Meryll Soriano bent on finishing studies in London despite lack of support from dad Willie Revillame

Meryll Soriano explains why she's determined to finish her Product Design course in London, despite her dad Willie Revillame's objection: "May sarili tayong gusto sa buhay, e. Ayokong ipilit ang sarili ko sa isang bagay na hindi ko gusto."


Gustong tapusin ni Meryll Soriano ang kurso niyang Product Design sa London arts school na Central Saint Martins College of Art and Design.

Konting tiyaga na lang daw at makakatapos na siya.

“Wala lang budget kasi!” tawa niya.

“Kailangan pag-ipunan ko muna. Kaya heto, trabaho muna tayo.

“'Tsaka okey na rin na nandito ako, kasi ang laki na ni Eli.”

Si Elijah o Eli ang anak ni Meryll kay Bernard Palanca.

“Mahihirapan akong iwan siya ngayon.

“Kung noon, naging okey lang sa akin kasi baby pa siya.

“Ngayon marami na siyang ginagawa at ayokong ma-miss lahat iyon,” diin niya.

INSEPARABLE. Kung babalik nga raw ng London si Meryll, gusto niyang isama si Eli.

Saad niya, “If ever na nakaipon na tayo para matapos ko ang course ko sa London, kailangan kasama ko na ang anak ko.

“Hindi ko kakayanin na mawalay sa anak ko kahit isang araw lang.

“Malulungkot ako doon at mababaliw ako kapag hindi ko siya kasama.

“Kaya ipon lang nang ipon habang may trabaho.

“Thankful ako na dumating itong That’s My Amboy.

Malaking tulong sa aming mag-ina.”

NOT EXPECTING SUPPORT FROM DAD WILLIE. Hindi na raw umaasa si Meryll na tustusan ng kanyang amang si Willie Revillame ang kanyang pag-aaral. Isa lang daw ang isasagot nito sa kanya.

Kuwento ni Meryll, “Ayaw ni Papa ng kurso ko talaga. Hindi siya naniniwala sa kurso ko.

“Gusto niya business course ang kunin ko.

“Ako naman, okey lang. Kung ayaw niya, walang pilitan.

“I respect him. Tatay ko pa rin siya.

“May sarili tayong gusto sa buhay, e.

“Ayokong ipilit ang sarili ko sa isang bagay na hindi ko gusto.

“Kaya nga nagtatrabaho tayo para yung gusto ko ang masunod.

“Dasal lang at gawa, ma-achieve natin lahat ng gusto natin sa buhay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN