Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Ai-Ai delas Alas finds a "sideline" in her ube pandesal business

by Bernie V. Franco
Apr 23, 2020
LABOR OF LOVE. Ai-Ai delas Alas decides to start selling her ube pandesal amidst the COVID-19 health crisis. Her husband Gerald Sibayan also helps in preparing the orders.
PHOTO/S: @msaiaidelasalas on Instagram

Aksidente lang ang pagsisimula ni Ai-Ai delas Alas, 55, ng kanyang negosyong pandesal at tinapay.

Ito ang sinabi ng Kapuso comedienne-host nang tawagan siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Martes ng gabi, April 21.

Wala pang dalawang linggo mula nang simulan niya ito.

Ang craving ng asawa niyang si Gerald Sibayan ang nag-udyok kay Ai-Ai.

“Parang aksidente lang siya.

“Iyong asawa ko, gusto talaga niya ng ube pandesal, so wala naman kaming mabilhan,” sabi ni Ai-Ai.

Mayroon daw siyang alam na ganitong produkto sa may Makati City, pero dahil sa enhanced community quarantine, maraming limitasyon.

Kaya naman naisipan niyang gumawa ng sariling bersiyon ng ube pandesal.

Suportado raw siya ni Gerald.

“So, since alam naman niya na marunong akong mag-bake... meron akong background, di ba?

“Nag-culinary ako dati. Part of the subject namin is baking…

“So marunong talaga akong mag-bake, bukod sa marunong akong magluto."

msaiaidelasalas on Instagram
Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos

Nag-enroll noon si Ai-Ai ng two-year course sa Center for Culinary Arts.

Pero naka-isang taon lang siya dahil may mga showbiz projects na kinailangan niyang iprayoridad.

AI-AI's UBE PANDESAL RECIPE

Pagpapatuloy ni Ai-Ai: “Marunong akong gumawa ng pandesal, binigyan ko lang ng flavor…"

Patok ang kinalabasan ng kanyang recipe.

“So ayun, ang nangyari nagustuhan niya, so might as well [gawin kong business].

“Nagustuhan din naman ng iba, e di, patikim ko na sa mga followers ko, 'tsaka iyong mga nasa Instagram.

“Ganoon ang start nun,” lahad ni Ai-Ai.

Nito lang Abril niya nilunsad ang bagong negosyo.

"One week pa lang o one week and a half,” masayang sabi ng comedienne.

Tinawag niya itong Martina’s Bread and Pastries, hango sa totoong pangalan ni Ai-Ai—Martina Eileen delas Alas.

Mayroon na itong sariling Instagram account, kung saan maaaring mag-place ng order.

Sa ngayon, ilang klaseng tinapay pa lang ang meron ang negosyo ni Ai-Ai: ube pandesal at ube supreme.

Continue reading below ↓

Nagdidiskubre pa siya ng ibang klase ng tinapay.

Ang mga kaibigan nga niyang artista na sina Eugene Domingo, Ara Mina, at Aiko Melendez, nag-post pa ng short videos para sa positive feedback nila sa pandesal ni Ai-Ai.

“Natuwa naman sila kasi masarap daw ang pandesal at malambot," pagbabahagi ni Ai-Ai.

“Okay naman. Happy naman ako na na happy sila sa pandesal.

“I think iyon iyong nagustuhan nila kasi ako mismo iyong nagbi-bake, ako mismo.

"Kaya siguro iyon iyong nagustuhan nila, parang authentic…”

HOW TO ORDER AI-AI'S UBE PANDESAL

Hindi naging hadlang para kay Ai-Ai ang quarantine para simulan ang pagbebenta ng kanyang baked goods.

Nagpo-post siya ng link para sa order form via Instagram account ng kanyang business tuwing Monday at Thursday.

Continue reading below ↓

Magbu-book naman ang customer through transportation network vehicle service, gaya ng Grab, para sa delivery ng order every Wednesday and Saturday.

Pero dahil may quarantine pa, sa Quezon City pa lamang available ang kanyang produkto.

Dalawang beses muna sa isang linggo ang kanilang pagbebenta.

“Marami kaming orders, kaya lang nili-limit namin sa 1,000 pieces regular ube pandesal, iyong 200 nili-limit namin doon para sa ube supreme,” sabi ni Ai-Ai.

Continue reading below ↓

“Pero dalawang beses lang kami a week kasi iyon lang ang kaya.

“Kasi baka hindi namin maibigay iyong order nila, nakakahiya naman.

“Pero kasi sobrang pagod na rin kami sa 1,000 kasi sira rin iyong machine namin.”

Narito ang kanyang price list para sa ube pandesal:

12 pieces- PHP170

24 pieces- PHP300

20 pieces- PHP380

AI-AI AND GERALD'S LABOR OF LOVE

Ang mga katuwang ni Ai-Ai sa paggawa ay ang kanyang mga anak at asawa.

“Ako iyong nagtitimpla, pero humihingi rin ako ng tulong sa mga anak ko, nagmamasa.

“'Tapos naglalagay ng cheese and ube ang asawa ko.

“Family kami na gumagawa.”

Pero ayon kay Ai-Ai, “Itutuloy ko kasi parang ito na iyong sabi ko, buhay ko after.

“Pero siyempre, aside from pag-aartista, ito bale iyong sideline ko.”

Sisimulan daw nila ang pagdi-deliver sa Metro Manila kapag naging normal na ang sitwasyon.

Malaking pasasalamat na lamang daw niya at hindi masyadong mahirap maghanap ng mga sangkap dahil basic commodity naman ang pagkain.

Continue reading below ↓

AI-AI ON HER OTHER FOOD BUSINESS

Noong September 2018, binuksan ni Ai-Ai ang kanyang restaurant business sa may Ayala Mall Cloverleaf, ang Ai-Sian Fusion, subalit ibinenta na raw niya ito.

Sa ngayon, ang isa pa niyang negosyo ay ang Hauz of Unli sa Maybunga, Pasig City.

Unlimited chicken wings, pork, and pasta ang menu ng business na ito.

Continue reading below ↓

Seven months na raw sana ito ngayong Abril, pero gaya ng ibang negosyo, sarado ito dahil sa health crisis at quarantine.

“Malakas iyon kasi mura at unlimited.”

Nakakalungkot lang daw at kailangang itigil muna ang umuusbong na food business.

Apat daw ang empleyado sa negosyo niyang iyon.

“Kahit papano nabibigyan ko naman sila, pakonti-konti and hindi naman buo.

“Kasi wala rin naman akong trabaho.”

AI-AI'S PRAYER

Kinumusta rin namin ang kanyang karera ngayong may health crisis.

Lahad ni Ai-Ai: “E, ngayon, wala naman na tayong choice kundi… nananalig na lang ako talaga...

“Sa totoo lang, nananalig na lang ako kay Lord.

“Kung ano iyong desisyon Niya, doon na lang ako.

“Alam ko hindi naman Niya tayo pababayaan, sa totoo lang…”

Kung ano man daw ang susunod na mangyayari, ipapaubaya na lang daw niya sa Maykapal.

“Parang nag-ano na ako, nag-resign na ako… parang inano ko na iyong buhay ko kay Lord, na ‘Lord, Ikaw na bahala sa amin, sa pamilya ko.’

Continue reading below ↓

“Wala naman akong magagawa kung anong mangyayari dito, kasi kalaban natin hindi naman natin nakikita.

“Hindi lang Philippines, about ito sa buong mundo.

“Dasal ko lang, huwag Niya kaming pabayaan and huwag kaming magkasakit.

“Iyon lang talaga.

“Huwag kaming mahawa and huwag kaming magkasakit, iyon ang importante.”

HOT STORIES

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
LABOR OF LOVE. Ai-Ai delas Alas decides to start selling her ube pandesal amidst the COVID-19 health crisis. Her husband Gerald Sibayan also helps in preparing the orders.
PHOTO/S: @msaiaidelasalas on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results