Solenn Heussaff leaves prenup choice to fiance Nico Bolzico: ''Kung gusto niya, gagawin ko.''

Solenn Heussaff on the possibility of entering into a prenuptial agreement with fiance Nico Bolzico: ''It's normal nowadays to do a prenup because anything can happen talaga...pero kung gusto niya, gusto ng pamilya niya, super I won't be hurt or offended."


Inamin ni Solenn Heussaff na nagsimula na siyang mag-prepare para sa kanyang wedding sa France.

Nasa 200 people na raw na manggagaling sa Argentina, United Kingdom, Philippines, France, at iba pang panig ng mundo ang nasa guest list.

Napag-usapan rin ang tungkol sa prenuptial agreement, lalo't parehong kumikita sina Solenn at Nico at may kanya-kanya silang mga investments na naipundar bago mag-asawa.

Lahad ng aktres, ''We've spoken about it. Sabi ko sa kanya, kung gusto niya, gagawin ko.

''Wala akong, it's normal nowadays to do a prenup because anything can happen talaga.

''I'm not saying...better to be safe than sorry.

''Wala pang plano pero kung gusto niya, gusto ng pamilya niya, super I won't be hurt or offended.

''At the same time, kilala ko si Nico.

''Kahit, let's say, may masamang mangyayari in the future, hindi siya yung tipo na gustong kunin lahat na meron ako.

''I think he will have what he owns, and I'll have what I own.

''We're not crazy people na, 'Ayan, sirain ko ang buhay mo, kukunin ko lahat ng mga gamit mo.'

''Hindi ako gano'n.''

Excited ba si Solenn sa magiging buhay niya bilang Mrs. Bolzico?

Tugon niya, ''Well, we won't be living in sin, yun lang talaga.

''Pero para sa aming dalawa, it's the same, kasi we've been living together, so walang maiiba.

''Baka when we start a family in the future. Pero matagal pa 'yan."

NO CAREER CHANGES AFTER MARRIAGE. Dito raw sa Pilipinas gustong manirahan nina Solenn at Nico as a family.

Paliwanag niya, ''May bagong business kami dito, virtual banking, called V-Money.

''We're gonna work on that here, and then, we're gonna open an office in Silicon Valley.

''A lot of hard work, pero dito yung base talaga ng office.''

Hindi rin daw maaapektuhan ng kasal ang mga career choices ni Solenn as an actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ng Kapuso star, ''We didn't talk about anything, kasi kilala niya ako at kilala ko siya.

''Whatever we want to do, magwu-work.

''Wala talagang magbabago kahit ikasal kami.

''Ayoko nang magbago kahit kasal pa ako.''


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN