Ganito nalagpasan ni David Licauco ang kanyang fear of heights

by NMI Multimedia Text: Rommel R. Llanes
Mar 3, 2020
Sinubukan nina David Licauco at Shaira Diaz ang paragliding na ginawa ng characters sa sikat na Korean drama na Crash Landing On You.
PHOTO/S: @shairadiaz_ instagram / Screenshot from Unang Hirit, GMA-7

Sa intro ng special feature ng Unang Hirit kahapon, March 2, ginaya pa nina Shaira Diaz at David Licauco ang isang eksena sa sikat na Korean Drama series na Crash Landing On You.

Pero nung actual na gagawin na nila ang ginawa ng mga bida sa Korean drama na kilala rin sa acronym nitong CLOY, na sina Son Ye-jin (as Yoon Se-ri) at Hyun Bin (Ri Jeong-hyuk), napa-"wait lang" pa ang isa sa kanila.

Continue reading below ↓

Video: GMA News.

Sinubukan nina Shaira at David ang paragliding.

Pero taliwas sa ginawa ng mga bida sa CLOY, may alalay naman ng paraglide instructor sina Shaira at David.

Si Shaira, aminadong kabado nung umpisa. Pero nung nasa ere na, enjoy na enjoy na siya't nag-shout out pa kay Captair Ri (Hyun Bin).

Sa David naman, ipinagtapat na may fear of heights at nag-urong-sulong pa bago pumailanlang kasama ang paraglide instructor. Muntik pa niyang maisama ang nag-assist sa kanila para maka-take off.

Pero nung nasa ere, halatang na-conquer na ni David ang kanyang fear of heights.

Sa ending ng kanilang special feature, inirekomenda nina Shaira at David ang paragliding para maging summer activity ng mga Kapuso.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sinubukan nina David Licauco at Shaira Diaz ang paragliding na ginawa ng characters sa sikat na Korean drama na Crash Landing On You.
PHOTO/S: @shairadiaz_ instagram / Screenshot from Unang Hirit, GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results