na manager-director.

Sa ngayon, pinagsasabay ni Leandro ang negosyo at pag-aartista.

Malaking tulong daw na hindi siya umaasa sa isang pagkakakitaan, lalo pa’t ang negosyo at showbiz ay parehong walang kasiguraduhan.

“Minsan seasonal din, e. Ang showbiz nandiyan, pero hindi mo masasabing bukas may show ka…”

Ganundin daw sa kanyang handicraft business.

“Meron kang paghuhugutan ng ibang pagkukunan kasi kung aasa ka lang dito sa dalawa, mahina ang isa. Sa awa ng Diyos, hindi naman nagkakasabay.”

Nagbalik-tanaw rin si Leandro sa naging daan kung paano umusbong ang kanyang wood-carving business.

Itinuturing daw niya itong milagro.

Leandro Baldemor gallery
Leandro also has a gallery which exhibits his wooden works.
Photo/s: Julius Babao UNPLUGGED on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinagdasal daw noon ng aktor na tulungan siya sa kanyang negosyo.

Pagkatapos, pinapunta siya ng isang pari sa isang lugar sa Tagaytay, kung saan nakilala ni Leandro ang napakaraming pari.

“Ginamit si Father para tawagan ako, para puntahan ko sila. O, di naging kaibigan ko lahat sila.

"Ibat-ibang lugar na—Mindanao, Cebu—na nagpagawa sa akin… cathedral, tapos simbahan, altar… isipin mo naman, di ba?

“Sabi ko, ano pang himala ang gusto ninyong ikuwento ko, di ba? Pandemic, pari tumawag sa akin nagpagawa sa akin ng retablo [altar], isang buong altar, ako nag-design.”

Sabi niya, “Napakaraming himala. God is good all the time. Magtiwala ka sa Kanya.”

Sa kanyang property ay nakatayo rin ang gallery ni Leandro na Obras de Paete Handicrafts, at dito naka-display ang iba pa niyang mga obra.

Marami raw sa kanyang mga commissioned works ay para sa simbahan at minsan ay milyun-milyon ang halaga.

Malaking tulong ang “words of mouth” para siya ay makilala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero bukod sa kanyang mga obra, sinabi ni Leandro na maganda ang pakikitungo niya sa kanyang clients.

“Kasi, ako, ini-establish ko friendship, hindi negosyo. Halimbawa, ako, kliyente kita, pipilitin kong maging kaibigan kita kesa ikaw ay maging kliyente ko lang.

“Kung gusto mo warranty, kahit lifetime warranty pa, e. Importante, mapasaya kita,” paliwanag niya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor Leandro Baldemor owns a sprawling property in Paete, Laguna, where his home, workshop, and gallery are all located.
PHOTO/S: Julius Babao UNPLUGGED on YT/ Leandro Baldemor on FB
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results