Alegria ang restaurant na latest venture ni Dimples Romana at ng kanyang asawang si Boyet Ahmee.
At dahil sa Singapore ang location nito, mas nauna pa raw ang mga Pinoy na makabisita roon kesa sa mga may-ari.
Kuwento ni Dimples sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) via Zoom noong April 28, 2021, “Nagpapasalamat nga ako kasi ang dami sa mga kaibigan namin and even for the locals na they will tag us, ‘Nandito kami, Alegria Singapore,’ and I like it.
“Actually, naiinggit nga ako, biro mo sila, nakapunta na sa restaurant, kami hindi pa.”
Nagbukas ang Alegria sa 18 Teck Lim Road, Singapore noong April 22, 2021. Non-traditional Latin American food ang offering ng restaurant, na unang sabak nina Dimples at Boyet sa restaurant industry.
“I just have great partners,” nakangiti niyang sabi. “I feel like, we’re actually in good company. Alam mo iyong we actually understand one another as investors, as business partners.
“I love how Alegria ventured in Singapore kasi, as we all know, maraming Pinoy sa Singapore. Kumbaga, we wanna reach out to Filipino community outside the Philippines.”
Sa ngayon, silang mag-asawa raw na kabilang sa may-ari ang hindi pa napupuntahan iito.
Hindi pa raw alam ni Dimples kung kailan nila mabibisita ang restaurant dahil hanggang October pa ang lock-in taping niya.
DIMPLES ROMANA'S LATEST SHOWBIZ PROJECTS DURING PANDEMIC
Tapos na si Dimples sa kasalukuyan pa ring umeereng serye sa ABS-CBN na Huwag Kang Mangamba, pero may bago siyang sisimulan, ang Viral.
Kuwento ng aktres, “Tinapos na ako sa Huwag Kang Mangamba kasi, ang talagang assignment ko was the one with Charlie Dizon, Jake Cuenca, iyong Viral. Kumbaga, iyong Huwag Kang Mangamba, I was asked to support din.”
Ngayong May na rin daw siya magsisimulang mag-lock-in taping. At kahit na naranasan na naman ni Dimples ang ilang beses na-lock-in taping, hindi niya itinatanggi na dahil sa dami ng cases ngayon, hindi nawawala ang takot.
Pag-amin niya, “Natatakot ako… nakakatakot talagang lumabas, but I gave my word. I really committed myself na I will join the teleserye.
“Ano na lang kami, super-super ingat kami. And may mga Zoom meetings kami, sometimes, we get to talk to the doctors, ina-arrange iyan, e. Nakakausap namin sila para malaman, ano ba ang dapat iwasan, ano ba ang dapat gawin.
“So, basically, I feel very blessed that we still get our job kahit na pandemya ngayon. Palagay ko, tatapangan mo na lang ang sarili mo at kailangan may tiwala ka doon sa mga taong kasama mo. Kasi siyempre, nilalagay mo ang buhay mo at pamilya mo sa mga kamay nila.”
Nagpapasalamat naman siya dahil sa mga nasasamahan niyang lock-in taping, wala raw naging problema.
“With Team Huwag Kang Mangamba, okay naman and then ngayon, with Viral...very informed naman and, I think, nakakatulong din na may information. Kasi, iyon ang pinaka-importante talaga. Para malaman mo kung ano ang puwede mong gawin.”
Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
