PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Here are energy-saving hacks to reduce electricity bills

Tipid tips sa tag-init!
by Allyanah Marielle T. Calinao
Published Mar 6, 2025
energy efficiency
Looking for energy-saving tips? Here are some clever hacks to help you lower your electricity bill.
PHOTO/S: Canva

Summer na naman kaya asahan ang sobrang pagtaas na electric bills.

Sa ganitong sitwasyon, mahalagang pairalin ang habit sa pagtitipid.

At hindi ito nangangahulugang isasakripisyo ang comfort dahil may mga praktikal na paraan upang mapababa ang konsumo ng kuryente.

Read: How to make your house anay-free and rodent-free

ENERGY-SAVING TIPS AT HOME

Narito ang ilang energy-saving hacks mula sa Meralco.

GO FOR NATURAL LIGHT

Sa halip na buksan agad ang mga ilaw sa umaga, mainam na samantalahin ang liwanag mula sa araw.

Buksan ang mga bintana at kurtina kung hindi pa naman masyadong tirik ang araw.

Hindi lamang makakatipid sa kuryente, makakapasok pa ang hangin sa loob ng bahay.

AVOID “PHANTOM LOAD”

Maraming appliances ang kahit naka-standby mode ay patuloy pa ring nagkokonsumo ng kuryente.

Ayon sa Energysage, ang tinatawag na "phantom load o vampire power" ay tumutukoy sa mga gamit, tulad ng TV, microwave, charger, at iba pang electronic devices, na patuloy na gumagamit ng kuryente kahit hindi aktibong ginagamit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Halimbawa, kahit hindi naka-charge ang cellphone, kung nakasaksak pa rin ang charger sa outlet, patuloy pa rin itong gumagamit ng kuryente.

Upang maiwasan ito, ugaliing bunutin ang mga saksakan ng appliances kapag hindi ginagamit.

Puwede ring gumamit ng power strips na may switch upang mas madaling mapatay ang lahat ng nakasaksak nang sabay-sabay.

unplug
Unplugging appliances that are not in use is an effective way to reduce electricity consumption.
Photo/s: Canva
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: These reliable stain removers are all found in the kitchen

CHOOSE ENERGY-EFFICIENT APPLIANCES

Kung may planong bumili ng bagong appliances, piliin ang mga may energy-efficient rating o inverter technology.

Maaaring mas mataas ang paunang halaga ng mga ito, pero mas mababa naman ang konsumo sa kuryente, kaya mas matipid sa pangmatagalang paggamit.

SET THE AIR CONDITIONER PROPERLY

Upang mapanatiling mababa ang konsumo ng air conditioner, mahalagang itakda ito sa tamang temperature, na nasa pagitan ng 24-26°C.

Kung inverter ang aircon, piliin ang auto mode imbes na cool para ito mismo ang mag-adjust sa cooling power base sa room temperature. Mas energy-efficient ito.

Dagdag pa rito, gamitin ang timer function upang kusa itong mamamatay kapag hindi na kinakailangan.

At siguraduhing regular na nililinis ang aircon filter upang hindi mahirapan ang makina sa pagpapalamig ng hangin.

USE REFRIGERATOR PROPERLY

Upang mapanatili ang mababang konsumo ng kuryente ng refrigerator, huwag itong buksan nang madalas o matagal.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang bawat pagbukas kasi ay nagdudulot ng pagtaas ng temperatura sa loob, dahilan upang mag-double effort ang compressor.

Tiyakin ding hindi ito sobrang puno o sobrang bakante upang mapanatili ang maayos na daloy ng malamig na hangin.

Siguraduhing regular itong i-defrost upang maiwasan ang sobrang pagbuo ng yelo na maaaring magdulot ng mas mataas na kargada sa makina.

refrigerator
Be sure not to overload your refrigerator and lessen the times of opening it.
Photo/s: Canva
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

USE THE ELECTRIC FAN PROPERLY

Kahit na mas mababa ang konsumo ng electric fan kumpara sa air conditioner, mainam pa ring gamitin ito nang wasto upang higit pang makatipid.

Una, itapat ito sa bintana upang mapanatili ang preskong daloy ng hangin sa loob ng bahay.

Ikalawa, siguraduhing malinis ang blades nito upang mas epektibo ang pagbuga ng hangin at hindi ito kailangang gumamit ng mas mataas na energy consumption.

Ikatlo, i-switch off ito kung hindi ginagamit.

GO FOR LED BULBS

Ang LED bulbs ay mas matipid sa kuryente kumpara sa incandescent at CFL bulbs.

Mas matagal din ang paggamit nito.

bulbs
Using LED bulbs is more practical than using incandescent bulbs.
Photo/s: Canva
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WASH AND IRON CLOTHES IN BATCHES

Kapag gumagamit ng washing machine, mainam na maglaba nang maramihan upang masulit ang bawat gamit ng tubig at konsumo sa kuryente.

Mas makakatipid din kung gagamit ng malamig na tubig sa halip na hot water setting, maliban na lamang kung kinakailangan.

Gayundin, sa halip na magplantsa araw-araw, mas mainam na minsanang gawin ito weekly.

Overall, ang pagbabawas ng konsumo sa kuryente ay hindi lamang nakakatulong sa pagbawas ng buwanang expenses kundi pati na rin sa global warming.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Looking for energy-saving tips? Here are some clever hacks to help you lower your electricity bill.
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results