Patricia Javier considers hubby Rob Walcher her greatest blessing

Patricia Javier on husband Rob Walcher: "Hindi man ako nakapangasawa ng milyonaryo, ang puso ng asawa ko, napakalaki."


Isang taon nang naninirahan sa Pilipinas ang mag-asawang Patricia Javier at Rob Walcher kasama ang kanilang dalawang anak.

Pero aminadong hindi naging madali para sa aktres at sa pamilya niya ang paninirahan dito.

Ayon sa actress/DJ, "Hindi naging madali. For one year kasi, hindi namin alam kung titira ba kami dito or doon [United States]."

Paano naman ilalarawan ni Patricia ang pamumuhay nila rito?

Pahayag niya, "Sapat lang yung finances namin.

"Hindi naman kulang, hindi rin naman sobra-sobra.

"Pero ang kagandahan lang kasi, yung asawa ko, he’s very hardworking din naman kasi. Supportive siya.

"Siyempre, for one year, kung ano yung savings namin, yun ang ginagastos namin.

"Pero lately naman kasi nakakakuha na ako ng mga shows-shows.

"Yung asawa ko naman, may mga taong nagtitiwala sa kanya about chiropracty.”

Ayon sa isang medical dictionary, chiropracty is "a system of treating disease by manipulation of the vertebral column."

LIVING A COMFORTABLE LIFE. Ipinagpapasalamat ni Patricia na hindi naman sila nagkaroon ng major problems ng kanyang asawa pagdating sa pera.

Saad niya, “Normal lang.

"Yung tipong hindi naman kami puwedeng mag-splurge kasi kailangan naming i-balance every thing.

"Kasi siyempre, yung income na pumapasok sa amin, hindi pa naman gano'n ka-stable talaga.

"Pero ang kagandahan nga lang, yung asawa ko, buti na lang he’s prepared na tumira dito.

"Parang siya lahat, buong pamilya ko.

"Kumbaga, lahat-lahat—from my sons hanggang sa mga kapatid ko, siya lahat ang gastos niyan.

"So ngayon, sinasabi ko sa asawa ko, 'Just think na lang kasi you’re my manager now.

"Pag nagkaroon naman ako ng work, ibabalik ko na lang yung mga abono mo."

HER GREATEST BLESSING. Hindi man daw mayamang-mayaman ang asawa ni Patricia, itinuturing niyang blessing sa kanya si Rob.

Aniya, "He’s a blessing to me and to my family.

"Hindi man ako nakapangasawa ng milyonaryo, ang puso ng asawa ko, napakalaki. Kumbaga, family first parati.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang asawa ko talaga, ang kagandahan lang sa kanya, yung profession niya, ang kailangan lang niya ay ang katawan niya para mag-adjust sa mga tao, yung pagiging chiropractor niya.

"Yun ang blessing sa amin na parang...sabi ko nga sa asawa ko, 'Hindi tayo magugutom kasi yung katawan mo ang ginagamit mo sa trabaho mo.'"

Isa sa mga plano ni Patricia at ng asawa niya ay magtayo ng mga clinics sa iba’t ibang lugar.

Exclusive na nakapanayam si Patricia ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Elvinshe Ristorante, sa Scout Borromeo, Quezon City, kunsaan meron din silang maliit na share ng kanyang asawa.

PURSUING HER MUSIC CAREER. Kasabay ng launch ng Patricia Javier:Reinvented album ni Patricia ay ang presscon naman para sa kanyang Valentines show na gagawin sa Elvinshe.

Si Rob din daw ang nag-engganyo sa kanyang bumalik sa pagkanta.

Kuwento niya, "Sabi niya sa akin, why don’t you do yung talagang gusto mong gawin?

"Sabi ko, 'Gusto kong kumanta.'

"Ito lang [album], pauna ko lang ito para malaman ng tao na I’m trying to pursue sa music part.

"Pero yung susunod na album, nandun na yung collaboration ko with other artists na susulatin ko na yung mga songs ko."

Ilang beses nang naudlot ang singing career ni Patricia lalo na nung siya ay nag-asawa.

Ngayon, natuloy na ito sa wakas.

"This time na nandito na kami, I wanna focus na.

"I wanna do mall tours, more on music side. I’m also open to doing films kung may offer.

"Actually, nakagawa na rin ako ng apat na indie films.

“Nakapag-TV series na ako. Open ako to anything basta para sa career."

GRATEFUL FOR HUBBY'S FULL SUPPORT. Samantala, aging ang pag-pose niya sa FHM Philippines nung nakaraang taon ay may approval din daw ni Rob.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natatawang kuwento ni Patricia, "Siya rin yun.

"Kasi sabi niya, kasi I just turned 40.

"And then, sabi niya, 'Being forty with kids and you still look good! Puwede kang maging model or inspiration sa mga mommy na katulad mo. Kahit mommy ka na, maganda ka pa rin.'

"Ideya lahat ng asawa ko yun.

"Lahat ng ginagawa ko, honestly, idea ng asawa ko…gano'n siya ka-supportive.

"Ang nakakatuwa, nakikita niya yung talents na yun sa akin na parang siya ang nagsasabing, ‘Sige, gawin mo 'yan.'

"Hindi ko naman magagawa lahat ng 'yan kung hindi niya ako pinu-push na gawin.”

DUAL CITIZENSHIP. Dual citizen raw ang estado ngayon ni Patricia maging ang dalawa nilang anak.

Paliwanag niya, “Kasi, naisip ko, babalik at babalik ako sa Pilipinas, e.

"Gusto ko dito sila, para pag bumalik sila doon [States], ma-appreciate nila yung pinanggalingan ng natay nila.

"Saka gusto ko silang maging mas mababait, mas down-to-earth.

“Doon kasi, parang ang dating [between kids and their parents], 'Kasalanan mo ipinanganak mo ako, kaya magdusa ka.'

"Dito, ang mga anak, sila ng nagtatrabaho para sa mga magulang.

"Na-experience ko 'yan.

"Kaya sa mga anak ko, habang ganyan yung age nila, iba yung pag-bring up ko sa kanila.

"Mas down-to-earth sila, mapagpasensya, masipag."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN