Paul Salas says Dingdong Dantes is generous ninong; reveals one of his pricey gifts

Aug 11, 2020
Paul Salas (right) says Dingdong Dantes (left) is a generous ninong, and reveals some of his ninong's gifts, the most recent of which is a pricey watch.
PHOTO/S: @paulandre.salas on Instagram

Bukod sa magkamag-anak, ninong din sa binyag ni Paul Salas si Dingdong Dantes.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Paul sa pamamagitan ng online app na Zoom para sa PEP Exclusives.

Kumusta si Dingdong bilang ninong? Anu-ano so far yung memorable gifts na natanggap ni Paul mula sa Kapuso Prime-time King?

Ang sagot ni Paul, na Kapuso actor din, “Unang-una, yung Batman toy figure. Siguro mga seven years old po ako noon.

"'Tapos, recently lang...no’ng Christmas, binigay niya sa akin yung isa sa mga relo niya.”

Kilala si Dingdong, lalo na ng mga malalapit dito, na mahilig mangolekta ng mamahaling relo.

Sa pagpapatuloy ni Paul, “Biniro ko lang siya, sabi ko, 'Ang ganda niyan, Ninong. Baka naman—ay, nakakahiya, wag pala,'" sabi ko.

Laking gulat daw dahil niregalo nga ni Dingdong sa kanya ang mamahaling relo.

“'Tapos the next day, noong nasa Christmas party kami ng Descendants of the Sun, sinabi niya sa pinsan niya na kasama niya palagi, 'O, bigay mo na ang relo nito.'

Continue reading below ↓

"Akala ko nagbibiro lang, pero noong binigay sa akin, hindi ako makapaniwala na binigay niya sa akin.

"So yun ang last gift niya, noong Christmas.”

Ang brand ng relo ay Creux Automatiq, na meron lamang dalawang series: Diamondback at Ghost.

Ayon sa ABlogToWatch.com, 100 pieces lang daw ang release ng bawat model sa ilalim ng Ghost series.

Sa katunayan, maliban sa Explore models—na may presyong USD1,550 (o PHP77,903 base sa current exchange rate)—lahat ng iba pang models ay sold out.

Ang niregalo ni Dingdong kay Paul ay Ghost Shadow Carbon CA-02 na ang presyo ay nasa USD3,600 (o PHP134,655 base sa current exchange rate).

Ang mga presyo ay hango sa website ng brand.

Ghost Shadow

Continue reading below ↓

Ang sabi pa ni Paul, “Palagi rin po niyang sinusuot yung watch na yun. At gusto ko rin bumili ng watch na yun kasi palagi niyang sinusuot. Kaso, medyo pricey nga.

“Biniro ko na lang siya na ganun at binigay niya sa akin.”

DINGDONG IS MORE THAN A NINONG TO PAUL

Bata pa lang si Paul, madalas na nitong mabanggit na isa sa idolo niya si Ninong Dingdong.

“Gusto ko yung the way mag-act siya at yung kaya niyang i-portray kahit na anong character.”

Continue reading below ↓

Kabisado nga ng young actor ang mga teleseryeng nagawa ng Kapuso Prime-time King, at kung mabibigyan ng pagkakataon, ilan sa mga ito ay gustong i-remake ni Paul.

“Unang show, Marimar. Ibalik natin ang Marimar. At saka, yung nagiging Aquano siya [Atlantika]. Yun ang mga natatandaan ko, yung mga shows ni Tito Dong no’ng bata pa ko.

"Kung maibabalik man nila, di ba, puwedeng ibalik yung mga ganung fantaserye at ako naman si Aquano ngayon,” ang nakatawa niyang sagot nang tanungin kung ano ang dream role niya.

Magkasama sina Dingdong at Paul ngayon sa prime-time series na Descendants of the Sun ng GMA-7.

Continue reading below ↓

Pansamantala nga lang itong natigil dahil sa COVID-19, pero posibleng mag-resume na muli ng taping ngayong September.

Laging sinasabi ni Paul na sa mga unang araw na nagkasama sila ng kanyang Ninong Dingdong sa DOTS, kinabahan talaga siya.

“Noong una, nakaka-pressure,” lahad ni Paul. “Hindi ko alam ang gagawin ko. Lalo na sa mga first week kasi ng DOTS, nagkaka-eksena kami, nagkaka-lines. So sa una, nakaka-pressure at parang hindi ko ine-expect na magkakasama pala kami sa isang show."

RELATED STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paul Salas (right) says Dingdong Dantes (left) is a generous ninong, and reveals some of his ninong's gifts, the most recent of which is a pricey watch.
PHOTO/S: @paulandre.salas on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results