PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kasambahay monthly minimum wage in Metro Manila set at PHP5,000 starting January 2

It already includes your kasambahay's SSS, PhilHealth, and Pag-IBIG Fund contributions.
Published Jan 5, 2020
"Kung kelan effective iyong ating wage order, kelangan mag-adjust na rin ang employers," says Department of Labor and Employment NCR Director Sarah Buena Mirasol.
PHOTO/S: JCOMP

Masagana ang bagong taon para sa mga kasambahay sa Metro Manila.

Simula January 2, 2020, ang minimum na suweldo na kanilang dapat matanggap kada buwan ay PHP5,000.

Ikinumpirma ito ni Department of Labor and Employment National Capital Region (DOLE NCR) Director Sarah Buena Mirasol sa kanyang interbyu sa DZMM TeleRadyo noong December 24, 2019.

Aniya, "Ang ating bagong wage order ay PHP5,000 na starting January 2, 2020."

Ito ay tumaas ng PHP1,500 mula sa PHP3,500 monthly minimum wage, na suweldo ng mga kasambay simula pa noong December 16, 2017.

Naipatupad ang increase matapos ilabas ng DOLE and Wage Order No. NCR-DW-02, 15 days matapos nila itong i-file noong December 20, 2019.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WAGE ORDER IS EFFECTIVE IMMEDIATELY

Kung ikaw ay nakatira sa Metro Manila at employer ng isa o higit pang kasambahay, dapat rin ba ay agad-agad mong taasan ang kanilang suweldo base sa bagong wage order?

Sagot ni Director Mirasol: "Kung kelan effective iyong ating wage order, kelangan mag-adjust na rin ang employers, regardless kung magkano ang kanilang kinikita.

"Walang exception sa ating wage order."

Ayon rin sa report ng Inquirer, hindi kabilang sa wage hike na ito ang mga service providers, family drivers, children under foster family arrangements, and persons who work occasionally or on a per-day basis.

KASAMBAHAY'S SOCIAL CONTRIBUTIONS?

Ayon sa “Domestic Workers Act” o “Batas Kasambahay” na ipinatupad noong taong 2013, entitled na rin ang mga kasambahay sa social contributions na Social Security System (SSS), Philippine Health Insurance (PhilHealth), at Home Development Mutual Fund (Pag-IBIG).

Dati, ang employers lamang ang dapat gumastos para sa social contributions na ito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ngayon na itinaas na sa PHP5,000 ang minimum wage ng domestic helpers sa Metro Manila, may share na rin sa dapat bayaran ang iyong kasambahay.

"Dati po kasi, kapag below PHP5,000, ang magbabayad ng social benefits ay ang employer.

"Pero ngayon, since PHP5,000 or more na, meron na ring contribution ang employees," sabi ni Director Mirasol.

At dahil paghahatian ninyo ng iyong kasambahay ang kabuuan ng kanyang social contributions, dapat ibawas mo na ang halagang kailangan niyang i-contribute bago mo pa iabot sa kanya ang kanyang suweldo.

Ang halagang ito ay depende pa rin sa kung magkano ang eksaktong suweldo ng iyon kasambahay.

Pero kung ito ay nasa PHP5,000, ganito ang dapat ninyong paghatian at dapat mong ikaltas, ayon sa websites ng SSS, PhilHealth, at Pag-IBIG Fund:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung nais mo namang hindi na kaltasan ang suweldo ng iyong kasambahay at ikaw na lamang ang magbayad ng kabuuan ng kanyang contributions, maari mo rin itong gawin, ayon kay DOLE NCR Director Sarah Mirasol.

Ano pa man ang iyong desisyon, mananatiling ikaw, bilang employer, ang maghuhulog ng kanyang social contributions sa SSS, PhilHealth, at Pag-IBIG offices na malapit sa inyo.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kung kelan effective iyong ating wage order, kelangan mag-adjust na rin ang employers," says Department of Labor and Employment NCR Director Sarah Buena Mirasol.
PHOTO/S: JCOMP
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results