PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Goodbye, noisy kapitbahay! Sound Screw could be the solution!

Baka di na kailangan makiusap o magpa-soundproof!
by KC Cordero
Published Apr 29, 2025
Photo of Sound Screw
Dahil sa disenyo ng Sound Screw, naa-absorb ang ingay na dadaan sa dingding at napapababa sa hanggang kalahati ang sound level. (Photo: @scientistworlds on IG)

Madalas ka bang maistorbo ng ingay mula sa kapitbahay?

Kung oo ang iyong sagot, hindi ka nag-iisa.

Mula sa mabibigat na hakbang ng mga paa, malakas na usapan o patugtog ng sound system, pagbirit sa videoke—nakakasira ng araw o gabi, di ba?

Marahil, halos lahat na ng paraan at pakiusap ay sinubukan mo na, pero wala pa ring nangyari.

Paano kung ang solusyon pala sa problemang ito ay napakasimple: isang metal screw?

News about the Sound Screw
Isang innovative solution ang Sound Screw para mabawasan ang ingay sa paligid ng bahay. Photo: @scientistworlds on IG
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iisipin mong kakatwa, pero ang invention na ito mula sa Sweden ay nasa finishing touches na para epektibong makontra ang ingay mula sa paligid ng iyong tinitirahan.

Read: Mini-refrigerator invented by 3 teens uses salt, not electricity

SOUND SCREW DISSOLVES SOUND PASSING THROUGH WALLS

Ang metal screw, na tatawaging Sound Screw, ay na-develop ni Hakan Wernersson, isang researcher sa Department of Materials Science and Applied Mathematics ng University of Malmo sa Sweden.

The inventor of Sound Screw
Ang inventor ng Sound Screw na si Hakan Wernersson, Photo: LinkedIn
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

May kakayahan itong basagin ang ingay o sound waves, ayon sa ulat ng news website na WECB Radio last April 6, 2025.

Paano? Ang structure kasi nito ay nahahati sa gitna at may spring sa loob.

Photo of few pieces  of Sound Screw
Ang disenyo raw ng Sound Screw ay epektibong magre-reduce ng ingay. Photo: @scientistworlds on IG
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kapag ginamit sa mga tablang pandinding, ina-absorb ng spring ang sound waves na dadaan sa mga materyales na ginamit sa dingding.

Dahil dito, nadi-dissolve ang ingay at hindi na nakararating sa tainga.

Read: Siddarth Nandyala creates app that detects heart-related issues

POTENTIAL BENEFITS OF SOUND SCREW

Binigyang-diin ni Hakan na sa Sweden—o maging sa iba pang bansa—ay may legal requirements pagdating sa sound insulation sa apartment buildings.

Aniya, ang Sound Screw ay maaaring makatulong upang matugunan ang requirement na ito.

Mas mapapakinabangan naman ito sa single-family homes kung saan problema ang pagre-reduce ng ingay, pero hindi kailangang baguhin ang buong layout.

Ang isa pang magandang insentibo: makakatulong itong maka-save ng space.

Ang traditional insulation at soundproofing techniques ay kalimitang nangangailangan ng extra layers o kaya ay materyales—na kumakain ng espasyo lalo na kung maliit ang kuwarto.

Sa pamamagitan ng Sound Screw, direktang maikakabit ang anumang materyales na pandingding at makakatipid sa espasyo maging sa sahig at kisame nang hindi na kailangan ang insulation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Hakan: “One square meter of floor space can be worth thousands of euros.

“And with our screw, you’re making the most of that space.”

Read: Tiny hotels built to save solitary bees!

LAB TESTS SHOW SOUND SCREW REDUCES SOUND LEVEL BY HALF

Ang resulta ng invention ni Hakan ay promising base sa laboratory acoustic tests gamit ang standard dry wall o plywood.

Sinubukan din ang Sound Screw sa real-world setting.

Sa isang hair salon, pinalitan ang traditional screws nang hindi inaalis ang existing ceiling plaster.

Positibo ang resulta: Nabawasan ang ingay mula sa labas.

Mas epektibo ito sa wooden joists, kung saan mas mataas ang acoustic challenges kumpara sa concrete buildings.

Read: UP researchers develop herbal tablet for diabetes

MORE TESTs STILL NEEDED FOR SOUND SCREW

Bagaman at nagpapakita ng magandang resulta, kailangan pa rin itong masubukan nang matagal para tuluyang ma-evaluate kung talagang epektibo ito in the long run.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang simple invention na ito ay posibleng maging game-changer kapag nasa market na.

Malaki ang ipinapakitang interes dito ng mga kumpanya mula sa South America at Japan.

Read: Filipino engineering students win at WED Hackathon 2025 in Paris

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dahil sa disenyo ng Sound Screw, naa-absorb ang ingay na dadaan sa dingding at napapababa sa hanggang kalahati ang sound level. (Photo: @scientistworlds on IG)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results