PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angeline Quinto's business name is derived from a song

Can you guess what song?
by Julie E. Bonifacio
Published Aug 26, 2020
Angeline Quinto is launching her first business venture, which is related to food.
PHOTO/S: @loveangelinequinto on Instagram

Si Angeline Quinto ay isa nang entrepreneur.

Ang kanyang food business na AQ Wings of Love ay nagbebenta ng chicken wings.

"Sobra akong excited na ibahagi ito sa lahat, lalo na sa mga kaibigan ko, sa mga supporters ko," sabi ni Angeline sa mediacon para sa ikalawang season ng kanyang YouTube show na PadaLove noong August 18, 2020.

Ito ang kanyang unang sabak sa pagkakaroon ng food business, na nag-umpisa sa tulong ng malalapit niyang kaibigan.

“Kung pamilyar po kayo doon sa Kusingeros family?

“Kasi, uh, siguro mga nakaraang taon, parang na-feature na rin sila sa iba’t ibang daily shows. Kasi iyong pamilya po na ito, pare-pareho po silang love ang music. 'Tapos, may business po sila na pagkain.

"So nung na-meet ko po sila parang, uh, nag-start po iyan, nagkaroon kami ng chance na makapag-usap.

"'Tapos, meron silang business na chicken wings na ilo-launch din. So bakit hindi na lang daw po gamitin iyong AQ, yung Angeline Quinto po."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At dahil chicken wings ang kanyang product, dinugtong niya ang isa sa paborito niyang kanta, a 1982 hit song of Jeffrey Osborne.

Sa pagpapatuloy ng singer, “Kaya nagkaroon din po ng pangalan iyong chicken wings ng ‘AQ Wings of Love.’ Kasi nga, parang ‘On the Wings of Love.’ Kasi kanta rin po siya. Hahaha!"

Ibinahagi rin ni Angeline ang paghanga niya sa mg Kusingeros.

"Alam ninyo naman ako, iyan ang weakness ko, e, kapag family ang pinag-uusapan. Nakita ko iyong kung gaano sila ka-close sa isa’t isa. Kung gaano nila kamahal iyong music.

“'Tapos, lahat pa sila, e, marurunong magluto pagdating sa pagkain, which is ganoon din po ako. Masasasbi ko na ang pinakamahal kong gawin ay ang pagluluto bukod sa pagkanta.”

Naging sentimental naman si Angeline sa bagong larangan na pinasok niya nung maalala niya ang kanyang yumaong ama.

“Sa kanya ko nakuha iyan [hilig sa pagluluto]. Kung buhay pa ang Papa ko, I’m sure sobrang matutuwa iyon kapag nakita niya na nag-start po ako ng business sa pagkain.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bago ang ginanap na mediacon for PadaLove Season 2 ay pinatikim ni Angeline ang mga members of the press at bloggers ng AQ Wings of Love.

May lima siyang flavors ng wings: Honey BBQ, Smokin’ Hot BBQ, Honey Mustard, Red Hot Labuyo, Garlic Parmesan, Salt and Pepper.

“Meron din kaming bubuksang restaurant sana sa Mandaluyong. Kaya lang sa panahon ngayon, ang hirap ding tumanggap ng mga kakain sa restaurant. Kaya ang ginawa na lang talaga namin, may restrictred area na puwedeng pagdeliberan. Pero marami naman po iyon."

Balak ni Angeline na i-target ang masa bilang customer ng AQ Wings of Love.

“'Tapos, uhm, kapag na-launch na po iyon, magkakaroon po kami ng stall...very masa.

"'Tsaka sinabi ko rin sa kanila na sana pagdating sa presyo, sana huwag iyong masyadong mahal. Pero iyong masa-satisfy naman iyong mga kakain."

Sa September 2 pa lang magsisimula for delivery ang AQ Wings of Love.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Actually, kayo pa lang ang nakatikim. Wala pa po siya sa market. Kayo pa lang ang pinadalahan ko niyan.”

ANGELINE ON PADALOVE SEASON 2

Ang isa pa’ng pinagkaabalahan ni Angeline during lockdown ay ang kanyang online show sa YouTubeb na PadaLove.

"Actually, nabuo talaga ang PadaLove, simula nung unang buwan ng lockdown. Kasi, siyempre, parang doon nag-umpisa na wala akong trabaho.

"'Tapos madalas, madalas talaga meron akong mga kaibigan na taga-Sampaloc na ang hilig-hilig humingi ng advice sa akin.

“'Tapos, parang hindi ko namamalayaan na habang binibigyan ko na pala sila ng advice parang, parang iyong binibigay ko sa kanila na mga advice, e, base rin sa mga naging experience ko. 'Tapos, lagi nila akong tinatanong kung ano bang theme song ang bagay dito.

“So nung meron ako na mga kaibigan na nanghihingi sa akin ng payo about love, kadalasan ng mga kaibigan ko, beki. Ang dami. So kapag mga broken-hearted, iyon ang nakasanayan namin. 'Tapos, punta sila dito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mula sa simpleng pagbigay ng advice sa mga kaibigan ay naisipan ni Angeline na gawing show ito.

"Tapos si Papa Dido [Camara, ASAP Natin ‘To director], taga-KreativDen din po, uh, nasabi ko na sa kanya iyon. Sabi ko, ‘Papa Dids, tutal wala naman ako masyadong ginagawa ngayon. Nasa bahay lang ako. Bakit di tayo gumawa ng isang online show na ganito ang concept?’

“So, sa akin po nagsimula iyong pagbibigay ng advice. 'Tapos sila po iyong nagsabi na bakit sa dulong part ng show, bakit hindi mo sila bigyan ng theme song para sumaya sila.

“Pero para po lumaki, ang ibig kong sabihin po, para mas lumawak po, uh, bakit hindi iba’t ibang klaseng kuwento basta about sa pagmamahal, parang ganyan.

"About sa family, sa dyowa, sa mag-asawa, kahit kanino basta about love. Kaya po PadaLove iyong naging title.”

RELATED STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angeline Quinto is launching her first business venture, which is related to food.
PHOTO/S: @loveangelinequinto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results