PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pitik Queen renovates house, gets baptized, makes donations

This story is about Ian Mark Kamangkang and how virality changed his life.
by Bernie V. Franco
Published 2 hours ago
Pitik Queen
Pitik Queen dances his way to success. Ian Mark Kamangdang, who went viral for his smooth dance moves, opens up about the positive changes in his life. The inset photos show his house before and after its renovation.
PHOTO/S: Ian Mark Kamangkang on FB / GMA Public Affairs

Malaki na ang ipinagbago ng buhay ni Ian Mark Kamangkang, na binansagang Pitik Queen.

Siya ang content creator na nag-viral dahil sa kanyang soft dance moves sa saliw ng “Hawak Ko Ang Beat,” ang kanyang high-waste tucked T-shirt in shorts o pants, at pitik ng ulo kapag sumasayaw.

Kaliwa’t kanan ang collaboration niya sa ibang content creators at sikat na celebrities. Mayroon na rin siyang endorsements at commercials.

Pitik Queen with Marian Rivera
Ian Mark Kamangkang, a.k.a, Pitik Queen, with Marian Rivera
Photo/s: Ian Mark Kamangkang on FB
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Chinese mukbang influencer dies after suffering from hypokalemia

PITIK QUEEN AND HIS BUSY SCHEDULE

Bagamat taga-Lake Sebu, South Cotabato, mas madalas siya ngayon sa Quezon City dahil sa kaliwa’t kanang commitments, ulat recently ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS).

Aminado siyang may daily entry na sa kanyang schedules. At minsan, ang trabaho at collabs niya ay hindi lamang nangyayari sa ibat-ibang lugar sa Pilipinas, kundi maging sa ibang bansa, gaya ng Thailand.

Sa recent episode ng KMJS, naitampok muli si Ian Mark, ilang buwan lamang noong una siyang naitampok sa Kapuso TV show noong March 2026.

Ipinakita niya rito ang bagong gawang bahay na dati ay isang kubo.

Sabi ni Ian Mark, naipataas na niya ang kinatatayuan nito para hindi na bahain kapag malakas ang ulan. Malapit kasi ito sa ilog.

Naka-smart lock ang pinto, bago ang mga furniture tulad ng sofa, may malaking flat screen TV, bagong tiles ang sahig, may mga pinto na ang mga kwarto, at maganda ang kisame.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Natutuwa ako, aba, yung pag-uwi ko dito, nakita ko yung mga parents ko they are very comfortable,” ani Ian Mark.

family watching TV
Ian Mark's parents and siblings watching TV in their well-lit living room.
Photo/s: GMA Public Affairs on YouTube
room
One of the rooms in Ian Mark's renovated home.
Photo/s: GMA Public Affairs on YouTube
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kuwento ng kanyang amang si Perlo Kamangkang, dati ay napupuyat siya sa tuwing umuulan dahil tumutulo sa bahay.

Pero ngayon ay mahimbing na ang kanyang tulog kahit malakas ang ulan.

Nangyari ang house blessing noong August 23.

Bukod pa rito, nagpabinyag na rin silang anim na magkakapatid.

“Six kami, hindi pa kami nabinyagan kasi nga kulang sa pera. Kaya naging ano na tayo, parang welcome na tayo as a Christian na magpa-bless na tayo,” aniya matapos silang mabinyagan.

Napagtapos na ni Ian Mark ang kanyang tatlong nakababatang kapatid, at ang isa ay katulad niyang guro.

Pero ang magandang pagbabago sa buhay ni Ian Mark ay hindi niya sinasarili.

Nagsasagawa siya ng mga outreach programs, na nakagawian na niya kahit noong kapos pa siya.

“Yung tatay ko nag-donate din ng lupa para pagtayuan ng public school, at yung sa likod ng bahay namin, nag-donate din siya para pagtayuan ng simbahan,” pagbabahagi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang next project niya ngayon ay patayuan ng solar panels ang isang napakalayong sitio sa kanilang lugar.

“Hindi abot doon ang kuryente kasi almost 16 hours of walking [para makarating doon]… para ma-feel din nila kung ano ang feeling, during Christmas, merong liwanag sa kanilang community.”

Ian Mark charity
Ian Mark doing an outreach program to help the less-fortunate kids.
Photo/s: Ian Mark Kamangkang on FB
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bago sumikat, si Ian Mark ay secretary to the president sa Sta. Cruz Mission School, Incorporated sa kanilang lugar.

Dati rin siyang college at junior high school teacher at nagtuturo ng tribal education na focused sa T’boli culture na siyang ethnic group nila.

Dahil sa kanyang busy schedule, tumigil muna siya sa pagiging secretary, subalit sinabing babalikan niya ito at magtuturo pa rin sa hinaharap.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pitik Queen dances his way to success. Ian Mark Kamangdang, who went viral for his smooth dance moves, opens up about the positive changes in his life. The inset photos show his house before and after its renovation.
PHOTO/S: Ian Mark Kamangkang on FB / GMA Public Affairs
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results