Mylene Dizon nahihilig sa pagtatanim ng gulay at pagtitiris ng mga peste rito 

by Jojo Gabinete
Mar 8, 2020
Nahihilig sa pagtatanim si Mylene Dizon, at lahat ng gulay sa kantang "Bahay Kubo" ay meron sa bakuran niya.
PHOTO/S: @missmylenedizon on Instagram

“Actually, may slight awa, cute sila, yung maliliit na green caterpillar na kinakain ang pechay ko,” ang sabi ni Mylene Dizon tungkol sa mga insekto na tinitiris niya dahil kinakain ang kanyang mga tanim na gulay.

Nang matabunan ng abo ang kanyang mga tanim na carrot dahil sa pagputok ng Taal Volcano noong January 12, parang nag-a-abort ng sanggol ang pakiramdam ni Mylene.

"Nung binubungkal ko yung mga carrots na ganyan kaliliit, ang feeling ko, nag-a-abort ako ng baby. Kawawa naman siya…kailangan ko nang kunin. Sad because parang dalawang beses, tatlong beses ka lang makakapag-ani."

Continue reading below ↓

Lahat ng klase ng gulay sa awit na Bahay Kubo ay nasa pananim ni Mylene sa bakuran ng kanyang tahanan sa Silang, Cavite, at hinihikayat niya ang lahat na magtanim ng gulay bilang food security.

"Sana, kung maaari, kung meron tayong maski maliit na lupa lang na puwede nating pagtaniman ng gulay, dapat nagtatanim tayo ng ating sariling gulay dahil iyan ay food security. Kahit anong mangyari, meron kang madudukot na pagkain.”

Continue reading below ↓

Matagal nang nang-umpisa ang interes ni Mylene sa pagtatanim ng mga gulay.

Kahit noong naninirahan pa siya sa isang condominium, may mga tanim siyang gulay sa balcony ng condo unit.

Dahil sa hilig niya sa pagtatanim ng gulay, pumasok sa isip ni Mylene na magnegosyo at maging supplier ng mga gulay sa malalayong lugar sa Pilipinas.

"I’d like to be able to supply vegetables to faraway places. As a business. Kasi sa Palawan, wala silang gulay. Yung mga El Nido na iyan, they don’t have.They get it from Cebu, Manila…

"If I can do that, why not? Inaaral ko siyang mabuti because I’m hoping that I can inspire others, more than anything…that anybody can grow anything.”

Sa tanong kung ano ang satisfaction na nakukuha niya sa pagtatanim ng gulay, sagot ng aktres: “Knowing that I’m able to produce something out of dirt. That I can make food for the family or the challenge of it because it’s not easy.

Continue reading below ↓

"Now I understand, I have this high respect for farmers, especially organic farmers, because organic farming is very difficult.

"May mga umaga na gigising ka nang maagang-maaga, aabangan mo talaga yung mga peste 'tapos pipiga-pigain mo sila ng mga daliri mo isa-isa because there’s no other way. I refuse to put pesticides”

Si Mylene naay madalas nagbabaon ng gulay sa set ng Bilangin Ang Bituin Sa Langit para ibahagi sa mga katrabaho niya.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nahihilig sa pagtatanim si Mylene Dizon, at lahat ng gulay sa kantang "Bahay Kubo" ay meron sa bakuran niya.
PHOTO/S: @missmylenedizon on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results